Outro

104 19 73
                                    

When pain and sadness ends,

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

When pain and sadness ends,

That's when the healing process begins.

Oftentimes, endings may be painful

But some endings are still beautiful,

For it also signify new hopes and new beginnings,

New chances and even new learnings.


Outro


ZEKE'S POV


10 YEARS LATER...



"Pre, mauna na ako sa'yo," pagpapaalam ko kay Patrick bago ko isinukbit ang backpack ko at lumabas ng building.


Nagtatrabaho kaming dalawa sa isang Engineering Firm. Kumuha kami ng kursong Civil Engineering noong college at sa ngayon ay ganap na kaming mga inhinyero.


Dumaan muna ako sa isang flower shop para kunin ang inorder kong bulaklak. Bitbit ko iyon hanggang sa makasakay ako sa jeep. Pagkakita ko sa pamilyar na lugar ay agad akong pumara at bumaba. Inamoy-amoy ko ang bulaklak at napangiti nang sumalubong sa akin ang mabango nitong amoy.


Sigurado akong magugustohan mo ito.


Naglakad ako papasok hanggang sa marating ko ang kinaroroonan niya. Huminga ako ng malalim bago ako naupo sa damuhan at inilagay ang bulaklak na dinala ko para kanya.


Parang kailan lang, sampong taon na pala ang nakalipas mula nang lisanin niya ang mundong ito. Hindi ko pa rin maiwasang malungkot kapag naalala ko siya, pero unti-unti na ring naghihilom ang sugat ng puso ko.


"Kamusta ka na, mahal?" natawa ako ng mahina sa endearment na itinawag ko sa kanya. Sayang nga lang at hindi niya na ito maririnig pa ng personal.


"Nandito na naman ako. Miss na miss na kita, Bliss. Walang araw na hindi kita iniisip. Sana may visiting hours din sa langit, 'no? Gusto na kitang makita at muling mayakap," pagkausap ko sa kanyang puntod.


Inilabas ko ang notebook na ibinigay niya sa akin at binuklat iyon. Ilang beses ko na'ng nabasa ang laman niyon pero ganoon pa rin ang epekto nito sa akin. Katulad ng dati, parang bigla akong bumalik sa nakaraan nang mabasa ko ang kanyang liham.

A Brave Heart's Sonata (Published)Where stories live. Discover now