VERSE 15

107 19 84
                                    

A loud sound broke the deafening silence,

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

A loud sound broke the deafening silence,

The room was filled with echoes of painful cries and extreme sadness,

Tears flowed from our eyes as you succumbed to death,

A smile crossed your lips as you took your last breath.


15 - The Finale



ZEKE'S POV



"K-Kiel..." ang boses niya ay lubhang mahina at garalgal. Itinaas niya ang kanyang kamay sa mukha ko bago siya nagsalita, "D-dumating ka. M-masaya a-ako, K-kiel..."


"shhh, 'wag ka na lang magsalita. Magpahinga ka lang, Bliss. Nandito lang ako, babantayan kita. Hindi ako aalis sa tabi mo," pang-aalo ko sa kanya.


Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Ang laki ng ibinagsak ng katawan ni Bliss. Lumitaw rin ang bukol sa bandang lalamunan niya na ngayon lang napansin.


Pilit siyang bumangon kaya naman inalalayan ko siya paupo. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanyang ulo. Ang sabi niya noon, ginagaya niya lang ang idolo niya. Ngayon ko lang napagtanto na nagsinungaling siya. Kaya pala parang may iba sa kanya noon. Bumaba ang tingin ko sa kanyang mukha. Kahit nasa ganoon na siyang sitwasyon ay nakangiti pa rin siya. 



"K-kiel, p-paki-abot ng bag ko, please," nahahapo niyang saad.



Agad akong tumalima at iniabot sa kanya ang bag niya. Mula roon ay kinuha niya ang kanyang notebook. Nalipat doon ang aking atensyon lalo na ng buklatin niya iyon. Itinuro niya sa akin ang kanyang gitara at mabilis ko naman iyong kinuha. Ingat na ingat ako habang inaabot iyon sa kanya. Pakiramdam ko ay isa siyang babasaging kristal na dapat ingatan.



"Gusto mo bang marinig ang kantang ginawa ko, Kiel?" mahinang tanong niya.

A Brave Heart's Sonata (Published)Where stories live. Discover now