Tumayo naman akong maayos at naitabingi ang ulo ko. May napaginipan akong babae, mahaba ang buhok at ano. Uh, teka, sa pagkakaalala ko nakita ko ng malinaw ang mukha niya pero bakit lumabo? Napailing na lang ako, siguro ganon talaga kapag panaginip.

"I'm fine. Pagod lang siguro," sabi ko sa sarli at dumeretso sa plato na mayroong inihaw na baboy pero napatigil ako ng mahagip ang isang bato.

Doon nakaupo ang babaeng napaginipan ko.

"What's the problem, Fei?" tanong saakin ni Mira kaya napalingon ako sa kanya.

"Nothing. Gusto ko ng kumain," sabi ko at nagsimula ng lantakan ang pagkaing nasa harap ko.

Nakakapagtaka lang kung bakit nanaginip ako ng ganon. I mean, it's a dream but I felt that I have a connection with her, siya ba ang mama ko? Lol.

"Eat fast, we're leaving in twenty minutes." Minadali ko na rin ang pagkain ko at hindi muna inisip 'yon.

Tsaka panaginip lang naman 'yon.

Pagtapos kumain at ligpitin ang gamit namin ay nagpatuloy sila sa paglalakad. Siyempre nakasabit na naman ako sa balikat ni Kreyos kaya hindi rin ako mapapagod.

Tahimik lang ang mga kasama ko, tila may iniisip kaya nanahimik na lang din ako. Masarap din sa pandinig ang makinig sa huni ng mga ibon at mga dahon na marahang hinahampas ng hangin.

"Stop, we're here," pagpapahinto saamin ni Kreyos makalipas ang ilang oras na paglalakad.

Tumago naman sila sa may damo kaya hindi ko makita ang kakalabanin namin.

Bahagya akong sumilip at napangiwi ng makita ko ang mga ogre. Hindi kasi kahoy ang hawak nila kundi mga espada bukod doon, ang pangit nilang tingnan. Natural naman sa kanila ang pagiging pangit, real talk 'yon ah.

"You know your formation. The defense are in front," usal ni Kreyos at bahagyang umabante si Mira, Jack at Luca.

"Offense are coming with me," sabi ni Lana at umabante naman si Nana at George.

Teka, saan naman kami ni Kreyos?

"Kukunin natin ang bola," sabi ni Kreyos.

Nanlalaki ang mata ko ng biglang lumabas ang tatlo kaya nabaling doon ang atensyon ng mga ogre. Agad itong sumigaw na ikinasakit ng tenga ko. Pucha ang sakit.

Mahigpit naman ang pagbaon ng kuko ko sa damit ni Kreyos ng mabilis itong tumakbo. Anak ng! Walang sabi sabi!

"Fireball!" Awtomatikong lumobo ang pisngi ko ng marinig ko ang sigaw ni George.

Hindi pa rin ako sanay sa mga enchanting saying laying nachuchu ewan. Nakakatawa 'yon sa pandinig ko.

"Fiera! Your claws are hurting me," mariing sabi ni Kreyos kaya napangiwi ako.

Ngayon ko lang din napansin na nakahinto kami sa lagusan kung saan walang bantay.

"Rock wall!"

"Pfft!"

"What the hell are you laughing at?" kunot noong sabi ni Kreyos kaya agad naman akong umiling. "We're going."

Napa-face palm na naman ako dahil chill lang siyang naglakad papasok sa kweba at mukhang nakukuha namin ang atensyon ng mga ogre kaya agad nila kaming inatake.

Pa-cool si Kreyos, 'di bagay.

"Rise: Demons of hell." Nanlaki ang mata ko ng magkaroon ng itim na mga bilog sa lupa kasabay ng pag-angat ng mga kalansay, at ang iba, at shuta!

Literal na mga demonyo talaga!

"Follow my command, kill all the enemies." Namangha ako ng makita ang laban sa pagitan ng mga tauhan ni Kreyos at mga ogre.

That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓Where stories live. Discover now