11. The Clues

110K 3.7K 232
                                    

"This is Operation Secret Wings!" Amber said it firmly. Parang determinado itong hanapin ang arkanghel na dumakip saakin. Nakasuot pa ito ng itim na roba at naka-deerstalker hat na parang suot ng mga detective.

"What's with the costume Amber?" Natatawa na nagtataka kong tanong habang naglalakad kami. Sinundan ko yun ng bahagyang pagkunot ng noo.

Amber fixed her hat by flipping the tip of it then with a proud gesture she headed and said, "This is a detective thingy! Sabi ng pusa kong si Jolly, magganto daw ako dapat pag may mga undercover missions para mas effective. Now Lara," from her white bag she revealed another black trench coat and a deerstalker hat like hers, "isuot mo 'to with no complains. 'No' is not an option dear."

Wala naman akong nagawa sa pagiging compulsive nito. Lalo na't sinamahan pa niya yun ng napakaseryosong killer look. Natawa na lang ako sa kakwelahan ng kaibigan ko.

Nagtungo kami sa library na nasa pinakadulo ng napakalaking academy. Limandaang metrong roadbed ang lalakarin mula da three houses of the academy patungong library. Ang kalyeng yun ay tinawag na Road to Moondane. Malalagpasan mo ang isang napakalaking landscaped park sa kanan ng kalye at ang holly garden sa dakong kaliwa ng kalye, isang sagradong hardin na pinagbabawal sa mga estudyante. Medyo nakakapangilabot ang itsura ng entrada ng gate na yun kaya pinilit kong huwag na lang pansinin. Umagaw pa kami sa eksena pagdaan namin sa landscaped park na tinawag nilang blue lagoon park dahil sa misteryosong lagoon nito na pinaniniwalaang lagusan ng mga di pangkaraniwang nilikha.

"Ba't tayo pinagtitinginan?" I asked out of curiousity.

"Hay nakuh Lara, ikaw ba naman ang makalusot sa straight path ng Garon at gumawa ng napakalaking apoy sa ardens... siyempre papansinin ka ba kung pangkaraniwan ka lang? Tapos may kaibigan ka pang white witch na puti rin ang buhok at bag. Redundant diba? White witch with a white hair and a white bag." Natawa ito bago nagpatuloy. "Being a keeper doesn't make them different from a trivialis, pag-uusapan ang taong pwedeng pag-usapan."

"I just wish I'm a trivialis." Trivialis ay tawag sa mga taong ordinaryo o non-keeper. Sila ang mga pinakamapayapang nilalang sa mundo. Mga mamamayang nakakaapagtrabaho at nabubuhay ng normal. Samantalang kung isa kang keeper, mas mataas at mas kumplikado ang trabahong gagampanan mo sa lipunan.

Ilang tawanan at usapan pa ang nangyari bago namin narating ang library na tinawag ding House of Moondane na ipinangalan sa librarian nitong laging nakascarf. Kusang bumukas ang dalawang malalaking pintuan ng library. Walang masyadong tao sa napakalaking libray na may mga matataas na book shelves; kung susumahin ko ay nasa isang daan. Parang isang isle ng simbahan ang dinaanan namin na may malalaking bookshelves sa magkabilang side ng isle. It's almost a hundred step bago namin marating ang dulo nito kung saan may kanto sa kaliwa't kanan. Nasa kaliwa ang keeper's museum at sa kanan naman ang archive. Sa archive ang aming destinasyon... dun kami magsisimula from scratch.

"Nasa archive lahat ng logs ng Cairos. Dito dinadala sa secured room na 'to lahat ng records kung sino ang kasama sa annual abduction." Simula ni Amber na pinaninindigan ang pagiging detective at in chatacter pa magsalita.

"Hindi kaya bawal dito?" nag-aalala kong tanong.

"Kung bawal dito, sana hindi na 'to tinawag na library diba? Kelan pa naging bawal ang pagriresearch?" Amber almost whispered while checking for some files. Malakas parin talaga ang boses nito.

Then an unticipated "Shhhhhh" was heard.

Natigil ang aking paghinga. Napakapit sa braso ni Amber, ready to run and leave just in case. "Sino yun?"

"Shhhhhhh!!!" the hushing came louder. Obviously it wasn't from Amber.

"Pwede ba Lara? Wala na tayo sa Garon Forest. We're safe here."

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon