"Hehehehe, matulog ka na—"

"W-Wait! Saan ka muna galing!"

"Matulog ka na lang—"

"Sagutin mo muna ako!"

"Ayoko nga"

"Dali na!"

"Ayoko"

"Tsk! Pwe! Bahala ka na nga sa buhay mo! Madamot!"

Nginisihan lang ako ng lokong babae. Ano kayang problema at nagkakaganon sya? May nangyari ba sa kanya na hindi ko alam? Umuwi syang naka-school uniform, kaya ibig sabihin simula pa kanina hindi pa sya nakakauwi.

"Sige na matulog ka na, magpapahangin lang ako dito"

"O-OKay"

Hindi ko na lang sya inusisa pa. Halata sa mukha nya ang pagkapagal. Halata sa kanya ang pananamlay at sa tantsa ko, maaaring hindi pa sya nakakain ng hapunan. Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay pinaghanda ko na lang sya ng makakain.

KINABUKASAN

Naabutan ko na syang nakatulog sa sofa ng hindi pa nakakabihis. Hindi rin nya nagagalaw ang mga inihanda ko. Nag-aalala na ako sa kanya, possible kayang pinagalitan na naman sya ng pamilya nya?

"A-Ah oy Thrianne, gising na"

Hindi pa rin sya nagigising. Tulog-tulog talaga sya ngayon.

"Oyy, gisinggg"

Mabilis pa sa alas-kwatro ang paggising nya. Parang robot itong bumangon sa hinihigaan, pero hindi sya lumilingon sa akin. Nakakain na ako ng kanin at itlog with tapa pero hindi pa rin sya kumikibo. Kagabi lang nang-aasar pa sya.

"Hindi ka papasok?"

Hindi pa rin sya kumikibo. Kinakabahan na ako dito ah. Sana naman walang nangyari.

"O-Oy, Thri, alam mo kung may problema ka, sabihin mo na, k-kase nakakatakot na 'yang pananahimik mo, hindi ka na nga kumain simula pa kagabi, tas nakalimutan mo pang magbihis ng school uniform...sigurado may problema ka, kaya ikwento mo...wag mong sarilinin.."

"Kumain ka na lang.." walang gana nitong sagot. Pero hindi ko na lang sya binara pa, baka mas lalo pa syang magalit. Ewan ko ba sa babaeng ito, kung alin pa iyong mga bawal sa tuwing may mens period ay ginagawa nya. Hay nako.

Tumayo na sya at nagstretch. Saka dumiretso sa kwarto.

Inayos ko ang school uniform ko at tinitingnan ang sarili sa salamin. Narinig ko na lang ang mga mahihinang yabag na nasa sahig na sya.

"Kumain ka ng marami Thri, wag ka ngang magdiet at baka malampasan ka na ni Alalay" pilit kong pambabara sa kanya. Pero bigo akong makausap sya ng matino, kumakain na lang ito na tila parang wala syang kasama sa bahay. Hinayaan ko na lang syang tumayo pagkatapos kumain at ako na lang ang nagboluntaryong magligpit ng pinagkainan.

Maski sa pagcocommute namin ay kahit naangkas ako ay ramdam ko ang pananahimik nya. Ano ba talagang nangyayari? Kinakabahan na ako sa inaasta nya.

Pagpasok namin sa SMU ay pinagbabangga nya ang mga estudyanteng madadaanang nakaharang sa kanyang dinaraanan. Bumabalik ang hobby nya noong 3 years ago.

At kahit sa klase namin ay tulog sya. Kaya wala kaming tantsa ni Pringles na makausap sya ng maayos. Daig pa yata nya ang namatayan.

"Oy, hindi pumasok si Shin ah, anyare?" rinig kong pag-uusap nila Airon at nung mala-Johnny Bravo ang buhok nung isa, na Natheleo ang pangalan.

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें