CHAPTER 44

85 54 1
                                    


CHAPTER 44



Jehridale's POV

FRIDAY

Makalipas lang ng apat na araw after ng pangyayaring iyon ay hindi na nagkaroon pa ng kaguluhan sa SMU. Para kaming nagkaroon ng kapayapaan. Ni ang pangalan ni Rukawa ay hindi na narinig pa. Hindi naman sa namimiss kosya, hindi lang Siguro ako sanay na hindi sumasakit ang mata ko.

"Hay, akala ko ba masaya ka?" pagpaparinig sa akin ni Nath. Hindi ko sya binalingan. Nagcoconcentrate akong isolve itong problem pero hindi ko masolve. Kanina pa yata ako lutang.

"Hay nako! Nako! Alam nyo guys napapansin ko! Nung nasuspinde ang dalawang iyon hindi ko na kayo nakakausap ng maayos ah, ano bang nangyayari sa inyo?"

Walang pumansin sa kanya. Nanatili lang kaming apat na nakaupo habang nakatunganga sa kung saan.

"Kapag nawala yung isa saka naman sumisipag si Ice berg, hindi na rin nambabae si Airon, pati kayo Shin at Tim! Daig nyo pa hangin ah!"

Nilapag ko ang ballpen at inis na binalingan sya," so?"

"Aba aba! Anong ibig mong sabihin dyan!" duro nya sa mukha ko.

"Anong sinasabi mo dyan?!"

"Yaaaaaann!! Yang pagsusungit mo! Hindi ka naman ganyan noon ah! Anong ibig sabihin nyan ha!"

"Tumigil ka nga Natheleo!"inis kong sigaw sa kanya. Maya-maya pa...

"Alam nyo! Nakakapagduda na kayo ah! Di kaya—"

"Pwedeng tumahimik ka dyan! Nakakainis!"

"Hala! Galit ka! Hahahaha!"

"I've already check Rangovine last time." Sa wakas ay nagsalita na si Airon, "ang sabi ng kasama nya night shift ang work nya, pero yung si Rukawa, I don't know"

"Pero pareho silang may work ah" anang Tim, san naman nila nasagap ang ganyang balita?

"Kasi nga hindi daw alam nung kasama nya kung kelan at anong oras pumapasok si Rukawa"

"I knew it!"biglang sumigaw si Nath, bagay na pinagtakhan namin.

"Eh?"

"Waaaahhh! Santisima! Hahahahah!! Hindi nyo ba alam na magkaibigan ang may-ari ng cafeteria na yan?"

"Anong konek ice cream?"

"Tsh, si Thrianne ang tinutukoy ko mga brad! Isipin nyo nga! Walang normal na empleyado ang papasok sa kung kelan nya gustuhin maliban na lang kung malakas na sya sa mismong may-ari!"

"Ano ngang punto mo!"

"Mag-isip ka nga Dale! Ang sinasabi ko dito ay posibleng nagkukunwaring mahirap si Rukawa! Pansin mo na dapat yun sa balat nya! Wala namang mahirap na sobrang puti ng balat diba?"

Oo nga no? Pero hindi ko matanggap ang suhestiyon nyang yan.

"B-Baka anak araw lang yun kaya ganon sya kaputi! A-At isa pa tingnan mo nga mga suot nun! Daig nya gangster eh, imposible yang iniisip mo Natheleo!"

"Baliw! May nagpapanggap bang mahirap na nagsusuot ng pangmayaman ha?! Ugok ka!"

"Pocha! Malay ko ba dyan!"

"Ano ba!" sita sa amin ni Tim, "mag-uusap na nga lang kayo nagsisigawan pa, parang ang layo nyo sa isa't isa ah"

"Eh kasi itong si ice berg eh! Hindi matanggap na mayaman yung Rukawa nya"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Where stories live. Discover now