CHAPTER 26

102 67 1
                                    

CHAPTER 26



Orange's POV

"Goodmornenggggggg Kamoteee!" malakas pa sa alarm clock ang sigaw ko. Halos magtatanghali na kase pero tulog mantika ang babaeng iyon. Paano kase ay bukod sa nagpraktis kagabi sa banda ay kinausap pa sya ni Thraundille sa labas. Ewan ko ba sa lalaking iyon, alam naman nyang pagod itong babaeng ito pero napili pang solohin dahil nagiinarte.

Alam ko naman ang limitasyon ko sa pag-alam sa mga ginagawa nila. Pero sa tuwing may mga ganong pagkakataon hindi ko maiwasang kabahan.

Naamoy ko na naman ang afionado nyang pabango. Iniispray nya iyon sa tuwing masama ang gising nya.

"Oyy! Nakabusangot ka na naman! Kamusta lakad nyo kagabi? Alas-dose ka na nakauwi e"

"Ok naman" tipid nyang sagot. Tamad syang magpaliwanag, at kadalasan kapag may malalalim talagang dahilan iniiwasan nyang ipunto doon ang usapan.

Pareho na kaming kumakain doon. Maya-maya pa nag-aayos na sya ng mga gamit. Tipikal na masinop sya sa gamit, hindi nya hinahayaan na may kulang doon.

"Sya nga pala, kamusta kayo ni Shinichi?"

Hindi nya ako sinagot. Sa halip ay tutok lang sya sa binabalatang kamote. Tuwing umaga kamote talaga ang kinakain nya, para daw mamaintain ang katawan nya.

"Nagreview ka na ba?"

Tila kulog iyon sa ulirat ko! Naku po! Hindi pa pala ako nakapagreview! Nakakainis naman oh!

"Tsk! Buti pinaalala mo! Pahiram nga ng libro—"

"Bakit?"

"Kasi naiwan ko pala sa locker ko yung libro ko!"

Kaagad nya namang binigay sa akin ang libro. Inis akong binuksan ang mga pahina. May mga highlights na roon na kung saan ay hindi ako mahihirapang basahin iyon ng mabilisan.

"Alam mo kahit nagrereview ka, kung hindi mo iniintindi yang pagbabasa mo wala ring kwenta yan" bulong nyang pangaral. May 20 minutes na lang ako para reviewuhin ang 5 subjects ah!!!!!!!!!

"A-Anong gusto mong gawin ko?!"

"Magbasa"

"T-Tapos?!"

"Intindihin"

"Tapos?!"

"Isaisip mo"

"Tapos ano pa!"

"Isapuso mo tangina" tila nauubos na ang pasensya nya. Nagbuga muna ako ng hininga at pinakalma ang sarili!

Kung bakit naman kase ako nagpuyat sa Kdrama eh!!

"Reviewuhin mo yan habang naglalakad, tara na" binuhat nya ang siko ko. Hindi ko maialis ang paningin sa libro. Hindi na naagaw ang atensyon ko non dahil si Thrianne na mismo ang naglipit ng mga pinagkainan naming. Habang nasa kalsada ay nagbabasa ako ng libro. Kung mayroon mang dadaang sasakyan ay mabilis akong itinatabi ng kaibigan ko.

Babaeng gentleman nice..

Hindi ko namalayang nasa SMU na kami. Nanatili ang mga mata ko sa pagrereview. Wala pa ako sa kalahati nitong subject na binabasa ko pero naiintindihan ko naman. Inuna ko ang first period para hindi ako madehado sakaling tanungin ng law prof namin.

"Oh, bitches.." rinig kong sabi ni Princess. Ibababa ko na sana sa paningin ko ang libro pero muli iyong itinaas ni Thrianne.

"Magpokus ka sa nirereview mo kung ayaw mong bumagsak"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang