May point siya. Mahirap ma-control ang bloodlust ayon sa nabasa ko sa libro sa library doon sa dati kong mundo.

"Ogre are known for their extreme hunger of human flesh. They are gruesome beasts that are feared by all – but especially mothers of infants and young children," biglang sabi ni Nana kaya kinilabutan ako.

Akala ko nanghahampas lang sila ng hawak nilang kahoy na parang baseball bat! Huhu, masyadong delikado 'to!

"They're too dangerous, so are you willing to take the risk?" tanong ni Vlad.

"Yes." Nanlalaki naman ang mata kong napatingin kay Kreyos sa mabilis nitong sagot.

Seryoso siya?!

"Okay then." Ngumiti si Vlad at naglapag ng isang papel na parang mapa. "This is where they lived, kailangan niyong lakarin ng mahigit limang oras ang daan na 'yan."

"Lakarin? Bakit hindi kami pwedeng gumamit ng karwahe?" takang sabi ni Jack.

Oo nga naman. Nakakapagod kaya kung naglalakad lang kami.

Umiling si Vlad. "Mas nakakakuha ng atensyon nila ang tunog ng karwahe, baka ma ambush kayo."

May point ulit siya. Ayoko din namang mamatay. 'Yung wala kaming kamalay malay tapos susugudin kami? O kaya paulanan kami ng palaso?

Pero teka, "Bakit naman kinuha ng mga ogre ang divine crystal ninyo? Tsaka hindi ba mas malakas kayo sa kanila?" At ogre rin ba si Shriek?

Joke. Baka kagatin ako nito kapag sinama ko 'yon.

Sumeryoso naman ang mukha ni Vlad at umayos ng upo.

"I don't know why did they do that. This is the first time they messed with the vampire because the ogre itself know that we're stronger than they are. Pero ang alam ko ay may kumu-kontrol sa kanila," sabi niya.

"Using the rare power of manipulation, they're controlled by someone." Woah! Power of manipulation?

Sana mayroon din ako noon para ma-kontrol ko si Kreyos na sambahin ako. Mwahahahahaha!

"Wala akong kilala na may ganoong kapangyarihan at may galit saamin para gawin ang bagay na 'yon. We're living peacefully for hundred years, wala kaming sinasaktan ba kung sino." Napatingin naman ako sa mga kasamahan ko na seryosong nakikinig.

Nadako naman ang tingin ko kay Stephanie na nakatingin saakin. Kanina ko pa siya napapansin na tingin na tingin saakin. Huwag mong sabihin na gusto niya akong kagatin? Oh no. Hindi ako masarap.

Umiwas na lang ako ng tingin at ibinalik ang atensyon kay Vlad. At naramdaman ko naman ang paghigpit ng pagkakahawak ni Lana saakin pero hindi ko nalang 'yon pinansin.

"This is the first time we will fight with ogre. How can we kill them?" tanong ni Mira.

"They're easy to kill, you can chopped their head or use your magic. Ang mahirap lang ay masyado silang marami at may mga higante rin sa kanila na malakas ang depensa," paliwanag nito.

Oh. Panget lang pala sila pero mahina. Madali lang pala silang mapatay e! Malalakas ang mga kasama ko kaya wala na dapat akong ipagalala. Tiyaka pwede din akong makatulong.

Easy quest. Akala ko mahirap 'to? Hohohoho!

"We will start tommorow morning" sabi ni Kreyos at tumayo kaya napatayo na rin silang lahat

Wow. Excited lang? Agad agad?

"Thank you, students. Tatanawin ko 'tong utang na loob." Oh. Alam niyang mga estudyante kami?

"Sure. If you excuse us, we want to take a rest." Ngumiti ulit si Vlad.

"Jena," tawag nito sa maid na katabi niya. "Assist them to their room." Yumuko naman 'yung Jena.

"Yes, my Lord." Bumaling ang tingin nito saamin. "Follow me."

"We will call you if dinner is ready." Yumuko naman ang mga kasamahan ko..

"Thank you, your majesty," usal nila at sa isang kisap mata ay nasa isang kwarto na ako.

"Omg! You're so fluffy!" Nanlaki ang mata ko ng makitang hindi na si Lana ang may hawak saakin kundi si Stephanie.

"He-hey! I can't breath!" Nahihirapan kong sabi kaya niluwagan niya ang pagkakayakap saakin

Kaloka. Para siyang vampire version ni Lana!

"P-princess. I need to go back—"

"No. You're staying with me!" sabi nito kaya napangiwi ako.

Someone, help me.

Lana

  Naniningkit ang mga mata ko habang nakatingin kay Princess Stephanie na matiim na nakatitig kay Fiera. Alam ko ang tingin na 'yan dahil ganyan din ako tumingin sa nilalang na 'to!

Napahigpit ang pagkakahawak ko kay Fiera at nawala na ang atensyon sa Hari dahil baka bigla niyang kunin si Fiera saakin. No, I won't let her!

"Thank you, students. Tatanawin ko 'tong utang na loob," sabi ng Hari.

Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ng Prinsesa kaya mas lalo akong naging alerto.

"Sure. If you excuse us, we want to take a rest," rinig kong sabi ni Kreyos.

"Jena," tawag nito sa maid na katabi niya. "Assist them to their room."

Mas lalong lumawak ang ngiti ng Prinsesa kaya lalong naningkit ang mata ko. May masama akong pakiramdam sa ngiti niya.

"Yes, my Lord, follow me," sabi nung Jena.

"We will call you if dinner is ready." Yumuko naman kami pero hindi ko pa rin inaalis ang tingin sa Prinsesa.

Mabuti na ang handa. She can't get Fiera away from me. This fluffy ball is mine!

"Thank you, your majesty," usal namin. Nanlaki ang mata ko ng biglang mawala ang Prinsesa pero nakahinga naman ako ng maluwag.

"You will sleep with me this time, Fiera—" Nahinto ako sa pagsasalita ng makitang isang unan ang hawak ko.

Pilit akong ngumiti at mariing pinisil ang unan. Sinasabi ko na nga ba! Kinuha niya si Fei!

"Where's Fiera?" Naluluha akong napatingin kay Kreyos.

"Ki-kinuha ng Prinsesa," nakangusong sabi ko.

"What?" kunot-noong sabi ni Kreyos.

"My apology for my daughter's behavior," sabi ng Hari habang hinihilot ang sintido nito.

"It's fine, but I need my guardian back."

"A guardian?" takang tanong ng Hari.

Napasinghot naman ako. Miss ko na si Fiera. Tsqka hindi pwedeng gawin ng isang Prinsesa ang pagkuha ng isang nilalang sa isang tao na walang permiso!

"What is her power? It's rare to have a guardian," manghang sabi nito.

"We still don't know," sagot ni Kreyos.

"Oh, it's still young." Ngumiti ulit ang Hari. "You may now take a rest." Sumunod na kami sa maid na kanina pa naghihintay saamin.

I hope she's okay. My lovely Fiera.

"Can I ask where's the Princess Stephanie's room?" tanong ni Kreyos. 

Tumango si Vlad at napasimangot naman ako. Kamukha niya ang anak niya, nakakainis.

"Jena will take you there."

"Sama ako!" sabi ko.

"No. Go, rest," walang emosyong sabi ni Kreyoa kaya mas lalo akong napasimangot.

Gusto ko lang naman makatabi si Fiera matulog eh! Huhu.

That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓Where stories live. Discover now