Check-In 26: Coraline

Start from the beginning
                                    

I heard Kuya Nolan immediately hush me. Tinikom ko agad ang bibig ko.

“Hindi ko pa nasasabi. Kinakabahan nga ako kung tatanggapin niya, e. Baka kasi alam mo na... baka hindi pa siya handa pagkatapos no'ng lahat na nangyari sa kanya.”

I smiled thoughtfully at him. “Kuya, hindi mo naman malalaman ‘yon kung maghuhulaan lang tayo rito. Dapat huwag kang matakot sumubok.”

Pansin kong tumungo iyong salamin niya, palatandaan na tinitingnan niya iyong lalagyan ng singsing.

“I want to make her fairy tales come true. Kaso ay baka sa lahat ng mga napagdaanan niya, hindi na siya naniniwala pa roon...” malungkot na wika ni Kuya Nolan.

Ate Honey represented lust in the Sinners Squad. I do not know her complete story, yet I can sense that it had affected her so much and the rest of the West mermaids. Hindi birong palayasin sa sariling teritoryo mo at patungan nang mabigat na parusa. Just imagine, they're mermaids but they can't go to the ocean or any bodies of water apart from the Lake Grimm because they will get burned alive. That's really... sad and tragic.

“Kuya, fairy tales exist not for us to wish that we can all be equally happy in the end. It's there to remind us that there might be dragons in our lives but we can always slay them. We just have to have the courage and the people whom we're fighting for and with.”

Gaya nga ng sabi ni Neil Gaiman sa libro niyang Coraline, ‘Fairy tales are more than true: not because they tell us that dragons exist, but because they tell us that dragons can be beaten’. We can get through any curses and challenges life threw at us. We just have to believe in ourselves that we can. Yes, we should not stop believing.

“Natitiyak ko po na kapag nalaman ni Ate Honey na may isang beast na gusto at handa siyang makasama habambuhay, sa kabila ng mga pinagdaanan niya, matutuwa po siya kasi higit pa po ‘yon sa fairy tale na inaasahan niya,” I added.

I couldn't see if Kuya Nolan was smiling but I was sure he was nodding his head in agreement because I can see his floating glasses moving as if doing the gesture.

“Maraming salamat, Una. Tatandaan ko ‘yong sinabi mo. Pupuntahan ko na si Lady Incha. Baka hinahanap na niya ako,” paalam niya.

“Sige po, Kuya Nolan! Ingat po kayo sa lakad niyo,” sagot ko naman habang kinakawayan siya.

Maaga pa kaya naisipan kong tumulong na lang muna sa main restaurant, kina Mama Adele. Tinutulungan din siya ni Tita Mikee roon. Pero mas masaya naman kung marami kami. 'The more, the merrier', ika nga nila.

“Sinong nagluto nito?” Dinig kong tanong ng isang customer sa pinakamalapit na mermaid na nag-wi-wait.

“Bakit po, sir?”

“Tawagin mo siya. She needs to know what I am about to say about your food.”

Kahit ako na nakikinig ay biglang nakyuryoso.

“Busy po kasi siya sa kusina. Ano po ba ang gusto niyong sabihin at ipapaabot ko na lang po–”

“Tawagin mo siya kung ayaw mong mag-eskandalo ako rito,” mahinahon ngunit madiing babala no'ng customer. Hawak-hawak niya pa iyong bread knife niya at pinaglalaruan.

Agad namang tumango ang kawawang mermaid sa takot at mabilis na tinungo ang kusina. Mayamaya pa ay lumabas na sa kusina si Mama Adele. Lumapit pa ako lalo para kapag gumawa ng eksena iyong customer ay makasaklolo ako.

“Sir, ano po bang problema sa pagkain niyo?” magalang na tanong ni Mama Adele paglapit niya sa customer.

The customer wiped the sides of his lips with the table napkin before putting it down and smiling at my adoptive mother.

Hotel Grimm: The Brave and The PowerfulWhere stories live. Discover now