To : Mariel

Hoy! Nasa’n na kayo ni Shan?

From : Mariel

Malapit na, Boss! ><

SHAN’S POV

6:30 AM na, andito na kami sa school. Aga! Magpapatulong kasi si Mariel. Tsk tsk. Kadating namin may nakita akong nakadikit na papel sa upuan ko. Hindi ko na binasa, why? Alam ko na kung kanino sulat yun e. Kay France! Bahala siya sa buhay nya.

Chemistry time na pero wala pa si France, umuulan pa man din. Nakokonsensya ako. Shan, ‘wag kang makonsensya. Bahala siya. 30 minutes na ang nakalipas, may pumasok pero hindi ako tumitingin sa door.

“Sorry Ma’am, I’m late.” Si France pala.

“France, bakit basa ka?” Tanong ng teacher namin.

“Ah, wala po Ma’am. Nabasa kasi sa ulan.” Sabi ni France.

“Bakit ka nga basa?” Tanong ni Ma’am, nakataas pa yung kilay. Taray ahhh?

“May binili po kasi ako sa labas. Ayun po, sa kasamaang palad, nadatnan ako ng ulan.” Sabi ni France.

“Okay. Kumuha ka ng damit ka sa locker mo at magpalit. Ngayon na! Baka magkasakit ka pa. Tsk tsk.” Utos ni Ma’am.

LUNCH BREAK

Hindi ako pinapansin ni France. So what?! Who cares? Care bears. Tss.

“Walang ‘ya ka! Dahil sa’yo nabasa si France tapos ngayon pa-who cares who cares ka pa dyan?” Sabi ng mabuting konsensya ko.

“Che! Hayaan mo siya! Siya naman may pakana ng lahat e.” Sabi ng masamang konsensya ko.

Yung totoo?! Gulung-gulo na nga ako e tapos makiki-epal pa ‘tong konsensya ko? Hindi na nahiya. Tss. Habang naglalakad siya, napansin kong namumutla siya.

“Rosy cheeks lang talaga ‘yan!” Sabi ng aking masamang konsensya.

Hindi e! Parang may mali talaga.

“Friend, may surprise sana sa’yo si France kanina kaso epal talaga kasi e. Hindi ka pumunta. Tss. Pride mo ha?! Bumabareta na, hirap putulin.” Sabi ni Mariel.

Ma-pride na ba yung tawag do’n?

FLASHBACK

Tinapon ko sa basurahan yung papel na pinagsulatan nya.

“Oy, ano ‘yong papel na ‘yon? Kawawa naman yun. Sobrang panlalamutak yung ginawa mo e, hindi ka man naawa.” Biro ni Mariel.

“Ha-ha-ha-ha! Funny.” Fake laugh. Tss. “Wala! Pinapapunta lang ako ni France sa may rooftop ng school pero bahala siya.” Paliwanag ko.

“Uy! Adiiiiik! Punta ka baka kanina ka pa inaantay!” Pag-aaya ni Mariel.

“Tss! Bahala pa din siya.” Pagwawalang bahala ko.

“Maawa ka naman sa tao. Bhest.” Pagpipilit pa din Mariel.

“So?! Dapat ko ba siyang kaawaan? Bahala siya.” Sabi ko.

“Punta ka na, dalI! Baka may surprise yun sa’yo.” Kulet ng babaeng ‘to.

“Ayaw ko nga. Why would I?” Mataray kong tanong.

“Bahala ka, Bhest! Kapag may nangyaring masama doon dahil hindi mo sya sinipot, ikaw may kasalanan.” Pananakot ni Mariel sa s

“Selfish much, ha?”

END OF FLASHBACK

Ma-pride na ba ako non? Hindi, diba?!

FRANCE’S POV

Hindi sumipot si Shan. Tinext ako ni Mariel na hindi nya daw mapilit si Shan kahit anong gawin nya. Tss. Hindi ko pinapansin si Shan hindi dahil galit ako, masama kasi pakiramdam ko dahil nabasa ako sa ulan at natuyuan ako kaya AYUN! Lunch break na pero hindi ako kumain kasi wala akong gana. Kaya, umupo at dumukmo nalang ako sa classroom. Ilang subjects din ang nakalipas at natapos na ang klase. Dali-dali akong lumabas ng room dahil gusto ko ng umuwi. Masakit na kasi talaga ang pakiramdam ko. Giniginaw pa ako.

“France! France!” Tawag sa akin ni Shan kaya lumingon ako. Nakita ko siyang tumatakbo palapit sa akin.

“Hm?” Mahina kong sabi.

 “Okay ka lang ba? Sorry kanina.” Yumuko siya, nahihiya siguro.

“Okay lang. Sige, uwi na ako.” Akmang aalis na ako.

“Hm?” Sabi ko na naman.

“France! Harap ka naman kasi sa aken!” Hinawakan nya ako sa braso ko, agad nya namang binitawan na parang napaso. “Baket mainit ka?” Hinaplos nya noo ko.

- - - - -

Thank you for reading. GOD BLESS. :)

COUSIN-TAHAN OR COUSINS FOREVER?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon