Chapter 12 - Game

Start from the beginning
                                    

But if my friends are going, then I won't miss it. Ayoko naman syempreng ma-miss out 'yon.


Tinuon ko na ang pansin ko sa field nang biglang naghiyawan ang mga tao. Naglakad na kasi papunta sa gitna ang host at kumaway-kaway pa ito.

Sa wakas, magsisimula na ang laro. Kanina pa kami nakaupo dito at medyo nabo-bored na ako. If it weren't for Dashiell, I wouldn't be here tonight. Nakakahiyang wag dumalo lalo na't nilibre niya ako ng tickets.

As promised, we cheered for our school's soccer team. Magaling ang kalaban nila pero iba pa rin talaga ang husay ni Dashiell sa paglalaro. My eyes keep on following him. Pakiramdam ko, hindi lang ako ang ganito. Iba ang energy niya tuwing napupunta sa kanya ang bola. He's so determined to win, and so they did.

"YESSSSSSSSS!" sigaw namin at nagsitayuan pa kami upang makatalon. We were so happy that the Larkyn Bears won the game tonight!

"Ang galing!" Even the boys clapped their hands and stood up. They enjoyed watching it too.


Habang nagsasaya kami ay nakita ko si Dash na buhat buhat ng mga team mates niya. They're shouting his name, glorifying him. Hawak hawak naman niya ang trophy at pinapakita sa lahat habang tumatawa.

When his friends finally put him down, he kissed the trophy and passed it to Royce. Ito namang si Royce ay biglang tumakbo paikot sa field. Tila pinagmamayabang niya sa lahat na sila ang champions. Mayroon din kasing mga outsiders na nanuod ng game ngayon.


"Mas magaling ka coach! Hahahahaha!" My eyes went back to Dash when I heard his voice. Medyo malapit lang kami sa kanila dahil VIP seats itong sinave sa amin ni Dashiell. Nasa harapan talaga kami.

Bigla namang napatingin sa akin si Dash kaya nawala ang ngisi ko. Nahiya ako na nahuli niya 'kong nakatitig sa kanya.

But Dash smiled and waved at me. I laughed and gave him a thumbs up. Lalapit pa sana siya nang dinumog na siya ng mga estudyante.


"Uyyyy," Ava bumped her shoulder into mine. "Kita ko 'yon!"

"Sira," natatawa-tawang sambit ko.

Dash did his best to accommodate each girl who tries to get his attention. Ngumingiti siya tuwing may nagpapa-picture at pinipirmahan ang mga merch na iniaabot sa kanya. It lasted for a few moments until the crowd started to get wild. Masyado nang siksikan at nagkagulo-gulo na. Kinailangan pa siyang escort-an upang makapasok lang siya sa locker room.


"Dang, he's like a celebrity now," Theo muttered.

"Good for him and bad for me. Nako, subukan niya lang talaga mag-top sa palaro ni Senyor, uupakan ko siya," Caylee mumbled.

"Yuck Caylee, masyadong threatened sa lahat ng magagaling?" pambu-bwiset ni Zin.

"Shut up. I ain't talking to you. Ang papansin mo talaga, ugh! Guys, can we leave now? The game's over."


Tumawa lang si Zin at hindi na pinatulan ang sinabi ni Caylee.

"Yes Ma'am," sagot ni Kiel bago kami tumayo at naglakad na palabas ng soccer field.

When we finally reached the hallway, some girls grabbed the opportunity to ask our friends for pictures. Ang ilan ay yumakap pa talaga sa mga boys at kilig na kilig na hiningi pa ang mga number nito. Of course, since malalantod ang mga kaibigan namin ay pinagbigyan naman nila ang mga ito.


"For goodness! Ano ba? Naiinip na 'ko!" pagmamaktol ni Naomi. "I'm hungry! Pwede bang tapusin niyo na 'yan para makakain na tayo?"

Rios immediately bid goodbye to the girl he's flirting with before walking towards Naomi. Inakbayan niya ito at ginulo ang buhok. "Sungit natin ngayon ha."

Torn in Two (Elite Girls 2)Where stories live. Discover now