---------------------------------------

(Kenjie)

Maaga akong nagising para magluto ng agahan at para sa pag hahanda na rin ng bento naming dalawa ni Tala.

Araw araw akong gumigising ng alas-singko para gawin ito.

Mamayang 6am pa ang gising ni Tala kaya bago ito magising ay nakahanda na ang lahat.

Maya-maya ay natapos na rin akong maghanda at ayusin ang bento namin nang marinig kong may naglalakad patungong kusina

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Maya-maya ay natapos na rin akong maghanda at ayusin ang bento namin nang marinig kong may naglalakad patungong kusina. Hinayaan ko muna itong pumasok bago ako lumingon.

" Magandang umaga ho, Lola." Magalang ko na bati sa Lola ni Tala.

Ngumiti ito at lumapit sa akin.

" Aba... tapos ka ng maghanda para sa agahan? Oh. Ikaw na rin ang nag handa ng baon ninyong dalawa sa school?" Tanong ng Lola.

" Opo..." Tipid na sagot ko.

Hindi ako palasalitang tao kaya ayuko ng human interaction.

" Nako, dapat tumutulong si Tala sa paghahanda ng agahan. Ang batang iyon oh. Hindi naman iyon ganun sa amin noon. Pag pasensyahan mo na iyong apo ko ha, Kenjie? Mabait naman iyon at masipag na bata. Ay teka nga at pagsasabihan ko yun na tulungan ka sa gawain na kaya naman niyang gawin sa Pilipinas noong nakatira pa siya sa Auntie niya."

" Hi-hindi na po kailangan. Hindi ko na po kailangan ng tulong sa pagluluto o ano pa man." Pag pigil ko sa kanya nang papalayo ito sa akin.

Naka hawak ako sa braso ng matanda habang pinipigilan ko siya.

Ganito ba talaga kakulit ang mga matatanda? Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano bang makipag interact sa mga matatanda dahil wala akong lola o lolo na kinalakihan.

Pakiramdam ko ay konting maling galaw lang nito ay mababali o masasaktan ito.

Hindi sila mukhang malakas, na parang kapag hinawakan ko siya ay madudurog siya sa kamay ko.

Agad akong bumitaw sa pagkahawak sa brasso niya at yumuko ako.

" Pasensya na po pero... Kaya ko naman pong gawin ang lahat ng ito. Kaya wag na po kayong mag-alala at hayaan nalang munang mag pahinga ang apo niyo." Atsaka ako tumayo ng tuwid.

Napangiti naman ang Lola ni Tala sa akin.

" Napakasipag mong bata Kenjie. Siya nga pala, nag tatrabaho ka rin ba?" Tanong nito sa akin kaya nagtatakang tinignan ko siya. " Nakita ko kasing sabay kayong umalis kagabi ni Mikage, at mukhang madaling araw ka ng nakauwi. Nako apo, huwag na huwag mong pababayaan ang iyong sarili. Wag mo masyadong sagarin ang katawan mo dahil baka magkasakit ka niyan." Ang sabi pa nito puno ng pag-aalala.

" Wag na po kayong mag-alala sa akin. Hindi po ako madaling magkasakit. Ipaghahanda ko na rin po kayo ng agahan, hintayin niyo nalang po ako sa sala." Atsaka nag umpisa na rin akong magtimpla ng green tea.

I became a living GodWhere stories live. Discover now