Napangiti nalang ako ng mapait kasi hindi ko alam kung ma swerte nga ba talaga ako o hindi.

Pagkatapos ng dalawang buwan na bakasyon balik eskwela nanaman pero para sakin mas gugustuhin ko pa ang may pasok para makakasalamuha ko ang mga kaibigan ko.

"Sofiaaaaaa magkaklase tayo."hyper na bungad sakin ni marga.

Masaya naman ako kasi may kilala na agad ako yun nga lang hindi na kami magkaklase nina Psyrah,Alexandra at Gerril.

"Sabay tayong mag lunch mamaya ha."tumango nalang ako kay marga.

Nang dumating na ang lunch pagkatapos ng ganap na boring sa introduce agad akong hinatak ni marga papunta sa cafeteria.

"Kamusta ang bakasyon mo sofia?"Marga asked me

"Wala sa bahay lang."Tumango nalang siya pero sa gitna ng pagkain namin may nag salita.

"Diba sabi ko sayo sabay tayong kakain!"Kaya nasamid ako sa gulat at agad ding uminom ng juice.

"Ang tagal mo kasi kuya nagugutom na kami."hindi na nagsalita si sylvister at umupo nalang sa tabi ko na bitbit na niya ang tray ng pagkain.

"Hi sofia kamusta ka?"

"Okay lang naman po kuya."

"Wag mona akong tawagin na kuya."Tumango nalang ako.

Pagkatapos ng klase sa hapon umuwi ako kaagad para mag aral dahil maraming matatalino sa mga kaklase ko.

"Sofia kain ka muna anong oras na."

"Paki hatidan nalang po ako dito yaya nag aaral pa kasi ako."

Agad naman akong hinatiran ni yaya at habang kumakain ay nagbabasa ako dahil nag aadvance reading ako kasi baka alam narin ito ng mga kaklase ko.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kaya pagka gising ko ay naligo na ako at pagkatapos bumihis ay agad na bumaba para kumain."

"Goodmorning sofia."Agad na bati sakin ni marga ngumiti nalang din ako sa kanya at agad din kasing dumating ang guro namin.

Lahat na mga gawain lalo na kapag partner ay magka grupo kami ni marga dahil gustong gusto niya akong makasama palagi.

"Sofia pwede bang sa bahay nalang tayo gagawa ng project sa sabado."

"Oo naman sige magpapaalam ako."

Dumating ang sabado at nakahanda na ako papunta sa bahay nila marga bababa na para mag papaalam kina mommy.

Miserable lifeWhere stories live. Discover now