Seventeen

3.6K 190 331
                                    


"Vince, chat mo na lang sa gc yung mga gusto mong idagdag sa activity." sabi ko kay Vince when the bell rang.

Tumango lang siya at tumayo na mula sa nakapa-ikot naming upuan para sa group meeting. Simula kaninang nagstart yung meeting hanggang sa natapos ay puro tango at iling lang ang ginawa niya sa tuwing may sinasabi ako. I don't really know what's up with him.

Tumayo ako at sinabit na ang bag ko sa balikat ko. Lumapit ako sa pwesto niya. Tinignan niya ako saglit at binalik na ang atensyon sa pag-aayos ng bag niya.

"Vince, are you okay? May problema ba?" I asked him carefully.

Umiling lang siya at nilampasan ako. I sighed. Maybe he needs more time. Isa siya sa masayahing tao na nakilala ko kaya nakakapanibago na ganito siya. Lumabas na ako ng classroom at nakitang naka-abang si Theo roon. He waved at me.

"Tapos na klase mo?" I asked him with big smile.

"Hindi pa. Hatid lang kita sa sasakyan tapos balik na ako sa building." he answered.

"Kaya ko naman." I chuckled.

"Ayos lang. Vacant ko naman e."

Naglakad na kami papuntang parking lot. Bago pa makarating doon mismo ay nakasalubong namin si Robert. He stopped on his track when he saw me. Nilipat niya ang tingin niya kay Theo at binalik ulit sa akin. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang lapitan at tanungin kung nasaan si Kai o hayaan na si Kai mismo ang magpakita sa akin. Bago pa ako makapagdesisyon ay nagsimula na siyang maglakad palayo sa akin. What the heck is going on? Sa pagkakatanda ko ay si Kai lang ang hindi ko kaayos. Bakit pati si Rob at Vince ay umiiwas din sa akin?

I said my good bye to Theo then pumasok na ako sa van. Pag-uwi sa bahay ay nagpahinga ako saglit bago nagbabad sa bath tub. I played music from Theo's playlist then closed my eyes.

"Oli! Please! Oli!"

Napabalikwas ako sa sigaw at lakas ng katok sa pintuan ng bathroom ko. Walang tigil na malalakas na katok at pagtawag sa pangalan ko ang bumabalot sa buong banyo. Inabot ko ang cellphone ko at pinatay ang malakas na tugtog. Lalong na emphasize ang hysterics sa labas ng pintuan. I looked at the clock at nakitang 4:30 pm na.

Shit! Mahigit dalawang oras na akong tulog!

"Wait!" sigaw ko.

Nagmadali ako sa pagtayo mula sa bathtub. Inabot ko ang towel ko instead yung robe at pinulupot iyon sa katawan ko. Agad kong binuksan ang pintuan at napahinto.

They were all here.

Maids, guards, Millane, and Theo.

Theo!

Dahan-dahan kong tinago ang katawan ko sa likod ng pintuan at yung ulo ko lang ang pinakita.

This is so embarrassing. So embarrassing! What are they doing?!

"Anong meron? Hehe." pilit kong pinagaan ang atmosphere dahil pare-pareho silang mukhang maiiyak na.

Theo exhaled a big breath. He put both of his hands on his face then inhaled deeply. Tinanggal niya ang mga kamay niya sa mukha niya at nilagay iyon sa magkabilaang doorframe. Napa-atras ang mga maids at guards namin. Yung mga guards naman ay nagsilabasan na noong nilingon sila ni Theo.

"Ikaw? Anong nangyari sa'yo? Akala namin napaano ka na. Kanina pa kami kumakatok dito." nag-aalalang sabi ni Millane.

Napanganga ako. "Omg. I am so sorry. Nakatulog ako. Malakas yung tugtog kaya hindi ko narinig agad."

Theo let his head fell between his shoulders while still holding the doorframe. I looked at his outfit and saw that he was wearing white long sleeves and black slacks. I started to panic.

All I Want (Capture Series 1)Where stories live. Discover now