Nineteen

3.8K 151 137
                                    


"Where are we really going?" I asked enthusiastically.

Theo grabbed my left hand while his other hand was on the steering wheel. He smiled at me before focusing on the road again.

"Just wait, Love." he softly said.

Kaninang paggising ko ay nasa may hapag na siya. Pinaghandaan niya ako ng breakfast and asked me to get ready. Since hindi ko alam kung saan kami pupunta at simpleng white shirt at pants lang suot ni niya ay naghighwaisted maong shorts lang ako at oversized grey t-shirt. Tinucked-in ko yung harap lang na part to designed it a bit at hindi naman akalain ng makakakita na wala akong pambaba. Umalis din kami agad pagkatapos mag-agahan. Hanggang ngayon ay ayaw niya pa rin sabihin kung saan kami pupunta.

Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Pamilyar ang dinadaanan namin. Papuntang Sta.Rosa iyon pero kalaunan ay may mga nilikuan siya na hindi na ako pamilyar. Sumasabay na lang ako sa pagkanta sa stereo niya hanggang sa makarating kami. Napa-ayos agad ako ng upo nang makita na karamihan sa mga taong papasok sa isang establishment ay may mga dalang skateboard. Gulat akong lumingon sa kaniya.

"Love!" gulat kong sigaw sa kaniya.

He chuckled at my reactions sabay labas ng sasakyan. Sinundan ko siya ng tingin. He opened my door. Pinatong niya ang kaliwang kamay niya sa bewang niya habang ang isa ay nakahawak sa taas ng pintuan, inaantay akong bumaba. Halata sa mukha niya ang amazement sa reaksiyon ko.

"Let's go?" he asked while grinning.

"Wala akong dalang skateboard!" natatawang sabi ko.

"I have a spare one at the back." he cocked his head towards the back of his car.

Dali-dali kong tinanggal ang seatbelt ko at patalong bumaba ng sasakyan sa sobrang excitement. Agad niya akong hinawakan sa bewang nang ma-out of balance.

"Love, careful!" nag-aalala niyang sabi but still chuckled.

Inunahan ko na siya sa likuran para makuha na ang skateboard na dala niya at makapasok na sa loob. Natutuwa siyang tumingin muna sa akin bago iyon binuksan. Bumungad sa amin ang dalawang skateboard. Yung isa ay yung madalas niyang gamitin sa tuwing nag-iskate kami. Color black and white seawaves iyon. Napanganga ako sa katabi noon na same design ng kanya but it has the sea colors. Magkatabi iyong dalawa kaya kita na yung designs nila ay magkadugtong talaga. From his skateboard na black and white papunta sa isang skateboard na from fade black and white hanggang sa maging colored na. Kinuha niya iyong colored at inabot sa akin.

"For you, my love." he said.

Mangha akong nakatitig doon hanggang sa makita sa gitna ang roman numerals. It was written in small bold white letter.

VIII.XXV.MMXIX

Gulat akong napatingin sa kaniya nang marealize kung ano iyong date na iyon. He's looking at me, waiting for my reaction.

"Oh my goodness... Love!" binitawan ko ang skateboard sa sasakyan at yumakap nang mahigpit sa leeg niya. I heard him chuckle. "It's so beautiful! Thank you!"

"Always wel—"

His line got cut off when I kissed him on the lips. He tightened his grip on the small of my back to deepen the kiss.

"I love you! Thank you!" I said with too much enthusiasm.

Kinuha ko ulit yung skateboard at humakbang palayo sa kaniya para mabigyan ng space ang pagsarado niya ng sasakyan but instead na gawin niya iyon, he grabbed my wrist and walked closer to me. In a swift move, he held both of my cheeks to kiss me again. I was caught off-guard, I didn't even realize that I was not breathing kung hindi lang siya lumayo.

All I Want (Capture Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon