One

14.7K 360 276
                                    


"Si Ms.Salcedo lang ang absent?" rinig kong tanong ng professor namin sa classmates ko.

"Present! Present po!" sigaw ko habang tumatakbo papasok ng court. Inaayos ko pa yung pagkakasabit ng bag ko sa balikat ko.

"Ayos ah. Nakahabol pa," bulong sa akin ng kaibigan kong si Allison pagkapwesto ko sa tabi niya. Nakapila na ang lahat para sa PE namin.

"Buti nga natapos agad yung photoshoot ni Kai. Hindi na dapat ako papasok ngayon kung natagalan pa eh," sabi ko habang hinihingal pa rin.

"Ano ba si Kai? 5 years old na kasali sa pageant? Kaya niya naman siguro mag-isa doon. Photoshoot pa lang naman yun eh. Next month pa ang contest ng school," iritadong sabi ni Alli.

Lahat ng schoolmates ko o lahat ng nakakakila saamin, tuwang tuwa sa relationship namin ni Kairo. Pakiramdam ko halos lahat ay nakatutok sa amin at inaabangan kung kailan kami magiging official. Nabubukod tangi lang si Alli na kontra sa amin.

"Syempre moral support! Girlfriend ako kaya dapat nandun ako," sabi ko.

"Beh, hindi pa kayo. Tanungin ka na muna niya kamo para maging official na," pambabara ni Alli.

"We like to keep it slow and steady. We'll get there, Alli," kampanteng sabi ko. Inirapan niya lang ako sabay layas sa harap ko para maghanap ng kapartner para sa sasayawin namin.

Napailing nalang ako sakanya. Binaba ko muna yung bag ko sa bench bago naghanap ng pwedeng makapartner. Hindi pa ako nakakalibot ng tingin ay may kumalabit na saakin. Lumingon ako sa kanan ko at nakita ang nakangiting si Vinson.

"May kapartner ka na?" tanong niya.

"Wala pa nga eh," medyo nahihiyang sagot ko, medyo lang.

Hindi naman ako yung shy-type na tao pero kasi hindi kami ganoon kaclose ni Vinson. Ngayong grade 11 ko lang kasi siya naging kaklase, hindi kagaya ng iba na simula junior high ay kakilala ko na. He looks friendly naman. Halos buong klase nga ay kaclose niya na, ako na lang ata ang hindi kasi medyo ilag ako sa mga lalaki ngayon. Ayokong may pagselosan si Kai.

"Partner tayo? Kung ayos lang sayo," pag-aaya niya.

Lumingon ako sa paligid para maghanap kung meron ba akong mas kaclose na wala pang kapartner pero mukhang lahat sila ay meron na. Late kasi ako eh. Tsk.

"Ahm.. sige. Sure," ngumiti ako sakanya at ganon din siya saakin.

Nakakalat lang ang pwesto ng buong klase kasi ituturo pa lang ng prof yung steps. Sa likod kami banda pumwesto, sinadya ko na doon pumunta kasi hindi ako magaling sumayaw. Sana lang ay marunong 'tong si Vinson para may magdala sa sayaw namin.

"Hanep, Vince!" sigaw ng isa naming kaklase. Nagsilingunan naman ang iba kung nasaan kami nakapwesto dahil sa kanya.

"Yieeee!" pang-aasar ng iba.

"Shh 'wag, guys. May Kairo na," sabi ng isa pa namin kaklase.

Napakunot ang noo ko sa mga sinabi nila. Lumingon ako kay Vinson at nagtaas ng dalawang kilay. Tinaas niya naman yung dalawa niyang kamay.

"I have no idea what they're talking about. Alam mo naman sila Philip, mapang-asar," depensa niya sabay turo sa mga makukulit naming kaklase na lalaki.

"Ah okay," natawang sabi ko. Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya.

As much as possible, ayokong ma-issue sa iba. I can't mess up my relationship with Kai. Simula grade 9 ay crush ko na siya at last summer ay finally napansin niya na ako so wala akong plano na sirain 'tong love story namin. Lahat ng posibleng makasira neto ay pinipigilan ko na habang maaga pa.

All I Want (Capture Series 1)Where stories live. Discover now