Chapter 3

34 1 0
                                    

Zyra

Pasado alas siete na ng gabi nakaalis si Jeithro. Maayos itong nakapagpaalam sa'kin, sa'min na nandito sa bahay. Inaaya pa sya ni Mama na kumain muna ng hapunan pero tumanggi ito. Masyado na raw malalim ang gabi. Baka maabutan ng traffic sa daan.

"Ang bait ng instructor mo,"

"Opo ma." Sabi ko habang kumukuha ng ulam. Nandito kami ngayon sa dinning area, naghahapunan. "Magaling rin sya magturo," panimulang kwento ko. "Natapos n'ya agad ang lesson one and two,"

Nakita ko sa mukha ni Mama ang pagkagulat. "Wow, first day of school nagturo agad?"

"Yes Ma, amazing right?" Sumubo muna ako ng pagkain tsaka nagsalitang muli. "Alam mo Ma, ang astig n'ya magturo. Nakatalikod lang sya sa'min in all time." Ngumisi ako.

"I think, hindi pa sanay si Jeithro, natanung ko sya kanina. Kakasimula pa lang n'ya as a instructor." Napatango ako. "Tsaka hindi kinakailangan ng mukha para maintindihan ang lesson, sapat na siguro ang boses."

"Well, I agree." Nagkibit balikat ako. "Naintindihan ko naman kahit papaano lahat ng pinagsasabi n'ya kanina."

"Isa pa, baka sinadya n'ya talagang tumalikod para sa kapakanan ng nakararami. Kapag kasi humarap yun, marami ang ma-distract," Napakunot noo ako. "Ang pogi kaya ng sir n'yo, baka buong araw lang sya titigan ng mga estudyanteng pabebe."

Si sir?

Napailing ako

Naalala ko tuloy yung nangyari kanina sa kotse n'ya. Aba, ngumiti ba naman, bigla tuloy akong napamura ng wala sa oras. Dun palang nakaka distract na nga. Pa'no pa kaya kapag humarap yun ng buong maghapon? Edi mura to the right and left na ko?

Pero infairness ha, ang pogi ni sir. At hindi ko ipagkakaila yun, tiyak marami syang taga hanga. Hindi lang sa loob ng campus pati na rin labas.

Hindi ako umimik. Inabala ko nalang ang sarili sa paglamon, ganun din si Mama. Nang malapit na kaming matapos ay nagsalita syang muli.

"Mukhang mapagkakatiwalaan sya," komento nito.

"Maybe," ikling tugon ko. I'm not sure. Isang araw ko palang sya nakita at nakilala.

Honestly speaking... hindi ko maramdaman yung bigat sa presensya n'ya. Unlike kay Tita Amanda. Talagang masama na pakiramdam ko dun.

Kung ako man tatanungin, magaan naman loob ko kay sir Jeith. Lalo na nung nasa kotse kami. Nung time na medyo nag open ako tungkol sa buhay ko. Nung time na umiyak pa ko sa harapan n'ya, mema nakakahiya tuloy ako.

Pero anyway kahit ganun ang nangyari nahimasmasan ang saloobin ko sa buhay. Nabawasan ng kunting pait ang panlasa ko .

Nagkataon lang ba talaga ang lahat?

Or

Talagang nakatadhana na magkita kami?

Magiging parte kaya sya ng buhay ko?

"Hindi na 'ko magtataka kung balang araw maging kayo," Natigilan ako sa sinabi n'ya. "Nang makita ko kayo kanina, may naramdaman akong kakaiba. I know, kasi dumaan ako dyan. That situation is the same event of mine. May bigla akong naalala, may bumalik sa isipan ko." 

"About sa inyo ni Papa?"

"Hmm, yes? Kasi noon hindi rin kami ganun kaclose ng Papa mo. Hindi ko nga inaasahang magiging kami pala in the future..." Napahinto si Mama. Tinitignan n'ya ang pagkain na nasa harapan. "Nagsimula kami sa ganyan, sa simpleng kwentuhan... hatid sundo, kain sa labas. Then, hanggang sa hindi namin namamalayan na nahuhulog na pala kami sa isa't isa."

HER WISHESWhere stories live. Discover now