Chapter 2

47 0 0
                                    

Jiethro

"Ihatid nalang kita sa bahay n'yo." Sabay tanggal sa shades na suot suot ko palabas ng building.

Nakakakonsensya naman kung iiwan ko sya mag isa dito. Mukhang bubuhos na rin ang malakas na ulan. Baka kung mapa'no pa sya.

Tinitigan ako ng babae. Parang 'di makapaniwala sa narinig. Kalaunan ay umiwas ng tingin. "Ahm... no need na po Sir, maghihintay nalang po ako ng taxi sa may labasan."

"You think, makakahanap ka agad ng taxi?"

Nakayuko sya. "Maybe," sabi nito sa mababang boses.

"Sumabay kana sa'kin. Mas safe," kumbinsi ko pa rito.

"Nakakahiya po,"

Bigla akong nairita sa paggamit n'ya ng po sa'kin. I'm just 24, hindi ganun katanda para gamitan n'ya ng po. In fact na nasa 20th ages kami pareho. Mas matanda siguro ako ng three to four years, at hindi 10 years. Tss.

"Stop using po, hindi pa ako matanda. FYI."

Mahinang napatawa ang dalaga. "Pero sa pagkakaalam ko. Sir po kita... dapat galangin." Tumama ang mata nito sa'kin.

Brown eyes, parang nakikiusap.

"Wala na tayo sa loob ng klase."

Nagkibit balikat ito. "Yeah, you have the point. Anyway..." Tumingin ito sa kalangitan tapos sa'kin. "I have no choice kundi ang makisabay sa'yo pauwi." Ngumiti ito.

"Okay," Ngumiti rin ako for some reason. Biglang guminhawa pakiramdam ko or sadyang nahawa lang sa tamis ng ngiti n'ya. "Let's go." Nauna akong lumakad habang sya ay nakasunod sa'kin.

After a couple of  minutes narating namin ang kotse ko. Pinagbuksan ko siya ng pinto at hindi naman ito umangal. Binuhay ko ang makina saka dahan dahang pinaandar ang auto.

"Bagong instructor ka?" Tanung ng katabi ko. Nanatili sa kalsada ang tingin.

"Yeah. Pero hindi rin ako magtatagal,"

"Bakit?"

"Hindi ko profession ang pagtuturo."

"Talaga? Hindi halata,"

Napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng loob ko kanina. To be honest, first time ko makapagturo sa harapan ng mga estudyante. Hindi ko nga alam kung tama ba pinaggagawa ko kanina. Kinakabahan din ako at the same time. Malay ko kung paano at ano nga ba ang gawain ng isang instructor? I have no idea about it. Isa pa, kaya lang naman ako napilitang maging instructor for a while ay dahil kay Ma'am Vina. Nakiusap ito sa'kin na kung maaari, ako muna ang pumalit sa kanya. May importante daw itong aasikasuhin na hindi man lang sinabi sa'kin kung tungkol saan at ano iyon.

Hindi naman ako makatanggi sa kanya. Para ko na syang Lola. Sya ang nagsilbing gabay ko upang makarating sa kung ano ako ngayon. Sya ang tumulong sa'kin sa lahat. Kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya. Lubos akong nagpapasalamat sa Ginang.

"Do you know Ma'am Vina De La Cerna?" I asked her.

"Yes. I know her." Agad nitong tugon. "Idol ko sya, actually. She's very talented and impressive instructor in all season. Grabe super galing n'ya as in. I admire her since when I was a first year college student."

Napatango ako. "She's my Lola,"

Gulat na gulat itong napabaling sa'kin. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya, ramdam ko ang pagkamangha sa mga mata n'ya.

"Is that a joke?" Tanung ito.

Umiling ako. "No. She's my Lola, para maniwala ka... you can ask her in person."

HER WISHESWo Geschichten leben. Entdecke jetzt