Chapter 5

13 0 0
                                    

"SO, ano ang nagtulak sa'yo para sumali sa glee club?" Tanung n'ya bago humigop ng kape.

Nandito kami ngayon sa coffee shop, malapit lang sa university. Isa ito sa tambayan ng mga estudyante lalo na kapag araw ng Friday. Iba't ibang estudyante galing sa mga sikat na unibersidad ang dumadayo dito upang  magrelax at magkwentuhan with their tropa.

Ngumiti muna ako bago sya sagutin. "Pangarap. Dahil sa pangarap..." Mas lumawak pa lalo ang ngiti ko. "Actually, nung nasa kabilang university pa 'ko. Ito na talaga yung dream ko, ang mapabilang sa Hiraya Glee Club kahit na malabo."

Tumango tango ito. "Are you happy that you will finally have a chance to join the Hiraya Glee Club?"

"Oo naman, sino bang 'di sasaya? Like, hello! Hiraya Association Glee Club na 'yun e. And I won’t waste the opportunity, I'll make sure na gagalingan ko kapag nakapasok ako."

Umiwas ito ng tingin 'tsaka tinitigan ang kapeng nasa kamay. "Dream mo talaga 'yan no? Buti kapa alam mo kung san ka nag e-exist."

"Bakit? Nang ikaw ba ang maging lead actress di ka satisfied? Di kaba sumaya?"

Umiling ito. "Kaya nga ako umalis kasi I'm not happy anymore. I don't know, okay naman ang performance ko.... I guess. Maraming humahanga sa'kin. Pero alam mo 'yun... kapag di tayo masaya sa ginagawa natin, kahit na marami tayong awards and achievements na natatanggap hindi natin ma-appreciate kasi parang may mali, na parang may kulang. Pakiramdam ko, it is a useless." She slightly smiled. "To be honest, hindi ko nakikita ang sarili ko as an actress kahit na sabi ng iba magaling ako, pasok na pasok ako sa qualifications nila."

Sa buong buhay ko, ngayon palang ako naka encounter ng ganito. Imagine, may isang sikat na babae ang magkukwento about sa buhay n'ya. Tungkol sa nararamdaman n'ya.

"Sorry ha, but I don't know what should I say to you."

"It's okay. Wala ka rin naman dapat sabihin kasi you are not in this situation."

Napahinga ako ng malalim. "Ahm... Ilang years kana sa glee club diba?" Tanung ko at tumango siya. "Bakit ngayon ka lang umalis? I mean, di mo gusto 'yung ginagawa mo... Pero natiis mo? After a years, ngayon mo palang naisipang bumaklas from the team?"

Ngumiti ito. "Because of my grandma..."

"Oh? Anong kinalaman ng Lola mo?"

"She warned me, kapag umalis ako sa glee club kukunin n'ya lahat ng credit cards ko. Ipapa-banned n'ya ko sa university."

Napanganga ako.

"Alam ko pagsisisihan ko lahat nang ginawa ko." Pilit itong ngumiti. "Pero mas pagsisisihan ko siguro kung wala akong ginawa para mapasaya ang sarili ko."

"P-pa'no ka? Pa'no kana n'yan?" I was shocked. Di ako makapaniwala, is this seriously happened?

"I'm ready... Hinanda ko na talaga ang sarili ko matagal na." Tumango ako, I'm still amazed. "I have my Daddy who always supported on me. Sya ang kakampi ko sa problemang kinakaharap ko ngayon."

Daddy...

'Buti kapa, supportive Daddy mo.'

"Anong plano mo? Baka isang araw ma-banned ka nga talaga sa university." I still trying to make good atmosphere although naalala ko 'yung tao na nagbigay sa'kin ng trauma.

"Natanggap ako sa ibang university."

"Sa tingin mo, hahayaan ka ng Lola mo na makapag aral sa ibang university? Pa'no kapag ihold n'ya ka n'ya uli?"

"No. She can't do that on me. Like what I've said I have Daddy, I know ipaglalaban ako nun."

Tumango ako. "Hindi ba mag aaway ang Grandma at Daddy mo?" I'm curious, diba kapag ganun there's possibility na mag aaway sila because of that scenario?

HER WISHESWo Geschichten leben. Entdecke jetzt