"Hindi, ilang taon lang," sagot ko.

"Ah, teka... Vicencio, related ka ba kay Gov. Vicencio?" saglit na napa-isip at tanong ni Janna.

"Ah... oo. Daddy ko," sagot ko naman.

Na-shock ang ekspresyon ni Janna. Hindi ata siya makapaniwala.

"Talaga? Aba tignan mo nga naman ano at tatay mo pala si Gov. Anak mayaman ka pala. Siguro kahit hindi ka na magtrabaho e, okay lang, ano?" kumento pa ni Janna.

Ayoko sanang pag-usapan ang mga ganitong personal na bagay, hindi ako kumportable.

"Hindi naman, kailangan ko pa ding magtrabaho," pagtanggi ko.

"Kung sabagay, maiinip ka din siguro kung wala kang gagawin kundi ang magliwaliw. Maganda din 'yang ganyang nagtatrabaho ka pa din kahit na mayaman," nagsasalita si Janna kahit na panay ang ayos niya ng kaniyang make-up sa mukha.

Hinayaan ko na lang siya sa kaniyang opinyon. Wala na akong sinabi at baka madagdagan pa ang kaniyang mga tanong at mahirapan pa akong sagutin iyon.

Masasabi ko naman na isa sa mga natutunan ko ng magsimula akong tumayo sa sariling mga paa ang ang ang pakikisama. Mahalaga iyon lalo na noong nasa ibang bansa ako dahil kinailangan kong makihalubilo ng mabuti sa iba.

Bukod kay Rafa ay wala naman akong naging sobrang lapit na kaibigan pero itinuturing ko namang mga kaibigan ko ang mga nakasama ko sa trabaho doon.

At marahil ay hindi na rin ako ganoon ka-emosyonal pagdating sa pagkakaroon ng mga kaibigan. Hindi na mahalaga sa akin kung marami akong kaibigan o iisa lang.

May mga iilan pang tinanong si Janna pero kapag masyado ng personal ay hindi ko na masyadong sinasagot. Mabuti na lang din at ipinatawag siya sa labas at pagkabalik niya ay siya namang simula na ng meeting namin.

Pinapunta na kaming lahat sa conference room at halos lumuwa ang mata ko ng makita si Jeremiah na nakaupo sa gilid ni Mr. Alcazar na siyang may-ari ng gallery habang ang asawa naman nitong si Madame Genuo ay nasa kabilang gilid. Anong ginagawa ni Jeremiah dito? Hindi ko naman nabasa sa mga files may kinalaman siya dito!

"Good afternoon everyone."

Halos hindi ko na marinig ang pagbati ni Mr. Alcazar dahil napako na ang tingin ko kay Jeremiah na inosenteng nakatingin din naman sa akin. May bahid ng tagong ngiti ang labi niya dahilan para makaramdam ako ng kaunting inis. Magkasama lang kami kanina pero hindi man lang niya nasabi ang tungkol dito.

Hindi ko na nga nasundan ang mga sinasabi ni Mr. Alcazar at ako ang huling naupo sa aking silya. Kung hindi pa ako kinalabit ni Janna ay baka nanatili pa din akong nakatayo at nakatingin ng masama kay Jeremiah.

I should understand. It was never his responsibility to get me updated with his life. Pero diba, hindi naman siguro kailangan pang isikreto na dito din pala siya pupunta.

Hindi pa nagsisimula ang meeting dahil hinihintay pa namin ang ibang kulang. Maaga pa din naman sa itinakdang oras. Nakakamangha din na ang mga boss dito ay maagang nandirito at sila pa ang naghihintay.

Naririnig kong naghahagikgikan si Janna at ang isa pa naming kasama. Nang lingunin ko sila ay nakita kong pasulyap-sulyap sila ng pasimple kay Jeremiah. Pinigilan kong umikot ang mga mata ko.

Wala pa namang limang minuto ay nagsimula na ang pagpupulong.

Tungkol pala ito sa gaganaping charity ball kung saan ang ibang mga painting ay ibebenta. Magkakaroon pa kami ng susunod pang meeting para i-finalize kung aling mga artworks ang makakasali. Hindi kasi maaaring isama ang lahat dahil marami pang ibang gallery ang kasali at siguradong dadalhin din nila ang pinakamagaganda nilang paintings. Limitado lang ang mga pwede naming dalhin.

"By the way before we end, let us welcome as well our new curator. Miss Amanda Vicencio, welcome to El Tempo," kung ihahambing sa tela ay parang malambot na sedang humaplos sa pisngi ko ang tinig ni Madame Genuo.

Hinayaan niya akong ipakilala ang sarili ko sa lahat. Sa dami nila sa loob ng kwarto ay tanging sa iisang tao lamang ako kinabahan.

Habang nagpapakilala ay pakiramdam ko isa akong estudyante na hindi nakapagreview at ngayon ay pinatayo para sa recitation.

"T-Thank y-you..." huling nasabi ko.

Pangalan ko lang ata ang nagawa kong sabihin ng tuwid.

Naiilang ako dahil habang nagpapakilala ako ay masusing nakikinig at nag-aabang sa mga sasabihin ko si Jeremiah.

Pumalakpak naman ang lahat kahit parang basura ang naging pagpapakilala ko. Kinamayan ako ng mga malapit sa akin at nginitian at tinanguan naman ng mag-asawang Alcazar. Iniwasan kong mapatingin kay Jeremiah dahil wala akong balak na alamin pa ang reaksyon niya.

Baka nga nagpiligil lamang siya ng kaniyang tawa!

Nauna ng lumabas ang mag-asawang Alcazar pero nanatili sa kinauupuan niya si Jeremiah. Lalabas na din dapat ako kasabay ng iba pero nagsalita siya.

"Can you stay for a bit miss Vicencio?" tanong niya na ikinagulat ko at ng ibang mga staff na nakarinig sa sinabi niya. What now?

...

So Wrong Yet Feels So RightWhere stories live. Discover now