"I know, pero madali kang mawalan ng mana." Napasimangot naman ako.

What's with that mana anyway?

"Paano ko magagawa na hindi madaling mawala ang mana ko ng hindi nagti-training?" Napaisip naman siya.

"Maybe if you gain some new skill from the battle?" patanong niyang sabi.

Oh. So baka magkaroon ako ng bagong skills sa pakikipaglaban ko pero mag-aanyong tao na ba ako? 'Yun lang, hindi ko alam kung paano.

"Ilang araw tayo sa quest?" tanong ko.

"Maybe a week or a month. We're staying at inn with the others." Of course, kasama ang apat na nilalang na 'yon.

"Bakit parang ang tagal naman?"

"It's one of the hardest quest. That nation are willing to pay more than one hundred gold coins," sabi niya kaya napangiwi ako.

Need niya pa ba ng ganong kalaking pera? Haler? He's a Prince! A wealthy one, bakit naman kailangan pa niya ng pera?

"Ano namang gagawin mo sa pera? Mayaman ka naman e," usal ko.

"It's not for me," sabi niya at bumuntong hininga. "Para 'yon sa bayan ng Terese."

Bayan ng Terese?

"Sakop 'yon ng kaharian namin. I don't know why father ignore that, since he always make sure that everyone in our kingdom are very well eating. He don't let any beings starve in his kingdom." Napatawa naman ako sa sinabi niya.

Utak niya may ubo. Prince ba 'to! Prince yarn? 'Yan na 'yon?

"Ikaw ba ay may utak? Obvious na may ibang nangyayari doon!" sabi ko.

Napa face palm siya at pinitik ang noo ko.

"Aw!" daing ko at sinamaan ko siya ng tingin.

Akala ko magbabago na, nananakit pa rin talaga.

"I'm not stupid. Of course I know that, pinapa-imbestigahan ko na ang nangyayari, but as a Prince, I need to do something to help them hangga't hindi pa nalalaman kung ano ang problema." Hindi na ako nagsalita dahil wala nadin naman akong masabi.

Kung may nangyayari nga, siguro ay may mga masasama pa rin talagang tao at kurakot. Hayok sa pera o kapangyarihan, hindi marunong makuntento sa kung anong mayroon sila. Mga tao nga naman, masyadong ganid.

"Oh? Nandito na si Fiera!" Mabilis akong tumalon sa binti ni Kreyos ng marinig ang boses ni Lana.

"Payakap ako!" sigaw niya.

"Don't touch me," sabi ko at umatras ng may maapakan akong uh, matigas tapos ano, malaki.

Dahan-dahan akong umabante at bumaba sa lap ni Kreyos.

"What?" takang sabi niya. Tumingin ako sa kanya at mabilis na umiwas ng tingin.

Oh God! Ang dumi ng isip mo Nina! Bakit?! Sino ba kasi may sabi na tumalon ka sa mismong binti ni Kreyos?!

"Your ears and tail are down. Why?" Hindi ko siya pinansin at lumayo sa kanya ng konti.

Alam kong walang kaso sa kanya 'yon since hayop ang anyo ko pero shumay, ako pa rin 'to! Si Nina! Babae! Gurlalo!

"You're so adorable." Hindi na ako nakatakas ng buhatin ako ni Nana.

Bakit ba nagdatingan ang mga 'to? Tsaka saan ba sila galing?

"Ready na ba kayo bukas? Sasama ka ba Fei?" Lumapit sa 'kin si Lana at hinimas ang ulo ko.

"Oo sana kaso kasama ka, nag-iba tuloy isip ko," bagot ma sabi ko.

That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon