Prologue

22.8K 653 216
                                    


This novel is dedicated to all the people who keep doubting theirselves. Please know that you are the best. One person is the best. The other person is the best. Everyone is the best.


-


"Miss Oliana Stacy Salcedo?"

Napakurap-kurap ako sa tawag ng professor ko. Yung mga kagrupo ko ay napabaling na sa akin. Kanina pa siguro ako natulala kaya napansin na nilang lahat.

"Yes, Ma'am?" I asked attentively.

One of our panelist sighed. The other one just kept looking at me, expecting me to answer whatever the question was. Luckily, my professor that also happens to be one of the panelist repeated the question.

Huminga ako nang malalim at pilit na winala muna ang balitang nasagap ko kaninang umaga. Kailangan kong magfocus dito sa thesis defense namin. Graduating na ako and I can't let this subject be the reason of my delay. Isa pa, ako ang leader ng grupo. I answered the question confidently. Sinigurado ko ring malinaw ang explanation ko para makabawi sa pagkatulala ko kanina.

"Congratulations," bati sa amin ng professor namin pagkatapos ng defense.

Pare-pareho kami ng mga groupmates ko na napagiti. Hindi pa sasabihin sa amin yung grades namin pero base sa pagcongratulate ng prof namin, paniguradong pasado kaming lahat.

"Finally! Tapos na! Thank you, Lord!" sigaw ng kaklase kong lalaki pagkalabas namin ng room.

Naghiyawan at talunan naman sila sa sobrang saya. Para kaming binunutan ng malaking tinik sa dibdib. Yung thesis na lang kasi talaga problema namin. Yung ibang mga project ay ginawa at sinubmit na namin kaya paniguradong sobrang gaan na sa mga susunod na araw.

That's when my smile faded. Siguro para sa kanila lang yung magaan na araw. Sa akin kasi, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Tuwa? Lungkot? Kaba? I don't know.

All I know is that... he's coming back.

Bumilis ang tibok ng puso ko just by thinking about it. Matagal na simula noong huli naming pagkikita pero sobrang linaw pa rin sa memory ko ang lahat na para bang kahapon lang ito nangyari.

The way he looked at me, talked to me, held me, hugged me... kissed me.

I shivered at that thought. What am I thinking?

"Mauna na ako," paalam ko sa mga kagrupo ko.

Tumango naman sila at nagpaalam na rin. Wala na akong ibang subject for this day kaya uuwi na ako. Wala naman akong ibang mapupuntahan.

Buong araw kong inabala ang sarili sa iba't-ibang bagay para hindi na siya maisip. Sinubukan kong manood ng movies, youtube videos, learn to play new song on piano, riding my skateboard, baking, etc. Lahat na sinubukan ko but every single thing I know leads back to him. Kahit ata simpleng paghinga siya ang naaalala ko.

Nung hindi ko na kinaya ang mga tumatakbo sa utak ko ay kinuha ko ang laptop ko at cinontact ang kaibigan kong si Allison. Paniguradong mumurahin ako noon dahil madaling araw pa lang sa Luxembourg.

"Hallo?" she said sleepily.

Kitang kita ko siyang nakahiga sa kama niya at nakapikit habang ang isang kamay ay extended papuntang laptop. Ugali niya kasing matulog katabi ang laptop dahil nagrereview siya kaya dito ko siya tinatawagan. Alam niyang ako lang ang tumatawag sa kanya nang ganito kaya wala siyang pakielam kung makita siyang nakahilata sa kama niya.

"Alli, totoo ba talaga yung sinabi mo kanina?" bungad ko sa kanya.

Pinilit niyang buksan ang isang mata. Nung naconfirm niya na kung sino talaga ang kausap niya ay sinabunutan niya ang buhok niya.

All I Want (Capture Series 1)Where stories live. Discover now