CHAPTER 18

91 13 0
                                    

CHAPTER 18


Pinalibutan kami ni Findy ng mga wild animal at limang lalaki. Paikot- ikot ang tingin namin sa mga kalaban.

“Findy dito kana lang sa gitna ako na bahala.”bulong ko sa kaniya kaya napatingin siya sa akin at pilit na tumango.

Mabilis kong kinuha ang espada na nakasabit sa bewang ko at mabilis na sinugod ang mga wild animals at mga lalaki.

Hindi nila ako napapansin dahil sa bilis ko. May lason ang espada at palaso namin kaya mabilis silang na mamatay sa isang tama lang.

Hindi nag tagal lahat sila ay nakahiga na at walang buhay. Napatingin sa akin si Findy na parang manghang mangha sa bilis ko.


“Wow! I feel parang hindi lang ako gumalaw at huminga.” nakangiting puri niya kaya napangiti ako.

“Tara na.” saad ko kaya tumango siya at sumunod sa akin pero may sampung lalaki ang humarang sa dadaanan namin.

“Lumaban kayo ng patas.” sigaw ng isang lalaki at sabay taas sa espada sa ere. Napatingin ako kay Findy at tumango siya kaya tumango rin ako.

Agad nila kaming sinugod kaya lumaban kami gamit ang espada. Hindi ako gumamit ng powers like speed.

Isa-isa namin silang napapatay ni Findy kahit parami sila ng parami. Hanggang sa hindi namin napansin ni Findy na kasama na pala namin si Rex at lumalaban din ito gamit ang espada.


May mga sugat narin siya sa katawan. Punit-punit na ang uniform niy. Dahil nakatingin ako kay Rex ay bigla akong na espada ng isang lalaki sa kaliwang braso ko kaya napa-aray ako.


Tumalsik ang ibang dugo sa lupa kaya nagalit ako dahil sobrang hapdi. Agad ko siyang na sugatan sa dalawang binti kaya napaluhod siya at sinaksak ko siya sa tiyan.

Napa-aray na naman ako ng may biglang tumama sa likod kong espada kaya natumba ako pero pinilit kong tumayo at sinaksak ang may gawa non.


Hindi kona magamit ang powers ko dahil sa mga sugat ko. Galit na galit na ako kaya winawasiwas ko nalang ang espada kung saan-saan.

Hanggang sa may tumama na naman sa binti ko kaya napaluhod ang isa kong binti akmang sasaksakin na ako ng lalaki yun pero naunahan ko siya.


Tinignan ko ang mga kasama ko at complete na kami. Walang gumagamit ng powers sa amin. Pati ang mga wild animals ay sinusugod kami.


Marami narin silang sugat pati si Findy na aming healer. May sasaksak sa likod ni Findy kaya agad akong tumayo at papilay pilay na pumunta sa kaniya at sinalag ang espada sabay saksak sa lalaking iyon.


“Salamat Hacashi.”pasalamat ni Findy at nagitla ako ng may sinaksak  siya sa likod ko kaya napatingin ako doon . “Salamat din.” balik ko kaya tumango siya.

Kaya kong lumaban kahit hindi kona magamit ang power ko dahil marami na akong sugat.

Humahapdi ang mga sugat ko kapag nadidikitan ng tela ng uniform ko lalo na ang likod ko.  Lumayo ako ng kaunti sa kanila at huminga ng malalim.

Nagitla ako ng may biglang tumama na isang espada sa espada ko kaya nabitawan ko ito. Tumingin ako doon at si kuya Flin.


Mabilis akong dumapa para kunin ang espada ko kaso natigilan ako ng itapat niya ang espada niya sa leeg ko.


Bigla niya akong sinabunutan at tinapat ang buong espada sa leeg ko. Napapa-aray ako dahil sa mga sugat ko na parang napupunit.

“Sabihin mona kasi kung nasaan!”sigaw niya sa akin habang nakadapa ako. Tulo na ng tulo ang mga luha ko.


Inalis niya ang espada sa leeg ko at tinayo niya ako sabay tulak kaya napahinga ako sa lupa.


Nagitla ako ng bigla niya akong sinugatan sa muka ng dalawang beses gamit ang espada. Tumutulo na ang mga dugo sa buong muka ko.


Sinugat sugatan niya ako sa buong katawan kaya hindi na maawat ang luha ko at ang pag sigaw ko ng ‘aray’.


Napupunit narin ang damit ko. Lumapit siya at umupo sa gilid ko at sabay sabunut sa aking buhok.


“Kung sinabi muna hindi na aabot dito!” sigaw niya sa akin. “Please...Fl—kuya Flin.”nanghihinang pagmamakaawa ko sa kaniya. Binitawan niya ang buhok ko ng dahan dahan at napatingin sa lupa.

Napatingin ako sa kaniya dahil sa mga namumuong luha sa mata niya. “Alam mo bang ngayon lang ako tinawag na kuya ng sarili kong kapatid....dahil ngayon niya lang ako nakilala.” seryosong amin niya.

“Kuya F-flin,p-please stop.” umiiyak na saad ko,napatingin siya sa akin at agad akong niyakap.


“O-ouch kuya Flin!” sigaw ko kaya bumitaw siya sa pag kakayakap. “Sorry sa lahat! Gusto kolang naman na—makuha ang dating pag-aari ng pamilya natin. Ang dalawang Cristal Magic na nag mula sa School Of Magical Ability.” umiiyak na saad niya.

Binitawan niya ang espada niya at hinawakan ang muka ko . “Pasensiya na dahil nadamay kapa.” saad niya kaya pinilit kong ngumiti. Ang sarap pala sa pakiramdam na nasa tabi mo ang kuya mo.

Unti-unti niya akong tinayo. Nginitian niya ako na parang walang nangyari. Nagitla ako ng may biglang sumaksak sa kaniya mula sa likod. 


Agad siyang napaluhod sa harap ko kaya umupo ako kahit masakit ang katawan ko. “S-sorry...”huling sinabi niya bago siya natumba sa lupa at nawalan ng hininga.


“K-kuya Flin!” sigaw ko habang umiiyak. Tumingin ako sa sumaksak sa kaniya at si Pia iyon.

Hindi na puwede ito. Kinuha ko agad ang espada ni Kuya Flin at pinilit tumayo.  Pumunta ako sa harap niya at tinapat ang espada.


“N-ngayon ko na ngalang n-nakausap ang kuya ko p-pinatay mopa! ang sama mo!” nanghihinang sigaw ko sa kaniya habang seryoso lang siyang nakatingin sa akin.


Bakit ganon? Nag sorry na ako sa kaniya kagabi bakit galit parin siya. “Ako. Ngayon na nga lang ako lumaban para sa pag- ibig pero bakit ikaw parin ang gusto niya kahit umamin na ako—ikaw parin ang pinili niya.” naiiyak na sigaw niya. Bakit ganon nalang ang galit niya?


“Masakit—para rin akong namatayan.” patuloy niya pa. Pero hindi kona siya pinakinggan at agad siyang sinugod kahit puro sugat na ako at nanghihina.


Puno narin siya ng sugat. Nag espadahan kaming dalawa kahit na magkakampi kami. Natamaan ko siya sa binti kaya napaluhod siya pero agad siyang tumayo at natamaan niya naman ako sa braso kaya nabitawan ko ang espada.


Pero pinilit ko iyon kunin at sinugod muli siya. Bakit kaibigan kopa pwedeng iba naman. Pia?Jam?

Pero may umawat sa aming dalawa at sila Jazz iyon. Sinusubukan naming kumawala sa mga nakahawak sa amin. 

Sumasakit na lahat ng sugat ko at parang mamatay narin ako. Pia bakit ikaw pa kasi. Lumabas na kaming lahat sa gubat at pumasok ang ibang grupo.


Mas grabe ang sugat ko sa kanilang lahat lalo na sa muka. Halos parang tubig nalang na nadaloy sa muka ko.

“Hacashi!”nagaalalang sugaw ni tita Catherine habang papalapit sa akin. Nandito siya. Yayakapin niya sana ako pero puro dugo ako kaya hindi niya na ako niyakap.


“Tita—pinatay ni Pia si Kuya Flin...” umiiyak na saad ko. “Bago siya patayin ni Pia nag sorry siya sa akin. Bakit ganon? Dapat mamatay narin si Pia tita!”sigaw ko dahil sa galit kaya napatingin silang lahat sa akin.


Kinuha ko ang espada ng lalaking nasa tabi ko at papilay pilay na tumakbo papunta kay Pia, ng makita ako ni Pia na pasugod sa kaniya agad niyang kinuha ang espada ng katabi niyang babae.

At sinugod din akong papilay pilay. Alam kong galit siya sa akin kaya bahala na. Pero napatigil kami ng harangin kami ni Mr. Clinton.

“Mag kasama kayo. Hacashi kailangan mong tanggapin ang kapalaran ni Flin.” mahinahon na saad ni Mr. Clinton kaya napa-upo nalang ako habang umiiyak at hindi matanggap ang lahat ng nangyayari.






School Of Magical Ability Where stories live. Discover now