"Para saan pa ang paliwanag niyo? Papaniwalain niyo na naman ako sa mga kalokohan niyo? Alam niyo, tingin ko sa inyo ay parang kapatid na. Pinagkatiwalaan ko kayo at minahal pero... hindi ganun ata ang turing niyo sa akin. Alam niyo ang plano nila pero hindi niyo man lang nagawang sabihin sa akin?! Dahil ano, gusto niyo ring maghiganti sa akin?! Maraming pagkakataon na pwede niyong sabihin sa akin iyon pero hindi niyo ginawa! Mas naunahan pa kayong magsabi ng iba! Hindi naman siguro ako masyadong magagalit ng ganito kapag sinabi niyo ng mas maaga e. Kailan niyo balak sabihin?! Kung kailan hindi ko na kayang mabuhay ng wala kayo?!" sigaw ko sa kanila at bigla na lamang tumulo ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Huwag mo namang isara 'yang isip mo, Zouie. Pakinggan mo lang 'yung side namin." sabi ni Vin pero umiling naman ako.

"Hindi ko pa kaya." sabi ko at umalis na dun.

Narinig ko pa na tinawag nila ang pangalan ko pero hindi ko na sila nilingon pa.

END OF FLASHBACK

Matapos kong umalis doon ay pumunta na lang ako ng cafeteria para kumain.

Napatingin naman ako kina Ysa at Kuya Kurt. Si Ysa ay busy-ing nag-aayos dahil plano na naman niyang mag-ala detective.

Matapos kasi ng insidenteng iyon... 'yung halloween party ay may nawala na naman and this time, hindi iisa kundi lima kaya plano na naman niyang puntahan iyon at kasama pa kami.

"Huwag na ata tayong tumuloy, Ysa." sabi ko at sumang-ayon naman sa akin si Kuya Kurt.

"Oo nga. Masyadong delikado. Baka this time ay bangkay na lang tayo." sabi niya kaya naman sinamaan niya kami ng tingin.

"Madaya kayo ah! Ikaw, porket sa tingin mo ay kapatid mo si Zouie ay pinapanigan mo na siya!" nakasimangot niyang sabi kaya naman natawa ako at tumabi sa kanya.

Sinabi kasi namin ang napagtanto namin ni Kuya Kurt at labis labis ang gulat niya nung mga sandaling iyon.

"Oo na, Ysa. Sasama na kami. Huwag ka ng sumimangot diyan." sabi ko kaya naman nagpout siya.

"Kayo kasi e."

"Totoo naman kasi e. Baka mapahamak tayo." sabi naman ni Kuya Kurt at inakbayan niya si Ysa.

"E sa gusto kong malaman ang totoong misteryo ng eskwelahang 'to e."

Niyakap ko naman siya sa baywang niya at pinatong ko ang baba ko sa balikat niya.

"Oo na. Sasamahan ka na namin at sabay sabay tayong tutuklasin ang misteryo ng eskwelahang 'to." sabi ko at bigla naman siyang tumayo kaya muntik pa akong masubsob.

Buti na lang at nasalo agad ako ni Kuya Kurt.

Nang mapagtanto naming maaaring magkapatid kami ay mas lalong naging sweet at caring si Kuya Kurt.

Masaya rin ako dahil dun kasi kailanman ay hindi ko ito naranasan sa mga itinuring kong kapatid.

"Kung ganun ay tara na! Magmadali na tayo!" masiglang sabi ni Ysa kaya naman napailing na lang kami.

Nagulat naman ako ng biglang hawakan ni Kuya Kurt ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Don't worry, I will protect the both of you. I'm always here." sabi niya kaya naman ngumiti ako.

I just mouthed him 'thank you and i love you.'

Ngumiti naman siya sa akin.

'I love you too, my little sister.' he mouthed back.

Agad kaming lumabas at tinahak ang gubat patungo sa building na iyon.

"Kailangan nating malamam kung bakit may lumang building dito at kung para saan ito." sabi ni Ysa at pumasok na sa building.

Iniiwasan naming makagawa ng ingay dahil baka mahuli kami.

Lumingon naman sa amin si Ysa at bumulong.

"Kailangan nating umakyat at tingnan kung ano ang nasa taas. Okay?" sabi niya at tumango naman kami.

Nauna namang umakyat si Kuya Kurt at nasa pinakalikod ako.

Inayos din namin ang mga suot naming hoodie jacket para naman hindi kami makilala agad.

Nang makaakyat kami ay nakakita kami ng isang kakaibang pinto at tsaka ito ang naiiba sa lahat kaya agad naming sinubukang pihitin ito.

Hindi pa man namin tuluyang napipihit 'to ng biglang may sumigaw sa likod namin.

"Anong ginagawa niyo dito?!" sigaw nila kaya agad kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses at nanlaki ang mata namin ng makita naming may sampung kalalakihan ang nakatingin sa amin.

Nagkatinginan naman kami sabay sabing...

"TAKBO!" sigaw namin at agad kaming kumaripas ng takbo.

Nasa kalagitnaan kami ng pagtakbo ng biglang matisod si Ysa kaya inalalayan namin siyang tumayo pero mukhang nasprain pa ata siya.

Kung minamalas ka nga naman.

Napatingin naman ako sa mga humahabol sa amin ay malapit na sila.

"Kuya Kurt, mauna na kayo ni Ysa. Ako ng bahalang magliligaw sa kanila." sabi ko pero agad siyang umiling.

"Hindi! Sabay sabay tayong aalis dito!" sigaw niya kaya naman napabuntong hininga ako.

"Sige na Kuya Kurt. Sa ating dalawa ay mas kaya mong buhatin si Ysa. Kung sama sama tayo ay baka lahat tayo mahuli. Susunod ako pangako." sabi ko at tututol pa sana siya pero agad ko siyang pinandilatan ng mata.

Bumuntong hininga naman siya bilang pagsuko.

"Basta sumunod ka ha! Mag-iingat ka!" sabi niya at tumango naman ako.

Nang makita kong lumalayo na sila ay saka ko binalingan ng tingin ang mga humahabol sa amin.

Agad naman na akong tumakbo pero kung minamalas ka nga naman.

Pagkaharap ko sa kabilang side ay agad akong nahuli ng isa sa kanila.

"Akala mo matatakasan mo kami ha!" sabi niya at sinubukan kong manlaban pero bago ko pa magawa iyon ay may pinaamoy siya sa akin na naging dahilan para mawalan ako ng malay.

Bago ako mawalan ng malay ay napatingin ako sa pinaglabasan nila.

Sana ligtas silang dalawa.

To be continued...

Hades Academy ( Completed )Where stories live. Discover now