30

1.2K 33 22
                                    

AVERY JUNE

Hindi rin kami nakauwi agad dahil dinumog nanaman ang bahay namin ng mga reporters. Mga chismosa amp. Dito na lang sana kami kala Heart muna matutulog kaso hindi nagpatalo si Wyatt, sa kanya daw kami. Gustong gusto naman ng anak ko kaya wala ako choice.


Hindi ako marupok, wala lang talaga ako choice.



Akala ko sa condo niya kami tutuloy, pero sa isang bahay pala sa may QC. Hindi ko alam na bahay na siya.


"Big house mo Tito!" Sabi ni Khloe habang tinitignan ang buong bahay ni Wyatt.



"Meow" Natigilan ako ng marinig 'yon.


"Mommy! Mommy! Cat like Moy!" Excited na sabi ni Khloe pero ako hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Para akong nanlamig. Bigla ako nanginginig.


Naramdaman ko ang pag dikit nung pusa sa may paa ko kaya lalo akong hindi nakagalaw sa pwesto ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Naninikip dibdib ko. Hindi ako makahinga, para akong hihimatayin.


"Shit, Avery are you okay? What's wrong?" Tanong sa'kin ni Wyatt at nilapitan ako at hinawakan sa bewang.


"I-layo mo sa-kin ya-n. Ba-ka ma-matay" Nanghihina kong sabi sa kanya. Hindi ako maka tingin. Hindi ako makagalaw. Nararamdaman ko ng tumutulo ang mga luha ko.


Niyakap niya ako " Shhh. I'm here" He softly said.


"Mommy you okay po?" Inosenteng tanong ng anak ko. Napapikit ako. Hindi ko kaya tignan ang anak ko, hindi niya dapat ako makitang nagkakaganito.


"Manang, pakisamahan po muna si Khloe" Rinig kong sabi ni Wyatt.


Agad ko naman naramdaman ang pag buhat sa'kin ni Wyatt. Hindi ko pa rin minumulat ang mga mata ko. Nakapikit ko lang ako habang naka suksok ang muka ko dibdib niya.


Inihiga niya ako, pero nayakap pa rin ako sa kanya. Hindi ako makabitaw, dahil sa pang hihina ko . Para bang kumakapit ako kay Wyatt para sa lakas.


Bumalik nanaman ang lahat ng nangyari dati. Ang pag kakaro'n ng sakit ni Moy. Ang pang hihina ni Moy na halos hindi na siya maka lakad at maka kain. Yung panahon na nawala siya pero wala ako do'n. Wala ako sa tabi niya kung kelan kailangan niya ako.


Nung nawala si Moy, nakaramdam ako ng matinding kalungkutan. He was there for me since I was a kid. Sabay kaming lumaki. Nung nawala siya, para rin akong nawalan ng kasama sa buhay. Nawalan ako ng karamay, ng kakampi.


Sobrang guilty ako sa nangyari, dinala ko 'yon hanggang sa umalis ako. Sana may nagawa ako. Sana napansin ko na ang symptoms. Sana ando'n ako nung mga panahon na nahihirapan siya. Kasalanan ko, kasalanan ko ang lahat.


"Iiyak mo lang lahat. I'm here, Avery" He softly said habang hinahaplos ang buhok ko. Naka suksok parin ang muka ko sa kanya habang umiiyak.


"Ka-salanan ko, hi-ndi ko si-ya sina-mahan. Wa-la ako sa ta-bi niya. Ang sama sa-ma ko Ya-t" Pag iyak ko sa kanya.


Bumitaw siya sa yakap at hinarap niya ako sa kanya habang hawak niya ang magkabilang pisnge ko.


"Listen, Avery. Hindi mo kasalanan 'yon okay? " Pinunasan niya ang mga luha ko. "Alam 'yon ni Moy. Alam niyang mahal na mahal mo siya, kaya wag mo ng sisihin ang sarili mo. Ka-hit wala ka sa tabi niya 'non, alam niyang mahal mo siya. He knows you love him since you were kids."


Lalo akong napahagulgol ng sabihin niya 'yon. Naalala ko nanaman yung mga pinagdaan namin nung bata pa ako. Pag binu-bully ako no'n sa school dahil wala ako Daddy, sa kanya lang ako nag susumbong at umiiyak. Ayoko kasi mag alala sa'kin si Mommy.


Reckless Heart (Heart Series #2)Where stories live. Discover now