11

595 20 36
                                    

AVERY JUNE

Pagka tapos ng gabing 'yon hindi na namin pinag usapan ni Wyatt ang tungkol don. Para bang isang panaginip lang ang nangyari. Sila lang ni Cass ang nakakaalam. 


Para kalimutan yung nangyari, nilunod ko na lang ang sarili ko sa mga bumble date. Like ngayon meron ako date before umattend nung Anniv party ng parents nila Xi. 


Busy ako sa pag makeup ng bigla kong narinig na may nag doorbell. 


"Mommy!! May tao!" Sigaw ko. 


Pero mukang di parin tintignan ni Mommy 'yon kasi tunog parin ng tunog yung doorbell! No choice ako bumaba ako kahit hindi pa tapos ang makeup ko. 


"Sino ba-" Nagulat ako ng makita ko kung sino yung nasa pinto. 


"Tito Martin!" I exclaimed. 


"Pasensya sa istorbo, Avery mukang may ginagawa ka pa naman" He said. Napatingin naman ako sa hawak niya " Ah eto, naabutan ko kasi yung nag delivery sa'yo ata yan" Agad ko naman inabot at tinignan kung ano 'to. 


"Ah! PR box! Buti na lang Tito nakita mo 'to. Salamat po! " I said while smiling. Nag simula na kasi lumago yung followers ko sa tiktok kaya nag start na rin mag reach out sa'kin yung mga brands. 


Napatingin naman ako sa kasamang lalaki ni Tito. Kung titignan halos same age kami or mas bata lang siya ng slight. Mukang familiar nga siya eh. 


"Sino ka?" Tanong ko sakanya. 


"Hindi ako sinuka,inire ako" Napairap ako dahil sa sinabi niya. Attitude amp. 


"Ay, Avery si Chino nga pala" Pakilala ni Tito. " Anak siya ni Tita Kassandra at Tito Gab mo" Umirap naman yung Chino. Attitude talaga!


"Martin?" Napatingin kami lahat ng magsalita si Mommy habang karga karga niya yung bunsong anak niya. 


"Mommy! Andito sila Tito Martin! Kasama yang Chino na yan." Tumingin naman ako kay Tito " Mag aayos po muna ako ah, may party po kasi." Paalam ko at bumalik na sa kwarto ko. 


I wore a satin midi dress na may slit. Hindi na'ko nag kulot, naka straight lang yung mahaba kong buhok. Nag red lipsticks na rin ako para pack na pack ang istura na'tin. Wala na nga jowa eh. Ito na rin ang susuotin ko sa bumble date ko. Tinatamad ako mag palit.


Atsaka ang paalam ko kay Mommy, maaga ang party nila Tita. Syempre hindi ko sasabihin na may date ako! Sapakin pa ako nito.  Buti na lang hindi makaka-attend ng party si Mommy dahil may gagawin daw siya. 


Pag baba ko, andon sa sala sila  Tito Martin kasama yung attitude na Chino na 'yon. 


"Mommy, una na po ako. Pahingi ako ng pang Grab. Kung hinahayaan mo na'ko mag drive, di na sana ako nag cocommute pa" Sabi ko at umiling iling pa. I can drive. May lisensya din ako! Kaso ayaw talaga ni Mommy na mag drive ako, kasi barumbado daw ako. 

Reckless Heart (Heart Series #2)Where stories live. Discover now