28

912 31 28
                                    

AVERY JUNE

Hinayaan ko na lang kung ano gustong isipin ni Wyatt tungkol sa'min ni Link. Wala akong gana sabihin sa kanya ang lahat. Atsaka I don't owe him any explanations, kung tutuusin siya ang maraming dapat ipaliwanag, pero hayaan na lang. 


Nag apply na rin ako online, gusto ko muna subukan sa iba, pag pumasok ako kala Jaxon gano'n din, dumipende nanaman ako. Pero kailangan ko na rin dalian kasi gusto na mag aral ng anak ko at baka maubos na ang ipon ko.  Ayoko naman na umasa lang kala Mommy. Ako ang nag desiyson na maging anak si Khloe kaya ako ang may responsibilidad sa kanya. 


"No! No! Stay! Play!" Rinig kong sigaw ng anak ko pag baba ko ng kwarto. Nakita ko silang nag lalaro ni Chino ng leggos sa living room. 


"Oh ano nangyayari sa mag titong attitude?" Tanong ko. 


"Eh Ate papasok na'ko kaso itong anak mong napaka cute ayaw ako paalisin!" Parang bata niyang sumbong. 


"Eh? Asan sila Mommy?" Tanong ko sa kanya at hinanap sa bahay sila Mommy. 


"Wala, nag date sila, sana all 'no" Sagot niya. Agad napa kunot ang noo ko. 


"Ha?! Eh pano yan! Aalis ako! May dalawang interview ako!" Nagpapanic kong sigaw. Tinignan naman niya ako simula ulo hanggang paa. 


"Weh? Kala ko trip mo lang mag suot niyan!" Pang aasar niya pa. Sinamaan ko naman siya tingin. Bwiset!


"Eh pano nga si Khloe?! Bakit hindi sa'kin sinabi na may date sila?!" Nag papanic na'ko! Saan ko iiwan si Khloe?! 


Natigilan kami ng may biglang nag doorbell, bumuntong hininga ako at lumabas para tignan kung sino 'yon. 


"Wyatt? An-ong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko sa kanya habang binubuksan ang gate namin.


Napalunok ako ng makita ko ang outfit niya. Naka bukas ang mga dalawang butones ng polo niya tapos naka tuck in ito sa pants niya. Gwapong Engineer amp. 


"Dadalawin ko sana si Khloe"  Sagot niya. Napatingin naman ako sa mga hawak niyang paper bags. 


"Ah eh sige pasok ka" Sabi ko sa kanya. 


Pag pasok namin ng bahay , naabutan namin si Chino na palabas na at dala na niya ang bag.


"Ate! Alis na'ko! Male-late na talaga ako" Sabi niya sa'kin. 


"Eh?! Huy! Pano si Khloe?! Walang mag babantay sa kanya!" Sigaw ko pero hindi niya ako pinansin at dire-direstong umalis ng bahay. 


"Tito Yat!" Masayang tumakbo palapit si Khloe kay Wyatt at agad nagpa karga. 


"For me po yan?" Tanong ni Khloe don sa mga dalang paper bags ni Wyatt. 


"Yes baby" Malambing na sagot ni Wyatt kaya biglang kumalabog ang puso ko!

Reckless Heart (Heart Series #2)Where stories live. Discover now