1

1.2K 34 31
                                    

AVERY JUNE

"Avery June Ravenna!!!" Sigaw ni Mommy mula sa kwarto ko.

Paking shet!!!


Anong kasalanan ginawa ko?! Pag full name ang tawag ni Mommy  sakin malamang may nagawa nanaman ako!


"Ano 'to ha?!" Tanong niya habang may hawak siyang papel.


"Pa-pel?"


"Oo papel! Papel na may nakalagay na zero!!" Ay puke! Nakita ni Mommy  yon?!


"Hehe kulang daw ako sa itlog hehe" Pabiro kong sagot sakanya. Pero galit parin ang muka niya.


"Wag mo ko dinandaan sa biro Avery! Hindi ako nag babayad ng tuition mo para magka zero ka lang!" Napabuntong hininga naman ako. 


"S-orry na Mommy. Eh kasi late ako ni-yan. Kakatapos ko lang mag sulat ng pangalan ko, big-lang sabi ng prof ko pass your papers hehe" Pagkasabi ko non agad akong napayuko.


"Ano?! Yan! Kakapuyat mo yan!" Sigaw sakin ni Mommy. Ito naman si Mommy ang aga aga may pabaon na sermon. 


"Last na yan promise! Grabe naman kasi Mom ang siksikan sa LRT! Kaya ako na lelate!" Pag dadahilan ko. 


"Nako! Ipangako mo talagang last na 'to! Kundi ako mismo ang pupunta sa prof mo at sabihing ibagsak ka!" Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa sinabi niya. Si Mommy talaga puro kalokohan. 


"Hehe sige na Mommy bye!" Paalam ko sakanya. Kiniss ko siya sa cheeks at lumabas na ng bahay. 


Napa buntong hininga naman ako ng maalala na mag cocomute ako. Ito na siguro ang pinka mahirap gawin. Makikipag agawan ka sa FX. Makikipag siksikan sa LRT. Ayaw naman kasi sakin ipagamit ni Mommy yung sasakyan namin. Walang tiwala sakin amp. 


Sakto pag pasok ko ng classroom, kakadating lang ng prof ko. Wew. Muntikan nanaman ako ma late. As usual sa lido ako mag isa naka upo. Sanay naman nako mag isa. 


Friendly naman talaga ako, kaso itong mga ka batch ko? Ewan, hindi ko sila makasundo. Okay naman ako sa iba, casual lang ganon pero hindi yung tipo na pag sasabihan ko sila ng mga secrets ko. Mas ka close ko pa nga ang higher batch namin at iba pang mga course. 


"Ms. Ravenna" Napahawak ako sa dibdib ko ng tawagin ng prof ang name ko. Kabado gaming!


"Yes po?" Tanong ko at tumayo. Ano nga ba ang dinidiscuss niya? Huhu.


"Give me one criteria for PTSD according to DSM 5" Potek na DSM 5 yan!! Hinga Avery hinga! 


Bumuntong hininga ako " Expo-sure to actual or threatened death or serious injury or se-xual violence?" Shemay napa English ako don ah!


"Are you asking me?" Luh sunget yan? Char. 


Reckless Heart (Heart Series #2)Where stories live. Discover now