25

921 23 26
                                    

AVERY JUNE

Growing up, never ko naisip na sobra akong masasktan. Akala ko ang pinaka masakit na pwede kong maranasan eh yung pag sisisi ko kay Adriel. 


Ako yung klase na tao na hindi ganun kadali masaktan sa sinasabi ng mga tao sa'kin. Lagi ako naka ngiti, lagi ako nag bibiro. Happy go luck girl ika nga. 


Pero kahit gaano ka pa kasaya, gaano ka pa ka walang pake, ma sasaktan at ma sasaktan ka. Ganun naman ata talaga sa buhay, hindi palagi masaya, hindi palagi nakatawa. You will still get hurt, kasi nag mamahal ka. Kasi ganun ang buhay. 


It's been five years simula nung umalis ako sa lugar kung saan ko naranasan masaktan, mawalan at madurog.


Naging isang HR specialist dito sa Dubai, tinaggap ko yung job offer sa'kin ni Tita Lilian. Siya ang naging kasama ko dito sa lahat ng pinagdaan ko sa nakalipas na taon. 


"Mommy!! Coco melon!! Watch!!" Sigaw ni Khloe habang hawak hawak niya ang iPad niya.


"What will Khloe say first? " 


"Puhleasee!" Pag papa cute niya sa'kin kaya agad ako napangiti. 


Binuksan ko na ang iPad niya at binigay sa kanya, tuwang tuwa naman siya kaya humiga siya kama ko at doon nanood ng coco melon niya. 


Si Khloe ang naging pahinga ko sa nag daang panahon. She gave me another reason to live my life. Siya ang dahilan kung bakit nag sisikap ako para sa future. 


"Avery, na impake mo na ba lahat ng gamit niyo?" Tanong sa'kin ni Tita Lilian na kakagaling lang ng trabaho. 


"Opo, Tita yung iba na lang na pambahay ang hindi pa at yung gagamitin namin sa airport" Sagot ko sa kanya.


"Yung mga hindi naman importante iwan mo na, ipapa box ko na lang sa inyo, para wala kayo masyadong dala" Sabi ni Tita. Tinanguan ko lang siya at tinuloy ko ang pag lagay ng mga gamit namin sa box. 


"Khloe May!!" Napatingin kami ni Tita sa taong pumasok sa apartment namin. 


"Anong ginagawa mo dito?" Taas kilay kong tanong sa kanya. 


Humawak siya sa dibdib niya na para bang nasaktan sa sinabi ko "Aray ha! Attitude ka talaga! Ikaw na nga binisita eh!" Napairap na lang ako sa sinabi ni Link. 


"Dada!" Sigaw ni Khloe palabas ng kwarto namin habang dala dala ang iPad niya. Agad siyang lumapit kay Link at nagpakarga. 


"Dada! Toys yan?" Tanong ng anak ko sa dalang paper bag ni Link.


"Yes baby! Toys mo yan! Buy ni Dada sa 'yo!" Agad naman nag pababa ang anak ko kay Link para tignan yung mga pasalubong. 


"Ini i-spoiled mo naman ang anak ko eh!" Inis na sabi ko sa kanya. 


"Bakit inggit ka?" Napairap na lang ako at lumapit sa kanila. 

Reckless Heart (Heart Series #2)Where stories live. Discover now