6

592 20 45
                                    

AVERY JUNE

Ngayon yung first day namin sa training, mas mauuna ang class dismissal ko sa mga kaibigan ko kaya susunod na lang sila sa venue. May ilan ilan sa ka block ko na kasali. Pag nasa training naman kami casual lang ganon, parang di nila ako hate sa class.


Pag dating namin sa venue, wala pa si coach, kaya nag palit na kami ng pang training. Leggings and crop shirt ang pinalit ko, para comfy muna baka mamaya kung ano pagawin samin ni kalbo eh. 


"Wala parin si coach?" Tanong ni Thea. 


"As usual late yon! Baka di maaga natapos class niya" Emman said. Halos babae kami dito sa troupe. Bilang lang talaga ang lalaki na kasali. 


"Ry! Lead mo muna stretching" Sabi ni Thea. I just nodded at sinimulan na ang stretching. Sanay naman ako since first year, ako na ang pinapa lead nila sa stretching. 


Sakto pag tapos ng stretching dumating na si coach, nag palit muna siya ng damit kaya inayos na namin ang mga sarili namin. 


"Coach candy?" Tanong ko sakanya ng matapos na siya mag palit. Inirapan naman niya ako at may nilabas sa bulsa at nilapag yon sa may bench agad naman kami lumapit ni Thea para kumuha. 


"Before we start, may announcement ako sainyo" Coach said habang ako busy kainin yung monami candy. Fave ko talaga 'to! Di na ko magugulat kung mapuputulan ako ng paa someday.


"Avery will be the new Captain for the next 2 seasons" 


"Eh?!" Napasigaw ako ng marinig yon. 


"Si Thea naman ang magiging co-captain" Tinignan ko si Thea na nakangiti habang nag a-announce si coach. 


"Eh?!" Wala akong masabi kundi yun lang! Naubos na ata ang reaksyon ko!


"Wala naman siguro tutol diba, okay let-" 


"Ako! I object!" Agad kong sigaw. Ano bang trip nito ni Coach?!


"Avery tumigil ka, napag usapan na natin 'to" Coach said. 


"Coach ayoko ngaaa!" Reklamo ko sakanya. Alin ba don ang di maintindihan ni coach?!


"Bakit ba ayaw mo? Wag ka makulit susumbong kita sa Nanay mo! Basta ikaw na ang team captain" Nag iinit ang ulo ko! Nag iinit! Sana lang may buhok 'tong si Coach!


"Coaaaach! Bakit ako? Bakit! Andami pa naman mga 4th year ah!" Andiyan pa nga si Thea eh! Bakit hindi na lang siya ang Captain at ako ang Co-captain?


"Basta manahimik ka, sayo ako may tiwala" Sure ba siya diyan? Napatingin naman siya sa likod ko pag tingin ko andito na mga kaibigan ko, pero wala ako pake dahil badtrip ako. 


"Oh andito na pala ang mga best supporters ko eh!" Napairap na lang ako sa sinabi ni Coach. Lagi kasi nanonood mga kaibigan ko ng practice since 1st year kaya ka close na talaga nila si Coach. 

Reckless Heart (Heart Series #2)Where stories live. Discover now