29

955 28 37
                                    

AVERY JUNE

Hanggang ngayon wala pa rin akong nahahanap na trabaho. Pero hindi naman ako tumigil mag hanap. Hindi pala talaga biro ang mag hanap ng trabaho dito sa Pinas, pa'no pa kaya yung mga walang tinapos?


Kahit hindi pa ako nakakahanap ng work, pinasok ko na rin si Khloe sa daycare nila Heart. May ipon pa naman kasi ako. Kahit malayo sa'min okay lang, atleast kampante ako na magiging okay si Khloe do'n. 


Nung first day nga niya imbes na siya ang umiyak dahil papasok siya, ako pa ang umiyak! Halos hindi ko na mabitawan si Khloe no'n. Buti na lang ando'n si Heart para tulungan ako. 


Pinilit ko na rin ang mag drive ulit dito sa Pinas. Mas less hassle talaga pag may sasakyan ka, hirap pa naman ng commute dito. Palagi ko rin kasi hatid-sundo si Khloe. 


Kanina pa ako nakahawak sa tenga ko habang nag hihintay sa interview ko. Hindi ako kinkabahan sa interview, kinakabahan ako dahil malapit na mag uwian sila Khloe ko, pero andito parin ako! 


Bigla akong may na isip na idea kaya kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Link.


[Ano? User ka nanaman diyan] Agad na bungad niya sa'kin. 


"Grabe ka naman! Gusto ko lang naman sabihin na hindi pa ako tapos sa interview ko tapos walang mag susundo kay Khloe" Pa cute kong sagot. Narinig ko naman ang pag buntong hininga niya. 


[Oo na sige na, ako na bahala don kay kulet." He said then ended the call. Alam ko naman pag si Khloe hindi niya matitiis. 


Nawala na ang kaba ko dahil alam kong may mag susunod na sa anak ko. Naging maayos naman ang interview. Pero as usual tatawagan na lang daw ako. Hindi ko ma gets kung bakit kailangan pa nila sabihin 'yon. Ako naman nung nasa Dubai, pag di naka pasa yung na interview ko agad agad kong sinasabi. Wag tayo paasa uy!


Pag dating ng bahay nakita kong pa hikab hikab si Link habang nakaupo sa sofa namin. 


"Ano ginagawa mo dito?" Bungad kong sabi sa kanya. 


"Alam mo, ang user mo talaga! Ang bad mo!" Reklamo niya sa'kin. Inirapan ko na lang siya. 


"Eh kasi po halatang antok ka na, kaya nagtataka ako kung bakit andito ka pa.Ba't di ka umuwi sa inyo at matulog" Sabi ko sa kanya. 


"Ikaw na nga hinintay diyan eh!" Naka nguso niyang sagot. 


"Crush mo nanaman ako? Sus, it's just me, Link" Mayabang kong sabi sa kanya. 


Tinignan naman niya ako na parang nandidiri siya. Wow ha! Parang hindi ako sinulatan ng kanta!


"Hinintay kita para tanungin kung may pera ka pa" Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. 


"Eh? Bakit bibigyan mo ko?" 


Nagkibit balikat siya " Kung kailangan mo bakit hindi. Tinanong kasi ako ni Wyatt kung bakit hindi kita binibigyan ng pang tuition ni Khloe. Tangina bakit parang galit 'yon?" Lalong napakunot ang noo ko sa sinabi niya. 

Reckless Heart (Heart Series #2)Where stories live. Discover now