"Avery, anak?" Napalingon ako sa nag salita. Si Tito Martin. 


Nalaman ko rin na sila ni Mommy dati, at siya ang tumayong Daddy ko habang nasa Ilocos pa kami. Iniwan din siya ni Mommy kasi sila naman talaga nila Tita Kassandra ang mag kakaibigan. Feeling ni Mommy pinagka isahan siya. 


"Nasa loob po si Mommy" Tipid kong sagot at binalik ang tingin kay Moy.


"Andito ako para sana makausap ka" He said. Hindi ako kumibo. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang sabihin ko. 


"Mahal na mahal ka ng Mommy mo anak, andon ako simula nung alagaan ka niya na parang tunay na anak niya "He sighed. "Binigyan mo pa ng liwanag ang relasyon namin ng Mommy mo non. Mahal na mahal kita anak, kaya masakit sa'kin na hindi ko nasilayaan ang pag laki mo" I scoffed. 


"Kung mahal mo kami ni Mommy bakit mo kinampihan ang mga kaibigan mo? Bakit kailangan mong saktan si Mommy?" Inis na sabi ko sa kanya. 


Napayuko siya "Nagkamali ako anak, nagkamali ang Daddy. Pero babawi ako sainyo ni Mommy mo. Hindi ko hahayaan na magka hiwalay kayo" Hindi ko siya sinagot,instead kinuha ko na lang si Moy at pumasok sa bahay. 


Nakakapagod, nakakaubos. Para akong tinorture tuwing uma-attend ng trials. Minsan iniisip ko asan ba ang isip ng mga tunay kong magulang? Ang lakas nila kasuhan si Mommy ng kidnapping at makipag laban ng custody ko kung legally adopted ako? 


Purket may pera sila, gagawin nila lahat. Isa 'yon sa kinaiinisan ko. May pera sila, mayaman sila kahit dati pa. Pero pinamigay nila ako, pinamigay nila ako kasi may choice sila. Yung iba pinamimigay kasi hindi kaya buhayin, pero sila? Naduwag sila. 


"A-te" Tawag sa'kin ni Chino ng makalabas kami sa korte. 


Huminga ako ng malalim "Kaya ko maging Ate mo Chino, pero hindi ko kaya sumama sa magulang mo" Matigas kong sabi. 


"An-ak wag naman ganun, kami ang tunay mong magulang" I scoffed in disbelief. 


"Talaga? Eh bakit niyo ko pinamigay? Bakit niyo ko kukunin sa taong walang ibang ginawa kundi mahalin ako, tanggapin ako ng walang alinlangan, naging matapang na alagaan ako na hinding hindi niyo kayang gawin?" 


"Sabi niyo mahal niyo ko?! Pero ano 'to?! Bakit niyo ko kailangan pahirapan ng ganito?! Pagod na pagod na'ko!" Sigaw ko. Hinawakan namin ni Daddy Martin ang braso ko. 


"Tama na Anak tara na" He said. Hindi na'ko nag salita at umalis na 


Naging totoo si Daddy sa sinabi niya, tinulungan niya kami ni Mommy. Hindi niya kami pinabayaan. At paunti unti natatanggap ko na siya. 


Napakunot ang noo ko ng makita ko ang isang pamilyar na sasakyan sa harapan ng bahay namin, bumaba ako ng sasakyan at binuksan ang gate para makapasok ang sasakyan ni Daddy sa bahay. Isasara ko na sana ang gate namin ng tawagin niya ako. 


"Av-ery" Napairap ako. 


"Umalis ka, wala dito si Heart" Sabi ko sa kanya. Alam ko kasi tinutulungan niya si Jaxon mag hanap. 


"Hindi yun ang pinunta ko" 


"Eh ano?" Mataray kong sabi sa kanya. 


"Ca-n we talk?" Mahinahong sabi niya. 


"At ano naman ang pag uusapan na'tin? Susumbatan mo ko? Sisihin mo ba ako ulit?" Umiling uling siya. 


"Please le-" Lalapit na sana siya pero agad ko siyang pinigilan. 


"Diyan ka lang! Wag ka lalapit!" Sigaw ko sa kanya. 


"A-very" 


"Hindi na kita kailangan... Kaya ko na ang sarili ko! Ayoko na sayo.. Hindi ko na kailangan ng isa pang duwag sa buhay ko" I said then left him. 

Reckless Heart (Heart Series #2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ