Chapter Fourteen

Začít od začátku
                                    

"Eto talaga nagagawa ng pares 3 times a week." Sabi ko. "Ginawa n'yo ng maintenance eh."

Napahimas siya sa sentido niya habang nakayuko. "Pero alam mo kasi, Tyrone? Ibang iba 'yung nararamdaman ko kay Marie kung ikukumpara mo sa naramdaman ko kay Gab."

"Hm?"

"Nuong niligawan ko si Gab noon, excitement ang naramdaman ko. Ang iniisip ko kasi nuon, parati akong makakakuha ng ganoong energy sa buhay ko kaya niligawan ko siya. Pero 'yung nararadaman ko para kay Marie, kakaiba. Napakagaan ng pakiramdam ko pag kasama ko siya, comfort zone kumabaga. Nakakaramdam din ako ng excitement pag nakikita ko siya, pero hindi excitement lang, may halong... 'di ko mapaliwanag. Basta ang alam ko, basta kasama ko siya, alam kong magagawan ko ng paraan lahat ng problema. She always got my back kaya mas lalo akong ginaganahan sa lahat." Sabi niya.

"Lakas ng tama mo, pre." Sabi ko. Malala na si Kenji. 

"At pag ngingiti na siya sa'kin, ewan ko. Tumitigil na mundo ko."

Bumuntong hininga ako. Eto na nga ba sinasabi ko.

"Kenji, 'di ako against o kahit ano sa nararamdaman mo, pero gusto kong alalahanin mo lahat ng responsibilidad mo ngayon. At saka sinabi mo sa akin na 'di ka maggigirlfriend hanggat 'di ka nakakagraduate."

"Oo, isa pa nga ang mga 'yon."

"At si Gaby."

"'Wag mo na siyang ipaalala, please."

"Kung ako sayo, dahan-dahanin mo lang. 'Wag mong biglain nararamdam mo kay Marie. Alam kong kakaiba siya, aminado nga ako do'n eh, pero dahan-dahanin mo muna, Kenji. Isa-isa lang. Maraming nakapila na dapat mong asikasuhin, katulad ng laban ng team bukas."

Natigilan siya ng ilang segundo at matapos noon ay sa wakas at kinuha na niya yung tubig na binili ko at ininom niya. "Oo, tama ka." 

"Nahimasmasan ka na?" Tanong ko.

Bumuntong hininga ito. "Oo, dadahan-dahanin ko muna nga. Pero sana... kapag pwede na, pwede pa."

Malungkot ako para kay Kenji sa totoo lang. Sa sobrang daming responsibilidad na inako niya, ni hindi niya magawang ligawan 'yung babaeng gusto niya. Pero nandito na eh. Pero sana nga, pag pwede na siya, pwede pa si Marie. Hindi ako magsisinungaling, bagay nga sila.

"Salamat, Ty."

"Kita kits na lang bukas, coach."

----

[Kenji]

Humiga ako sa kama ko at saka nagmuni-muni.

Tama. Tama lahat ng sinabi ni Tyrone. Hindi ito ang tamang oras para isabay ko ito sa lahat ng responsibilidad na meron ako ngayon. Kailangan magfocus ako laro namin bukas.

Pero... si Marie.

Hindi ko alam kung mararamdaman ko pa ba sa iba yung nararamdaman ko sa kaniya, pero siya lang ang gusto ko. Sa totoo lang, natatakot ako at naeexcite din sa nararamdaman kong ito kasi... ewan ko ba. 'Di ko mapaliwanag, pero si Marie lang nakapagparamdam sakin nito. Gusto ko siya, gustong gusto. Siya lang ang may kayang magpagaan ng loob ko at magparamdam sakin ng ganito. Ayaw kong pakawalan ang nararamdaman kong 'to, pero kailangan ko munang isang tabi sa ngayon.  

Sana kapag puwede na, puwede pa.

Kinuha ko ang phone ko at tingnan yung pictures naming team sa gallery. Zinoom ko yung screen sa nakatawang Marie at saka ko hinalikan ang phone ko.

The Playing Coach's Manager (Redo)Kde žijí příběhy. Začni objevovat