" Putik walang hiya ka talaga rain, talagang gusto mo akong patayin?
*" Mabilis tumakbo pababa ng first floor si Scarleth para tuloyan ng makalabas ng bahay. Oo ngat naka labas siya pero naabutan parin siya sa pagsabog. Di naman gaano kalaki ang sugat niya pero nawalan parin siya ng malay.
" Dalawang oras ang nakalipas nagising si Scarleth dahil sa ingay, ingay ng sasakyan ng bumbero, ambulansya at mga pulis. Pero bago pa siya nagising nakita na siya ng mga pulisya at nasakay na siya sa ambulansya.
" Anong nangyari?? Tayka lang ang asawa ko!
" Ma'am wag po kayong bumangon ginamot pa namin ang sugat mo.
" Yong asawa ko nurse nasaan?
Wala po kaming alam ma'am, tatanungin mo nalang po ang mga pulis kapag magamot kana namin. Kailangan kang magamot agad ma'am maraming dugo ang nawala sayo dahil sa sugat mo.
" Ok lang ako, kaya ko naman eh wag niyo na akong gamutin gusto kong hanapin ang asawa ko.
Wag po kayong makulit ma'am para gumaling kayo agad,
" Sabing kaya ko nga eh, diba kayo nakakaintindi? Kaya ko nga ang sarili ko. Gusto ko lang hanapin ang asawa ko mali ba yon?
" Anong nangyari dito?
" Sir itong pasyente kasi ayaw niyang magpa gamot!
Bakit mo ba ako gagamutin? Wala lang naman yang sugat na yan.
" Scarleth huminahon ka, sige ako na ang bahala dito lumabas mo na kayo.
" Sige po sir
" Scarleth ano ka ba naman? Gagamutin kalang nila dika papatayin!
Gusto ko lang hanapin ang asawa ko sir larry sana di siya nakasali sa pagsabog.
Kinalulungkot ko Scarleth, wala na ang asawa mo.
" Ho? Paki ulit nga po? Si lucas? Ang asawa ko wala na? Pa.. paano nangyari yon?
Kasali siya sa pagsabog Scarleth at di nakita ang bangkay niya.
" Huh? Sigurado kaba? Si lucas? Nawawala ang asawa ko? Hindi, hindi totoo yan dimo alam ang totoo sir larry hindi si lucas yon. Buhay pa ang asawa ko alam mo yan sir larry. Sabihin mo sa akin buhay pa siya, sabihin mo ulit sa akin sir!
Wala na tayong magagawa Scarleth wala na talaga siya..
Hindi,,, huhuhu hindi totoo yan huhuhu tumahimik kana please hindi yan totoo.
Kaya mo yan, andito lang ako para tulongan ka! Tanggapin nalang natin ang totoo.
Hindi, hindi ko matatanggap dahil alam kong buhay pa siya at ligtas siya ngayon. Diko kailangan ang tulong mo umalis ka sa harap ko.
Huminahon ka Scarleth, wala na talaga siya.
Wala akong narinig wala akong pakialam sa mga sinasabi mo.
" Ilang araw na ang nakalipas, nag mumokmok lang si Scarleth dahil hanggang ngayon ay di pa nakita ang asawa niya. Pati na ang mga anak niya ay wala siyang alam halos mabaliw na si Scarleth sa paghahanap sa tatlong mahal niya sa buhay. " Hanggang nakauwi nalang si Thomas dahil sa balitang pati ang asawa niya ay nawawala.
Ma'am, kumain na po kayo!
Ayaw ko Thomas wala ng saysay pa ang buhay ko, wala na ang pamilya ko Thomas dahil sa kapabayaan ko. Sana ako nalang ang nawala Thomas Sana ako nalang.
Wag niyo pong sabihin yan ma'am, alam kong buhay pa sila lumaban po kayo ma'am kayo nalang ang pag asa nila. Kong mawawala pa kayo? Sino nalang ang mag hahanap sa kanila?
Diko na alam Thomas, gulong gulo na ang utak ko sa nangyari! Bakit pa kasi tatlo pa silang nawawala? Ano bang kasalanan namin? Bakit kami ginaganito? Huh sabihin mo sakin? Ano??
Wala po kayong kasalanan ma'am, pakatatag kayo ma'am kayo nalang ang natitira. Baka mapano kayo kong hindi po kayo kakain!
Sana may dahilan pa para mabuhay ako Thomas.! Pero alam naman natin na wala na silang tatlo iniwan na nila ako.
Ma'am wag kayong mag salita ng ganyan, ang Scarleth na kilala noon ay hindi sumosuko hindi pinaghinaan ng loob. Sa halip ikaw na ang gumawa ng paraan para mahanap mo ang anak mo noon pati ang asawa mo. Naalala mo dati? Nawala na sila sayo noon pero dika sumuko hinanap mo sila. At nag bunga nga ang pag hahanap mo ma'am dahil nakita at naging buo kayong pamilya. Lumaban kayo ma'am andito lang ako diko kayo pababayaan ma'am.
Sana nga tulad ng dati mahahanap ko sila Thomas.. salamat andito ka para samahan ako.
" Napahinto sila sa pag uusap dahil may nag doorbell sa labas ng bahay. Upang ipaalam kay Scarleth na hindi na siya ang nag mamay ari ng malaking bahay na yon. Pati ang kanilang kompanya at mga ari arian sa dahilang bininta daw ito ni lucas para pambayad ng utang. Nabigla siya sa laki ng utang at halos ubos lahat ang mga ari arian nila pati ang kompanya. Walang magawa si Scarleth kundi pumayag nalang dahil mah perma ni lucas sa bawat papelis.
Totoo ba to? Talagang ubos ang mga ari arian ng asawa ko Thomas?
Impossible naman po ata yan ma'am?
Thank you for reading 💙..
YOU ARE READING
WRONG MOVE part2 ( on-going)
General FictionP.S basahin mo na ang series#1 WAG MO AKONG MAHALIN para mas maintindihan ang series#2.. Maling galaw mo lang, habang buhay mo nang pag sisihan. Wag kang mag kamaling kalabanin ako, kong ayaw mong sa hukay ang bagsak mo..
chapter 19
Start from the beginning
