Title: WRONG MOVE part 2
Genre: action, romance
Author: Victoria M.
Chapter 5
Kong ganon ate, malaking sendikato ang napasukan ng asawa mo?
Oo kaya takot na takot ako kapag naisip niyang umalis at mag sumbong sa mga awturidad. Kahit sino namang asawa ganon din Ang mararamdaman mahirap man pero medyo na sanay narin ako.
Bakit ayaw niyong mag patulong sa mga taong kaya silang puksain?
Ginawa na yan ng asawa ko, sa katunayan naawa kami sa taong yon dahil sa pag hingi namin ng tulong sa kanya! Siya yong pinatay pero laking pasalamat namin sa taong yon dahil di niya sinabi na kami ang nag sumbong. Gusto na kasing kumowala ang asawa ko sa kanila dahil daw di na niya kaya ang trabahong pinapagawa sa kanila.
Anong nangyari sa taong tumulong sa inyo?
Namatay siya at sa mismong bahay niya pa, hindi niya alam sinundan pala siya at pagkarating nila sa mismong bahay niya. Doon na siya ginahasa at pinatay ng mga armadong kasamahan ng asawa ko. Ilang pulis na ang napatay nila dahil sa pangingialam at gustong malupig nila ang sendikato. Pero sa kasamaang palad lahat sila namamatay kaya hanggang ngayon andito parin sa puso ko ang takot.
Ate isang tanong nalang, sino ang taong hiningian niyo ng tulong? At Saan siya nakatira?
Taga sampalok po siya, at isang secret agent siya si agent melody, nakita kasi niya ako noon sinasaktan ng asawa ko kaya hindi siya nag dadalawang isip na tulongan ako. Ipakulong Sana niya ang asawa ko, pero di ako pumayag kaya simula non naipag tapat namin sa kanya ang lahat. Hindi namin siya pinipilit na tulongan kami dahil alam naming mahihirapan lang siya.
Paano nalaman ng mga sendikato tungkol Kay agent Melody?
Ganito po yon.
Flashback...
Ma'am, talaga bang gagawin mo ito? Baka po mapapahamak kayo? Malakas ang kalaban ma'am at ikaw lang mag isa.
Wag kayong mag aalala trabaho ko ito, at Kong may mangyari man sa akin ngayon? Yon ay karangalan kong tanggapin dahil namatay ako sa aking trabaho.
Wag po kayong mag salita ng ganyan ma'am, makakabalik po kayo dito Sana ma puksa niyo na ang mga sendikato na yan ma'am.
Wag kayong mag aalala, pero kong may mangyari man akin? Pwede ba akong makahingi ng pabor sa inyo?
Oo naman po, ano po yan ma'am?
Kapag mawala ako pwede bang hanapin mo Ang pangalan na nakalagay sa papel na yan. Gusto ko! siya ang tumapos sa nasimulan ko katulad ko din siya kaya wala kayong dapat alalahanin mabait at matinik na agent si agent 44 samantha. Yan Ang pangalan niya kayo na po Sana ang bahalang mag sabi sa kanya tungkol sa mga sendikato.
Sige po ma'am, masusunod pero Sana po makakabalik pa kayo na buhay.
Oo naman, Sige maiwan ko na kayo..
End of flashback..
Pagkatapos non ma'am nakalabas nga siya ng buhay Pero di namin inakalang may ibang tauhan palang nakasunod sa kanya. Oo may napakulong siya pero hindi lahat at lalong hindi yong leader nila, ilang araw Ang nakalipas nakabalita kaming namatay daw sa mismong bahay niya si agent melody. Dahil daw inatake ito sa sakit niya! Pero hindi kami naniniwala ma'am, dahil alam namin ang totoo.
Pwedeng malaman sino ang tinutokoy niya? Anong pangalan ang naka sulat sa papel na binigay niya sa inyo?
Agent 44 samantha daw po, kaya lang hindi pa namin siya nahanap.
Wag na kayong mag aalala, dahil ang dios na ang gumawa ng hakbang para Makita niyo ako. At siya na mismo ang gumawa ng paraan para mahanap ko ang lungga ng mga sendikato.
YOU ARE READING
WRONG MOVE part2 ( on-going)
General FictionP.S basahin mo na ang series#1 WAG MO AKONG MAHALIN para mas maintindihan ang series#2.. Maling galaw mo lang, habang buhay mo nang pag sisihan. Wag kang mag kamaling kalabanin ako, kong ayaw mong sa hukay ang bagsak mo..
