chapter 12

9 1 0
                                        


Title: WRONG MOVE part 2
Genre: action, romance
Author: Victoria M.

Chapter 12

SCARLETH POV..

Simula nong nawala si karding at sa mismong kamay ko pa binawian ng buhay. Dina ako masyadong makatulog habang naiisip yon, para bang may gusto siyang ipahiwatig sa akin. Ginawa ko naman ang pangako ko sa kanya, ang asawa niya nalagay ko na sa ligtas na lugar. Pero bakit? palagi nalang siyang pumapasok sa panaginip ko, lagi niyang sinasabi mag iingat ako dahil malapit lang ang kalaban ko. Sa totoo lang di naman ako natatakot kong sino man Siya? Kong ang sarili ko lang? Wala na akong takot pero ang pamilya ko ang problema ko. Mahal ko sila higit pa sa buhay ko kaya dapat mag handa ako ng maegi baka sakaling bigla lang susulong ang mga sendikato dito sa bahay. Pero kong' wala namang kahulogan ang panaginip na yon? Ano ang sadiya niya? Tayka lang titignan ko lang si lucas kong nakatulog na ba! Buti nalang at tulog na ito pwede na akong umalis upang umpisahan ko ng mag hahanap ng hustisya..

Bumalik na nga ba?ang dating matinik na agent? Tulad ng dati ay kikilos lang Siya sa gabi? Ang gabi ay liwanag sa kanya, ang liwanag naman ay parang gabi dahil magkaiba ang kilos at ang kanyang mga galaw sa umaga't gabi.?

Habang nasa sasakyan ako, naisipan kong makinig ng radio at yon nga ang ginawa ko. Nabalik ako sa aking pag iisip ng marinig ko ang balita "grupo naman mag nanakaw sumalakay sa Isang bangko". Talagang pera-pera ang puntirya nila? Simula palang wala na akong narinig kundi bangko! Kong ganon mas mayaman pa kayo sa mga negosyanteng tao ngayon??. Hinatayin niyo lang ako ng mapiktusan ko kayo isa-isa." Ilang sandali nakarating na ako sa pinangyarihan at may mga pulis sa labas ng bangko naka pwesto na ito pero wala parin silang nagawa para palabasin ang mga bihag ng mag nanakaw. "Anong nangyari dito? Tanong ko sa pulis na nilapitan ko.

Ma'am, Isang grupo naman ng sendikato ang sumalakay dito.

Sendikato? Ano na ang lagay sa loob?

Delikado ma'am may mga tao sa loob marami silang bihag.

Ano daw ang kailangan nila? Wala paba kayong gagawin?

Pasensya na ma'am mahirap ang kalaban di naman pwedeng basta-basta kami papasok alam naman natin pariho may mga baril at lumalaban sila sa tulad natin..

Yan lang ba pino problema mo? Libangin mo sila mag salita ka ng mag salita diyan papasok ako.

Po? Delikado ma'am baka mapano kayo?

Pwede ba? Wag ka masyadong nega, gawin mo nalang ang inuutos ko sayo.

Sige po ma'am,

Agad namang niyang ginawa ang inuutos ko kaya dahan-dahan akong nag hanap ng paraan para makapasok ng ligtas sa loob.

Jasper paano na to? Maraming mga pulis sa labas, baka dito tayo mamatay?

Pwede ba itigil mo yang bibig mo! Ang sabihin mo natatakot kalang. Kong may pulis, ano ang gagawin mo? May baril ka naman at alam mo kong paano gamitin.

Oo alam ko, pero wala man lang tayong kasama dito tayo lang dalawa. Kong nakinig lang tayo kay curt di sana wala tayo ngayon dito.

Ayan ka na naman tumitiklop na namang yang bayag mo. Lumaban ka kong kinakailangan ano kaba naman!!

Hoy kayong nasa loob! Sumoko na kayo napapalibutan na namin kayo wala na kayong takas pa. Kong gusto niyo pang mabuhay mas mabuti pang sumoko nalang kayo para dina kayo mahirapan pa.

Unggoy hindi yon mangyayari, mag kamatayan muna tayo bago kami susuko sa inyo.

Jasper ano kaba? Isipin mong may pamilya tayo kailangan nila tayo. Ayaw ko pang mamatay mahal ko pa ang buhay ko.

WRONG MOVE part2 ( on-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon