6. The Elimination

101K 4.1K 392
                                    

Lumakas nang lumakas ang hiyawan. "We have three lucky survivors from the straight path!" Isang malakas na audio ang narinig at sinundan yun ng napakalakas na hiyawan.

Ilang minuto pa nang maaninag namin kung saan kami napadpad pagkatapos naming malusutan ang lagusan. Ang safe base, isang malaking stadium na puno ng mga mamamayan ng Cairos. Karamihan sa mga ito ay kabilang sa upper class ng bansa. Kita sa pananamit ng mga ito ang karangyaan. Matitingkad ang kulay ng kasuotan at may mga palamuti sa katawan. Berde, asul, dilaw at marami pang kulay na ni minsan ay wala sa aming bahay.

Isang batas sa bansa ng Cairos na nagbabawal sa mga mahihirap na mamamayan nito ang magsuot ng matingkad na kulay. Kadalasan ay mga dull at earthly colors lamang ang pwedeng isuot ng mga ordinaryong mamamayan. Ang puti ay para sa mga miyembro ng council of magic at ang itim ay para sa mga kawal at hukbong pandigma. Ang kulay ube, ginto at pilak at pula ay para lamang sa pamilya ng reyna at hari. Mamahalin ang mga kulay na iyon at ang sino mang magtangkang magsuot ng itinakdang kulay ng pamahalaan ay pinapaslang.

Sa labimpitong taon kong namumuhay sa paanan ng bundok, dalawang rebelde pa lang ang nabalitaan kong pinugutan ng ulo dahil sa hindi pagsunod sa Code of Colors ng kapitolyo. Maswerte ang mga mararangyang mamamayan ng Cairos dahil sila lamang ang pwedeng magkapag-aral. Maswerte ako at dating profesor ng Unibersidad ng Holoma, unibersidad na itinayo ng maharlikang Holoma na para lamang sa mga maharlika, ang aking ama. Kahit papaano'y naturuan niya ako ng salitang banyaga at ng iba pang bagay na tinuturo sa mga maharlika.

Sa kalagitnaan ng aking pagmumuni-muni tungkol sa diskriminasyon sa Cairos, naputol ito nang biglang nawala ang nakakasilaw na liwanag sa aming paligid. Doon ko napagtanto na totoo ngang puno ng tao ang stadium. Ang kanina'y higit sa limampung nakalusot sa Gate of Ablution ay nangalahati na lang. Sugatan ang iba at halatang pagod na pagod sa nakaraang pagsusulit.

"Mula sa daan-daang potential gifts from our annual abduction, we have twenty eight survivors from the Garon Forest!" 

Sinundan iyon ng hiyawan at palakpakan. Isa iyong boses babae. Mula sa isang podium na malapit sa entablado kung saan nakaupo ang mga maharlika. Nasabi ko iyon dahil nakita ko ang hari at reyna. It felt weird discovering them staring at me.

"Keepers, nais kong sabihin sa inyo na hindi lahat ng nakaligtas sa Garon ay mapapabilang sa House of Three ng Cairos Academy of Magic."

Lahat kami nagulat sa huling anunsiyo. Napakapit ako sa braso ni Amber na noo'y halatang kinakabahan na din. Nagkaideya na kami kung ano ang mangyayari. I looked at Laurent and I saw in his eyes na natatakot siya. 

Kailan pa natakot ang napakalakas na si Laurent Hale? Sa unang pagkakataon ay napansin ko ang matiim na pagtitig nito saakin. Natatakot siya para saakin?

"Lara, there will be an elimination. Yun ang ibig sabihin ng announcer na hindi lahat at mapapabilang sa kahit alin sa House of Three. At dahil tayo ang galing sa straight path, we are most likely the favorite target." Babala saakin ni Amber. Napakapit na rin ito sa braso ko as she gestured to put me behind her. "Just stay behind me. Hindi ka pwedeng masaktan."
Then I felt the presence of Laurent behind my back. The two were covering me. I felt useless.

"I think alam niyo na my new keepers kung ano ang mangyayari. There will be an elimination and only fifteen keepers will be accepted to Cairos Academy of Magic. Use your powers to eliminate thirteen keepers. Once thirteen keepers are dead, the arena will automatically diffuse your powers to avoid further killing. We have a built in power diffuser na ginawa mismo ng ating mga special keepers from Cairos. Just eliminate thirteen to save your life. So goodluck! The elimination will start in two minutes!"

Mistulang pahayag ng kamatayan ang aking narinig. Nanginig ang aking tuhod at hinapo ako sa paghinga.

"Oh! Parang hindi ko kakayanin ang mga nangyayari! Amber, Laurent please let me go!" Hindi ko matanggap na ganito pala ang nangyayari sa mga kabataang dinadakip. Lalong hindi ko masikmura na may labingtatlong mamamatay kapalit ko na wala naman espesyal na kapangyarihan.

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon