6. The Elimination

Magsimula sa umpisa
                                    

"Lara! Just shut up!" Dinig kong sabi ni Laurent na hindi parin natitinag kahit na pinaliligiran na kami ng aming kapwa keepers. "We are the favorite target here. Shit!" Napamura sa aking likuran ang lalaki kasabay ng pagtanggal nito ng jacket na gaya niya kanina sa Garon. Nakita ko na naman ang nakakahipnotismo niyang tattoo sa kanang braso.
Hiyawan ang mga tao habang pinanonood kaming paarang mga manok na nagsasabong hanggang kamatayan.

Amber gestured ready as she brings her wand. Nagpalabas na naman ito ng mga bula na mabilis na nagkumpol at bumalot saakin. Narinig ko ang pag-oorasyon nito habang umaakyat pataas ng aking katawan ang foamy bubbles.

Elimination starts in...

Five.

Four.

Three.

Two.

One!

Parang isang ugong ng kamatayan ang tunog na iyo. Bago pa man matapos ang pagbibilang para sa elimination ay nabalot na ako ng isang bulang kumikinang na parang binalot ng bahaghari. Lumipat ito pataas ng arena at naiwan sa baba sina Laurent at Amber kasama pa ang ibang keepers. Kitang-kita ko mula sa itaas ang pagpapatayan ng mga ito. Lumipad si Amber sakay ang broom stick nito habang si Laurent nama'y matapang na dumidepensa sa mga umaatake sa kanya.

Amber threw three giant water balls sa mga keepers na nakapalibot kay Laurent. Kinulong ng tatlong higanteng bola na yun ang tatlo ring mga keepers. Nilunod ng mga bolang yun ang tatlo hanggang sa mawalan na ng malay ang mga ito. 

Hiyawan ang mga tao sa ipinamalas ni Amber. Samantalang si Laurent na pinalibutan ng higit sa sampung tao ay nagpakitang gilas din. A smokey energy was coming out from his tattoed arms. Animo'y may lumalabas na espiritu sa kanang braso nito. Nang akmang susugurin na siya ng mga nakapaligid sa kanya ay kumawala ang isang malaking halimaw sa kanyang braso na nasa anyong parang itim na usok. Inatake nito ang tatlo sa mga keepers. Nilamon ng halimaw na usok na yun ang tatlo. Nangilag ang ilan pero hindi parin tinigilan ng iba ang lalaki. Napaluhod si Laurent, parang naubusan ito ng lakas at enerhiya sa ginawang pagpapakawala sa halimaw na yun.

"Laurent!" sigaw ko at tinangkang butasin ang bula na ginawa ni Amber. "Laurent!" Sigaw ko uli nang mamataang susugurin na ito ng mga kalaban.

Amber quickly and swiftly flew towards where Laurent is at mabilis nitong nadampot ang lalaki saka isinakay sa kanyang mahiwagang walis. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang malayo na sa panganib si Laurent.

Sa paglutang-lutang ko sa ere ay umabot ang bulang bumabalot saakin sa kinalalagyan ng mga maharlika. Nakamasid saakin ang reyna at hari pati ang mga miyembro ng inakala kong council of magic dahil sa kanilang kasuotan. Nakakatakot ang titig ng reyna. Halatang hindi ito mabait dahil sa itsura niya. Umiwas ako ng tingin at pinilit ibahin ang direksyon tinatahak ng higanteng bubbles sa pamamagitan ng paggalaw ko palayo sa kinalalagyan ng hari at reyna.

Bago pa man ako tuluyang makalayo ay nagulat ako sa biglang paggalaw ng kamay ng reyna. Umiikot ikot ang kanang hintuturo nito at mabilis na lumabas ang mala-asul na kidlat sa kanyang hintuturo patungo sa higanteng bula na sinasakyan ko. Hindi iyon inabot ng isang segundo. Sapul ang bulang bumabalot saakin. Pumutok ito na parangs isang lobo at naramdaman ko ang pagbagsak ng aking katawan dalawampung talampakan ang taas. Alam ko na sa oras na iyon ay katapusan ko na. Babagsak ako sa lupa at pagpipiyestahan ng mga kasamahan kong keepers.

Mabuti na lang at mabilis na nakapagtapon ng isang higanteng foam ng tubig si Amber na nooy nasa kabilang dulo ng stadium kasama si Laurent. Ligtas akong bumagsak sa lupa ngunit hindi sa mga taong nag-aabang saakin sa baba. Bago pa ako tuluyang nakabangon ay pinalilibutan na ako ng mga keepers.

"Twelve eliminated. One more to complete the test!" Dinig kong anunsiyo ng audio. Ako na lang. Ako na lang ang kulang at matatapos na ang patayan.

Magkakasabay na naglabas ng energy ball ang mga nakapaligid saakin. Yung iba may mga energy sphere pang ginawa at lahat ng yun ay nakatutok saakin. "On three!" Pahayag ng isang boses lalaki.

One!

Two!

Three!

Nakita kong nagliparan ang mga nakapalibot saaking enerhiya bago ko isinara ang aking mga mata. Ilang segundo ang aking binilang pero wala akong naramdamang apoy o sibat saaking katawan. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata. Wala nang mga energy ball o sphere sa kanilang mga kamay. Bakas sa mga mata nito ang gulat. Anong nangyari?

"Isa pa! On three! Tapusin na natin siya!" Utos ng isa pa. Nagsilabasan uli ang mga enerhiya sa kanilang mga kamay. Sinuwerte siguro ako kanina. Hindi na ako pumikit pa. Bukas ang matang sasalubungin ko ang aking kamatayan.

Sa paglalakbay ng mga energy ball and spheres patungo sa kinalalagyan ko, hinintay kong tumama ang mga ito sa katawan ko. Ilang pulgada na lang ang layo nang sabay-sabay na nagvaporize ang mga ito at nawala na parang usok. 

Nagulat ako at nagtaka kung anong nangyari. Hanggang sa may marinig ako mula sa aking likuran. Isa iyong daing ng sakit. Na parang may isang nilalang na tinarakan ng punyal sa dibdib at hirap huminga. Agad kong nilingon ang tao sa aking likuran. Duguan ang dibdib nito at may lumabas na ring dugo mula sa ilong at bunganga nito. Sa pagbagsak nito sa lupa, nasa likuran nito sina Amber at Laurent na naglabas na naman ng isang higanteng itim na ahas mula sa kanyang braso. Na-diffuse ang kapangyarihan ng mga nagtangka sa buhay ko nang tapusin nito ang buhay ng isa sa mga keepers.

Nabingi ako sa hiyawan. Habang sinasakop ng malakas na hiyawan ang buong stadium, ay siya namang pagbagsak ng katawan ni Laurent sa lupa.

Laurent killed someone for me?

###

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon