Chapter 19: Savior

2.2K 170 74
                                    

Mariin niyang hinawakan ang aking braso saka siya tumakbo. Tatakbo na rin sana ako upang sabayan siya ngunit nang mai-apak ko ang aking paa na nadaganan kanina ng bato ay bigla na lamang akong na-out of balance. Napahawak ako kay Zach nang wala sa oras upang hindi ako tuluyang matumba ngunit sinalo ako nito gamit ang kanyang mga bisig at tumingin sa akin nang diretso nang mapansin niya ang nangyari sa 'kin.

Marahang iniangat ko ang aking paa upang hindi iyon masaktan lalo. Hindi ako makalakad nang diresto at mukhang nabali ang aking paa mula sa pagkakaipit kanina sa may bato!

"Rhia, kailangan na nating makalabas ng gubat bago pa mahuli ang lahat!" Pangungumbinsi nito sa akin.

Pilit kong inihahakbang ang aking sarili dahil hindi ko magawang makatakbo.

Suminghal si Zach mula sa harapan ko at halatang nagwo-worry siya dahil mabilis ang paggalaw ng lupa't ang laman ng kagubatan. Maging 'yong batis kanina ay bigla na lamang natuyot dahil hinigot iyon ng lupa patungo sa ilalim.

Tiningnan ako nito. Inilayo niya ang kanyang kamay sa 'kin at inayos ko ang aking sarili ngunit nawalan ako ng balanse't napaupo nang tuluyan sa sahig. Pilit kong itinayo ang sarili ko.

"Ano ba, Rhia?!" Singhal nito sa akin. "May balak ka bang umalis dito o gusto mong mamatay?"

Umalingawngaw ang boses niya mula aa aming kinaroroonan.

Tiningnan siya. Nawala ang konsentrasyon ko dahil bigla na lamang niya akong sinigawan. Did he know what happened to my foot? It hurts!

"Puwede ba, makiramdam ka muna?" My eyes filled with tears while I was starring at him. "Hindi mo ba nakikita? My hand cutted by the silver thing!" Hinawakan ko ang aking kamay. Patuloy pa rin sa pagdaloy iyong dugong humahalo sa tubig-ulan. "My foot was injured, don't you know? If you want to save yourself, go away! Hayaan mo akong makaalis sa lugar na 'to. Hindi ko kailangan ng tulong mo!"

Nang dahil sa pagsinghal niyang iyon, nakaramdam ako ng galit mula sa loob-loob ko. Puwede naman niya akong iwan kung gugustuhin niya, hindi iyong pipilitin pa niya ako para lang makaalis sa lugar na 'to.

Ganito lang din naman ang nangyari kanina, yumayanig. So what's new?

Kung mayroon siyang galit sa akin dahil sa minsan na kaming nagkaharap na dalawa sa kitchen hall, ibahin niya rito. Dahil kung tutuusin, puwede ko siyang paslangin kahit na nasa kanya na ang crest symbol. Masyado siyang sarcastic kung mag-isip!

"Bahala ka sa buhay mo!" Sigaw nito sa 'kin bago ito tulutang tumakbo.

Nang makalayo siya nang kaunti sa akin ay saka ako humakbang. But I felt, my foot took all the energy of being injured and I can't step forward. In the end, I found myself kneeling to the ground as I shouted because of pain.

Muli ko na namang sinubukang tumayo upang makaalis na sa lugar na ito. But still, ganoon pa rin ang nangyayari. Nagpaulit-ulit akong napaluhod at tatlong beses pa iyon bago ako tuluyang tumingin kay Zach.

Papasok na siya sa madilim na kagubatan, sa napakaraming puno nang bigla itong huminto at tiningnan ako. I dont know what's the reason but I saw his face and got irritated as he was looking where I am kneeling at.

Napansin ko ang pagbuntonghininga nito bago ito tuluyang tumalikod sa akin. Ihahakbang na niya ang paa niya papunta sa madilim at masukal na kagubatan ngunit hindi niya iyon nagawa't mukhang mayroong bumabagabag sa kanyang isipan.

Malayo man ay napansin ko ang pagkuyom ng kanyang mga kamay bago ito muling humarap sa akin at tiningnan ako nang masama. Tumakbo siya patungo sa aking kinaroroonan.

"Bilisan mong tumayo diyan," may tensyong sabi nito bago ako nito tuluyang hinawakan sa magkabilang braso ko't mabilis akong itinayo. Ngunit hindi sapat ang lakas ko upang makatayo nang tuwid kaya't bagsak na naman ang mga tuhod ko sa lupa nang dahil sa ginawa niya. "Rhia, ano ba? Gusto mo bang malamon ng kagubatang ginawa ni Enchantress? Gusto mo bang mamatay?!"

The Vicant's Crest (Wattys 2021 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon