PROLOGUE

37 16 0
                                    

PROLOGUE

BELIEVE ME when I say I'm close to slapping the person infront of me. Who wouldn't be when she's talking non-stop about non-sense things? Why would I care about the boy---not man because if he's really one, he wouldn't leave her like that.

Ang aga niya nangapit-bahay para lang magkwento ng hindi importanteng bagay. Minadali pa akong mag-almusal para lang hilain papunta dito sa likod-bahay kung saan may ginawang tambayan.

"Dapat ba pumayag ako sa gusto niya, Hon?"

I rolled my eyes for the nth time. "Seriously, Jianah?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Nasa talampakan mo ba ang utak mo?"

She pouted. "I'm just asking."

"That's non-sense!"

Nasaan ba ang utak ng babaeng ito? Sinong matinong babae ang ibibigay ang sarili para lang hindi iwan?

"Oo o hindi lang naman---"

"Ganyan ka na ba talaga kadesperadang magka-jowa?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Akala ko slow ka lang, tanga rin pala."

"Pasalamat ka talaga na pinsan kita kundi pinakulam na kita." Bumusangot ito at pumangalumbaba sa lamesa.

I smirked. "Dapat ko bang ipagpasalamat na pinsan kita?"

But truth to be told, thankful ako na pinsan ko siya. She's like my sister. Kahit slow siya, totoong tao siya at hindi plastic tulad ng iba.

"Napaka-demonyita mo talagang babae ka!" Pikon na wika niya na ikinatawa ko. Pikon talaga kahit kailan.

I checked my watch because I have to go somewhere. Pasukan na next week and I'm very excited because it's my first day in college. Kailangan kong bisitahin ang dorm para magawan ng paraan ang mga problema kung meron man.

Nang makita kong alas nwebe na ay agad na akong tumayo. Mahigit dalawang oras na din palang tinitiis ko ang nonsense na kwento ng pinsan ko. Ngayon ko talaga napatunayang mahaba ang pasensya ko.

"I need to go, Jianah," paalam ko na mas lalong nakapagpa-busangot sa kanya. "Mag-paalam ka kina Mama kung uuwi ka na."

Isang tango ang sagot niya na ikina-iling ko. Wala talaga akong aasahan sa kanya.

PAWIS NA PAWIS ako ng maka-baba ako sa jeep. Siksikan na nga kami tapos nagdagdag pa sila. Pahirapan talaga ang pagsakay sa jeep. Mararanasan mo talaga kung pa'no maging literal na sardinas.

Bumuntong hininga ako bago naglakad patungo sa paradahan ng tricycle. Medyo may kalayuan kasi ang binabaan ko sa dorm kaya kailangan ko pang sumakay ng tricycle.

"Sa Sunshine dormitory po." Sabi ko sa driver bago pumasok sa loob.

Medyo malapit kasi ang Sunshine dormitory sa COE kaya ito ang napili namin at mura lang din ang upa. Hindi ko alam kung bakit Civil Engineering ang napili kong kurso kahit maraming nagsasabi na mahirap. Siguro lutang ako noong nag-sulat ako ng course choices kaya kung ano nalang ang sinulat ko.

Kumuha ako ng scholarship exam at sa awa ng Diyos, nakapasa ako kaya malaking tulong na para sa allowance at bayad ng dorm. Pwede naman akong kada-hapon umuwi sa bahay pero nakakapagod bumiyahe at magastos sa pamasahe.

"Lalarga na ba o maghihintay pa tayo ng kasama mo?"

"Solo nalang po," sagot ko dahil baka matagalan pa bago may ibang pasahero.

Ilang minuto lang ay narating na namin ang dorm. Hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako. Apat na palapag ito at rooftop ang huling palapag. May reception area na siyang ikinagulat ko nung unang punta namin. Parang hotel lang talaga ang peg. Sosyal.

"Good morning po," bati ko sa babae na halos ka-edad ko lang yata o mas matanda ng ilang taon. "Room 8 po."

"Wait lang, ma'am," aniya at naghalungkat sa drawer na nasa likuran niya. "Here's your key, ma'am. Second floor left side."

"Thank you!"

"Mag-log book po muna kayo," iniabot niya ang log book sa'kin.

Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat sa pangalan ko ng may tumabi sa'kin. Hindi ko na sana papansinin pero dumikit ang braso niya sa braso ko kaya napatingin ako. Hindi siya pamilyar sa'kin.

Malamang, Honey Millicent! Bago ka lang dito! Tanga talaga!

He was taller than me even though I'm already 5'2. Siguro ay nasa 5'7 siya o higit pa. Edi ikaw na matangkad!

Nang akma itong babaling sa gawi ko ay agad ko ng pinagtuunan ng pansin ang log book. Humakbang ako pagilid para lumayo sa lalaki. Mahaba naman ang desk kung bakit dumikit pa talaga sa'kin ang braso niya.

"Thank you, miss," nakangiting sabi ko sa babae ng tapos na akong magsulat. Hindi ko na binalingan pa ang lalaking katabi ko dahil ramdam kong nakatingin ito sa gawi ko.

Hindi ko alam kung bakit halos takbuhin ko na ang patungo sa hagdan. Wala namang humahabol sa'kin.

Agad kong nahanap ang Room 8. Napakunot ang noo ko ng makitang bukas ito. Pero ng maalalang hindi lang pala ako ang gagamit ng room ay napa-iling na lang ako.

This is bad. Nahahawa na ako sa pagiging slow ni Jianah.

Pagpasok ko sa room ay tatlong babae ang naabutan kong nakasalampak sa sahig at nagmemeryenda. Awkward akong ngumiti ng mapunta sa'kin ang atensyon nila.

"Honey Millicent Perez?" Tanong ng babaeng naka-blue.

Tumango ako. "H-Hi?"

Biglang tumayo ang babaeng naka-black at lumapit sa'kin. "Hi, miss!" Inilahad niya ang kanang kamay niya, "Mavic."

Nakangiting tinanggap ko ang pakikipag-kamay niya. Lumapit na rin ang dalawa pa at nagpakilala.

"Danielle Laine, marecakes," pakilala ng babaeng naka-yellow. "Dada for short."

"Mary Rose Vera, sis," sabi naman ng isa pa. "Bahala ka na kung anong gusto mong itawag sa'kin."

"Nice meeting you, guys."

Maganda ang kinalabasan ng pagbisita ko sa dorm. Nakakatuwa yung mga makakasama ko. Nakakagaan sila ng pakiramdam. Halatang sinsero sila sa pakikipag-kaibigan. Hindi kagaya ng iba dyan na pakitang tao lang.

Alas onse na ng magpa-alam ako sa kanila dahil tumawag si Mama at pinapauwi na ako. Nagpresinta silang ihatid ako sa may gate pero tumanggi ako. Nag-aayos kasi sila ng mga gamit nila at baka makaistorbo lang ako.

Hinanap ko ang panyo ko sa bag ko pagkababa ko ng hagdanan kaya muntik na akong matumba ng may makabungguan ako. Kung hindi niya lang nahawakan ang braso ko ay talagang napasalampak ako sa sahig. And that would be so embarassing lalo na at may mangilan-ngilang tao sa lobby.

"Are you okay?" Tanong ng lalaking nakahawak sa'kin. And the voice was so gentle.

Pag-angat ng tingin ko ay agad akong napa-atras ng makitang ito ang lalaki kanina sa may front desk kaya nabitawan niya ang braso ko.

"Next time, tumingin ka sa daan para hindi ka mapahamak."

At bago pa ako makahuma ay nilampasan na ako. Ang nagawa ko nalang ay sundan siya ng tingin paakyat ng hagdan.

What a day, Honey Millicent Perez!

DIAMOND HEART (Lady Engineer Series 1)Место, где живут истории. Откройте их для себя