141

316 8 7
                                    


Part 3/4

Hindi ko inakalang aabot ako sa punto na magiging sobrang desperado na ako. Narito ako ngayon sa harapan ng pinsang kong antagal ko na ring hindi nakausap. Wala na talaga akong matatakbuhan.

"I already transferred some of my savings to your account. I hope it helps." sabi ni Zeus sakin. Nakatingin lang ako sa kanyang parang nahihiya. Humingi ako ng tulong sa kanya para makahingi ng tulong sa lolo namin.

"Hala! Hindi na kailangan. Ano—humihingi lang naman ang tulong para makausap sina lolo."

"It's fine. That's the last I can do. I already told them about your family's situation pero antitigas talaga ng muka nila. This family is bullshit. No one wants to help nor talk to you for even a bit. Fucked up, right? How can they bear seing their relatives like this? I just want to be excluded from this family." sabi niya ng may halong inis na matagal ko narin nararamdam. Wala naman akong karapatan magalit dahil desisyon nila kung gusto nila tumulong o hindi.

"Ok lang. Maraming salamat sa tulong."

"Just call me if you need any more help. It's fine with me. Bibisita ako mamaya kay Tita sa ospital." 

Tumango lang ako at nagpaalam na. Tahimik lang yan si Zeus at kadalsan napagkakamalan na suplado pero napakabait niyan. Buti nga hindi niya minana yung ugali ng mga kaanak namin.

"Nak, wag ka masy magpagod ah. Natutulog ka pa ba? Kumain ka sa tamang oras. Wag mo pababayaan ang sarili mo." bilin sakin ni Mama nung bumisita ulot ako sa kanya. Araw-araw ako pumunta dito at araw-araw niya rin sinasabi sakin iyan. Tumatango naman ako at ngumingiti. Alam kong kita niya na yung itsura ko ngayon. Yung mata kong namumula na yata sa kulang na tulog at ang namumutlang kulay ng balat ko. Kaya ko parin naman kaya wala namng problema doon.

Naging ganoon ang takbo ng buhay ko. Papasok sa eskwelahan, bibisitahin ang nanay at pinsan ko, pupunta sa trabaho, uuwi sa bahay ng madaling araw at makakatulugan ang pag-aral tapos ulit na uulitin lang din iyon sa panibagong araw.

Di ko nakikita si Papa dahil ibang oras siya bumibisita sa ospital. Minsan lang kami magkita sa bahay at hindi mag-uusap. Kadalasan ay hindi na siya uuwi.

Dumating na rin kami sa punto na naputulan kami ng tubig at kuryente kaya ito ako ngayon naglilinis ng bahay ng madalim sa madaling araw. Nanghihina ang katawan ko pero ano bang magagawa ko? Gusto ko bayaran yung kuryente at tubig pero hindi sapat ang pera ko. Konti na lang. Mababayaran ang parehas. Kailangan ko lang ng kaunting tulong.

Tinawagan ko si Papa pero hindi siya sumasagot. Nahihiya narin ako sa kapamilya namin sa side ni Mama. Ang rami ng tulong nila samin. Di naman sila mayaman at katunayan ay nahihirapan rin pero tumulong parin. Ayoko ng mas pahirapan sila.

Pagsapit ng umaga ay hindi ako pumasok sa eskuwelahan. Dumiretsyo ako sa mansion ng mga Villaverde. Magbabakasakali na kahit konti man lang ay maramdaman silang awa o pagmamahal samin. Tapon pride na talaga. Di naman kami maaahon sa kahirapan ng pride na yan. Ganoon ang pamilya, di ba? Sa hirap at ginahawa? Di naman ako hihiling ng marami. Kahit kaunti lang o bisitahin man lang nila ang mga kapatid ko o si Mama, malaking tulong na.

"Wag ka mag-eskandalo dito, Mosco! Wala kang respeto! Katulad ka ng Mama't Papa mo!" sigaw sakin ni Tita Evelyn noong nasa harapan na ako ng mansion.

"Gusto ko lang po makausap si Lolo. Kahit sandali lang po." pagmamakaawa ko habang tinutulak ako ng mga guwardiya. Isang usap lang. Kahit konting tulong lang kasi di ko na alam kung ano ang gagawin ko.

"Anong nangyayari dito?!" sigaw rin ng nasa likod ng Tita ko. Alam na alam ko kung kaninong boses iyon at kailangan ko siyang makausap ngayon.

"Lolo." Tawag ko ng may pagmamakaawa. Kaunti na lang at maiiyak na ako sa harapan nila.

"Anong ginagawa mo dito?! Hihingi ka ng pera?! Kagaya ng ginawa nung Papa mo nung isang araw?! Mga walang dangal at respeto! Di na kayo nahiya sa mga sarili niyo?!" At doon parang gumuho na ang mundo.

"May sakit po ang Mama namin. Hindi ko na po alam ang aggawin ko. Bata pa lang po ako. Puno na po kami ng utang, yung tuition ng mga kapatid ko di ko po kayang bayaran, papasok na po sa eskuwelahan ni Max at Melliana, mga apo niyo po. Kahit pagsama-samahin po yung kita ko po, di ko po talaga kaya. Kahit kaunting tulong lang po, kahit ano." Pagmamakaawa ko na nagdulot nga pagbuhos ng mga luha ko.

Doon ay nakakuha ako ng sampal mula kay Lolo. Nanghino ang katawan ko malakas na kalabog na dulot nito sa pisngi ko. Ang matamlay at payat na pigura ay mas lalo lamang nanghina sa harapan ng mga mayayaman na ito.

"At natuto narin kayo gumawa-gawa ng kwento para sa pera! Ganyan ba kayo pinalaki ng mga magulang niyo?! At kung totoo man yan, nag-anak-anak pa ang mga magulang mo, eh hindi naman pala kaya. Karma niyo yan. Manigas kayo. Umalis ka sa pamamahay ko!" punong-puno ng galit ang mga mata ng aking lolo. Ang mata ko naman ay walang laman kung hindi sakit na parang di ko na kakayanin pa.

"L-lo, kahit konti lang po. Apo niyo rin naman po ako. Apo niyo rin po yung mga kapatid ko. Maawa naman po kayo sa mga apo niyo. Kahit yung para lang po sa mga kapatid ko, ok na po ako. Maliliit pa po sila. Si Milo po ay anim na taong gulang. Si Max po, tatlong taong gulang  at si Melliana naman po, dalawang taong gulang. Maawa naman po kayo kahit kaunti. Kahit sila na lang po tulungan ninyo." huling pagmamakaawa ko at lumuhod sa harapan nila. Nakakahiya at nakakapangliit pero ano pa bang magagawa ko kung hindi gawin lahat para mabuhay yung pamilya ko.

Nakita ko yung pagbabago sa mata ng Lolo at Tita ko pero katulad ng dati ay di sila nagpatianod doon at naging matatag sa desisyon nila,

"Umalis ka na! Wag ka ng bumalik!"

Hindi na ako nagsalita pa at nagpadala sa hila ng mga guwardiya nila. Di mo mapipilit ang isang tao kung ayaw niya. Masyado silang mapride para tulungan yung mga kapamilya nila. Lecheng pride yan! Napagtanto ko wala talaga magagawang mabuti ang pride. Mas lalo lang nagiging masama ang mundo dahil dito.

Crush in a SnapWhere stories live. Discover now