52

580 31 28
                                    



"Kung di lang sana paprint yung inambag mo, di tayo magigisa ngayon!"

"Oh, bat ako?! Ano ginawa ko?!"

"Kaya nga ih! Wala kang ginawa! Pabuhat ampuke!"

Napuno ng sigawan ng mga kagrupo ko yung classroom namin. Di ko na alam iisipin ko. Ang lala ng prof namin.

Di ko alam mararamdaman ko. Ginawa naman namin lahat. Effort na effort nga kami. Di nga lang tumulong lahat.

Oo, ang sarap ilechon ng mga pabigat sa grupo namin. Di ako leader at di rin naman matalino at sobrang pabida pero tumutulong naman ako. Di puro paprint lang.

Sadyang may mga tao lang talagang makakapal ang muka para sabihing contribution ang pagpapaprint. Nagsasakandakuba na kami sa pagbuhat sa kanila. Di kami weighing scale, noh?!

"Oh, bat ako lang? Yan si Vaianna! Kung inayos niya lang yung ginawa niya, di tayo nagmukang tanga don!" Sigaw sakin nung printer namin.

Puta! Ako pa! Ang galing mo, Patty! Sarap mong patpatin!

"Ako pa?! Gago! Nagkandaleche-leche na nga sleeping schedule ko dahil sa mga ambag ko! Tanungin mo pa si Leader! Ginawa ko naman makakaya ko!" Pagalit na pagpapaliwanag ko.

Nakakainis! Kung sino pa mga tumulong, sila pa masisi. Pati yung leader naming nakakaawa na, nasisi parin eh. Gago kayo?! Kung wala yan, nasa basura na tayo ngayon.

Kung ako sira yung sleeping schedule, yan di na yata natutulog. Dalawa tuloy binibigyan ko ng energy drink araw-araw.

"Pake ko sa sleeping schedule mo!" Sigaw pa sakin ng bruha. Aba—

"Aba! Bastos to!" Bulyaw ng di na nakatimping leader namin at sinunggaban si Patpat.

"Ay! Potangina!" Sigaw ko bago sumama sa mga iba kong groupmates na pumipigil kay na Patty at sa leader naming si Ital.

Gagi! Nasampal rin ako! Naipit pa! Anrami namin sa gitna. Nakalmot pa ako sa may kaliwang braso. Di narin ako nakapigil dahil nasandwich na ako sa gitna. Ansakit! Feeling ko marami akong pasa mamaya. Di ako makaalis sa gulong ito.

"Hoy! Tumigil kayo! May mga nasasaktan na!" Sigaw nung isang mahinhin kong kaklase kaya di siya masyado pinakinggan.

Sinubukan niya akong hawakan at ihila palabas nung gulo pero di niya magawa. Pati yung iba triny niya rin tulungan pero masyado siyang maliit kumpara sa nga lalalaking instead na tumulong at nakikisali pa sa gulo.

"Seree—!" Impit na sigaw ko sa babaeng tinatry na tulungan ang mga naiipit sa gulo. Di talaga ako makalabas. Puta! Halos lahat nakikisali na. Yung iba nakikinood lang. Nakakadisappoint. Wala na akong nagawa kung hindi umiyak sa gitna ng gulo.

"Anong nangyayari dito?!" Galit na tanong ng adviser naming kakadating sa classroom namin. Late ka, Sir. Rami ng nasaktan.

Mabilis na humupa yung gulo at bumalik ang mga tao kung saan sila nakatayo dati. Dali-dali rin akong umalis ng room kasi umiiyak na ako ngayon. Ayaw kong may makakita saking umiiyak. Napansin kong ako yung pinakanasugatan at napirat sa away na yun. Ansakit ng katawan ko. Gusto ko lang naman umawat.

Malapit narin namang mag next sub tapos absent pa prof namin dun. Nasa class president naman gagawin. Chachat ko na lang mamaya dahil mabait naman yun.

Patuloy lang ako sa paglakad sa hallway. Buti na lang at wala masyadong tao sa daan. May klase pa kasi. Masyado kasi ako nadadala ng emosyon ko pag may nag-aaway at lalo na pag ako ang inaway. Naiiyak na lang ako bigla.

Crush in a SnapTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang