84

419 21 6
                                    


"May gusto ka ba sa anak ko?"

Hindi ko alam na kaya palang maging mahaba ng sampung segundo kung ito ay napupuno ng katahimikan.

Ni hindi ko alam kung paano gagalaw ngayon dahil nakaabang lang kami sa sasagutin niya sa tanong ni Mommy.

I'm not really sure kung ako yung gusto ko marinig pero bago pa man ako makaisip ng kung ano-ano ay nagsalita na siya.

"Opo."

At doon ay nagulantang ako. Ni minsan ay hindi niya pa nasabi ito sakin.

Ang hirap pala macrushback. Sorry na lang sa inyo.

Sa gulat ay lumaki ang mga mata ko. Ang mga mata naman ng nanay ko ay nanghahamon. Mabait si mama at di siya ganun kaistrikto pero parang ngayon ko nakikita ang ibang bersyon niya.

"May balak ka bang ligawan ang anak ko?"

Gagi! Yung kalabog ng puso ko hindi matigil. Ngayon lang ako nalilinawan sa mga bago na meron samin.

"Iyon po ay kung papayagan niyo po ako."

Naistatwa ako sa kanyang sinabi. May sasabahihin ba dapat ako? Pass the mic ba ito? Di ako prepared.

"Nasa anak ko ang desisyon. Basta ay wag mo siya sasaktan, Iho. Mahal na mahal ko ang anak ko. Lagi ko yang iniingatan simula pa nung sanggol pa siya. Di ko kakayanin ko kung yung inalagaan ko, sasaktan lang ng parang wala. Naiintidihan mo ba?" Seryosong tanong ng aking nanay.

"Opo, naiintindihan ko po. Maraming salamat po."

At doon ay tumingin siya sakin at nginitian ako.

Crush in a SnapWhere stories live. Discover now