140

343 8 9
                                    


Part 2/4

"Nakakatakot ka, Mosco! Jusko! Bigla ka na lang ngumingiti diyan! Kaawaan mo naman ako!"

Binatukan ko si Jonas sa pang-aasar niya sakin. Kala mo walang linalanding Grade 11. Tirador ng bata!

"Landiin mo na lang yung bata mo." sagot ko sabay type ng irereply kay V. Hindi ba ito nakikinig sa klase? Wagas makachat ampucha!

"Ako pa?! Grade 11 rin yata ang kalandian mo, Ulol!"

"Di ko alam."

"HAHAHAHAHA POTA! Malay mo pala Grade 6 o 7 kalandian mo! Gago yon! Wala akong planong bisitahin ka sa prisinto!"

Pinakyuhan ko siya kasi ang gago lang. Ang sabi ay magkasing-edad lang kami. Di naman siya grade 7, di ba?

Di ko pa kasi siya kilala kasi ayaw magpakilala. Kala mo naman artista...

o baka artista talaga?!

"Gago ka, Mosco! Bakit yung kapatid ko pa?! Akala ko crush-crushan prends-prends lang kayo! Bat may date na ampukena mo! Galungong ka ampucha!" Sugod ni Tomas sa classroom namin nung lunch break. Pabiro siyang pinipigilan ng mga kaklase niyang nagsisitawanan na lang rin. Linibre ko na lang yung kuripot na yon kaya tumahimik rin.

Simula nung nakilala ko si Vaianna, lumiwanag ang buhay ko. She is different. HAHAHAHAHA ang cringy gago!

Totoo na. Kita ko sa labi niya ang sayang lagi niyang dinadala. Sayang lagi ko pinapakita sa iba pero may halong kasinungalingan. Kahit na minsan ay naiinis siya sakin ay napapalitan parin ito ng ngiting hindi mapaliwanag. Nakakamangha kasi gusto ko rin maging ganoon kasaya. Gusto ko rin maranasasan ang ganoong totoong ngiti.

"Kung pangit ako, anong binatbat mo? Parehas lang tayo dito!" sagot niya sa pang-aasar ko.

Lahat ng biro at usap ay nagreresulta sa tawa at ngiti na hindi ko na namamalayan na lahat iyon ay nagiging totoo na.

Sa araw na masyado ng mabigat ang mga mata ko para mag-aral. Sa mga panahong mga salita ng tatay ko ay bumabaon sa isip ko. Sa mga oras na kailangan ko maglinis ng bahay ng iba para makatulong sa gastusin sa bahay. Makita lang ang mga mensahe niya sa pang araw-araw. Alam ko ng kakayanin ko.

"May jowa ka na raw, anak. Siguraduhin mo hindi mo kakalimutan ang mga responsibilidad mo dito sa bahay. Yung mga kapatid mo, aalagaan mo pa pati ag paglinis ng bahay. Yung nanay mo ay wag mo rin kalimutan. Hindi yung puro landi lang alam mo sa buhay. Walang mararating iyan."

Pagkatapos ako pagsabihan ni Papa ay dumiretsyo na siya sa kwarto niya para magpalit ng pambahay. Di niya man lang nakita na kakalinis ko lang CR tapos sasabihin puro landi lang alam?

"Nak! Pakisuyo tong kapatid mo. Patahanin mo muna sa pag-iyak. May kukunin lang ako sa kwarto." utos sakin ni Mama ng iabot niya sakin si Melliana. Pawisan at mabaho ako.Kawawa naman tong batang to.

"Baby, wag na iyak. Ano ba want mo?" mahina kong tanong. Nung sakin na siya nabuhat ay medyo kumalma na siya. Favorite kuya niya talaga kasi ako.

"Kuya, play tayo!" Tawag sakin ni Max na naglalaro ng kotse-kotsehan niya. Napatigil ko na naman umiyak si Liana kaya binaba ko na siya dun sa may sofa. Si Milo ay papunta sa kusina para kumain. Ang takaw ng batang iyon pero di tumataba. Sanaol, di ba?

"Wait lang, Max. Ligo lang si Kuya. Mabaho pa ako." sagot ko sabay lakad papapunta sa kwarto ko nung nasa sala na si Mama. Kinuha ko yung gamit ko doon at pumunta ng banyo.

Pinuntahan ko si Vaianna sa bahay niya kasi gusto niya raw nung parang sa movies na sa susunduin sa gabi tapos ganun. Dun siya masaya. Sige na.

Crush in a SnapTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang