Sige po, tayong dalawa nalang ang nandito mahal ko sana magising kana! At sana dimo ako kamuhian kapag makita mo akong kasama sa iisang bahay.
" Nag hintay talaga ng ilang oras si lucas at scarleth di sila umalis oh lumayo man lang sa bawat telepono nila. Dahil may hinihintay silang tawag mula sa taong kinaiinisan nila. Ng biglang tumonog ang cellphone ni lucas agad naman itong kinuha ni scarleth para sagutin.
Mabuti at tumawag ka hayop ka.
Oyy ang sungit naman ng loves ko wag kana magalit hinihintay mo pala ang tawag ko?
Tumahimik ka hayop ka, ibalik mo sa akin ang anak ko rain.
Ayaw ko nga, gusto ko pa ngang mag laro eh isa pa scarleth kulang pa ng dalawa.
Anong ibig mong sahihin?
Wala pa ang bunso mo at ikáw, wala pa kayo dito hindi tayo matatawag ng one big happy family diba?
Family ba kamo? Sa impyerno ka nababagay rain nandon nag hintay ang pamilya mo. Wala na dito sa lupa kaya wag kang umasang may pamilya kapa.
Wag na wag mong sagarin ang galit ko scarleth, baka makalimotan kong anak mo ang bihag ko ngayon?
Subokan mo lang! Dahil kapag mahuli kita di kita bibitawan hanggat may hininga kapa.
Tot tot tot...
Scarleth,, scarleth..... Ikáw lang talaga ang nakakagawa sa akin ng ganito ahhh scarleth! Punong puno na ako sayo.
" Muli na namang nag wawala si rain dahil sa pag uusap nila ni scarleth, iniinsulto na naman siya ng babaeng gusto niyang angkinin kahit hindi naman ito sa kanya. Di niya matatanggap ang ginawa ni scarleth dahil nakakababa kasi ng kanyang pagkatao ang ginawang pag insulto nito."
Ano hone? Nakuha mo ba? Tanong ko kay lucas na nasa tabi ko lang habang nag rerecord ng pag uusap namin ni rain.
Oo naman ako pa, kayang kaya kong hanapin ang address niya sa pamamagitan lang ng cellphone.
Mabuti naman,
Ano pa ang hinintay natin? Sugod na para naman mabawi na natin ang anak natin.
Game ako diyan, sige mag handa na tayo kahit tayo lang dalawa kayang kaya natin ang rain na yan.
Basta't mag kasama tayo, walang makakatalo sa atin hone.
LUCAS POV.
Sana sa muling paghaharap namin ni rain ay madadaig na ng kabutihan ang kasamaan. Malaki na ang pinsala nila sa buong manila marami na ring bangko ang nag sara dahil sa kanilang trabaho. Marami naring mga kabataang namamatay dahil sa kanila, pinapatay at ginagahasa nila. Ng walang kalaban laban hindi man madali ang gagawin namin? Pero handa kaming lumaban para sa kabutihan lalaban kami para matahimik na ang lugar namin. Lalaban kami para sa aming anak nakahanda kami kong ano mang mangyayari. Kaya sana panginoon ay gabayan mo kami, bantayan niyo mo sana kami, at wala po sanang mangyaring masama sa amin at pati narin sa aming anak..
" Ilang oras ang lumipas nakarating na sila sa lugar kong saan nag tatago ang grupo ng mga sendikato. Lugar na malayo sa mga tao, talagang di sila matonton agad dahil nasa liblib ito ng gubat. Pero kahit saan pa sila mag tatago walang makakaligtas sa kamay ni agent Maria Claire samantha grace scarleth Zamora Tolentino II.
Hone mag iingat ka, andito na tayo.
Oo hone nakahanda ako para sa anak natin! Pero tanong ko lang? Humingi kaba ng back up?
Oo at nag report narin ako kay inspector larry wag kang mag aalala dahil nakahanda na si inspector para diyan.
Mabuti, lagi ka sanang mag iingat huh para sa anak natin to. Para narin matahimik na ang buhay natin.
Oo hone, sige ingat diyan ka sa likod ako naman sa harap, nag goodbye kiss mo na sila bago sumabak sa laban.
Sige-sige maiwan na kita. Agad pumonta si lucas sa likoran ng malaking bahay talagang walang nakakaalam sa kanilang pagdating. Dahil nasa loob lahat ang kanila mga tauhan pero wala roon si rain dahil andon siya sa bahay ng kanilang senyuri.
Hoy ano bang hinihintay mo? Mag tapon ka naman ng braha diyan para matapos na natin to. Utos Niya sa kasamahang nag lalaro ng braha!..
Mag hintay ka nag iisip pa nga ako kong anong itatapon ko.
Kanina kapa diyan? Nag iisip kapa ng itatapon mo? E wala ka namang utak.
Ano bang gusto mong palabasin? Huh ronnie?
Hoy tumahimik nga kayo, kanina pa kayo diyan tapos bigla kayong mag aaway?
Ito eh sinabihan ba naman akong walang utak.
Totoo naman eh.
Sabihin mong upakan kita?
Sige ba di Kita aatrasan.
Kapag di pa kayo titigil, kayo ang uupakan ko! Ano?? Natahimik naman ang mga ito dahil sa leader ng grupo nilang si Greg..
Thank you for reading 💙
YOU ARE READING
WRONG MOVE part2 ( on-going)
General FictionP.S basahin mo na ang series#1 WAG MO AKONG MAHALIN para mas maintindihan ang series#2.. Maling galaw mo lang, habang buhay mo nang pag sisihan. Wag kang mag kamaling kalabanin ako, kong ayaw mong sa hukay ang bagsak mo..
chapter 18
Start from the beginning
