Pero papa gusto ko ng kumalas sa kanila, kong diko lang tiyuhin si senyuri! Di ako papayag na sumama sa mga sendikato. Alam mo yan papa noon paman wala akong ibang pangarap kong di makatapos ng pag aaral at maging pulis at mapapansin din ako ng babaeng matagal ko ng minahal.

Alam ko ang lahat ng yan anak, pero diko naman akalain diyan ka pala ilagay ng tito mo. Di niya sinabi sa kin sa sendikato rin pala ang bagsak mo diko pinangarap ang magnakaw at pumatay ng tao ang nag iisa kong anak. Kong pwede lang, kong kaya ko lang ang tito mo? Di sana lumaban na ako ng harap harapan. Kilala mo siya anak,  ayaw na ayaw niyang suwayin ang mga plano niya.

Pa, ok lang sa kin kong papatayin man ako ni tito dahil lang sa paglabag ko sa utos niya. Pero diko kayang pabayaan ang taong mahal ko ang babaeng kinalimotan ako sa nakaraan. Ang babaeng alam kong siya lang ang makapag bago sa akin. Siya ang buhay ko siya ang lahat sa akin papa siya lang wala ng iba.

Ang ibig mong sahihin ito ang mahal mong babae?

Oo papa, siya lang ang minahal ko mula nong mga bata pa kami kahit matanda ako sa kanya ng limang taon. Pero papa di naman basihan ang edad sa pagmamahal diba?

Anak, paano kong malaman niyang isa kang sendikato? Paano kong malaman niyang kasamahan mo ang dumokot at bumaril sa kanya? Sa palagay mo ba? Matutuwa pa siya? Dahil niligtas siya ng taong mahal siya? Sa palagay mo ba? Kaya ka niyang mahalin pabalik? Kapag malaman niyang kaaway ng magulang niya ang sendikato at ang tiyuhin mo?

Diko na po naisip yan papa, ang mahalaga sa akin ngayon ay magising siya at gumaling na ang sugat niya.

Ikáw ang bahala, pero talaga bang ok lang sayo? Kahit alam mong delikado ka kapag sumoway ka.?

Oo papa nakapag disesyon na po ako.

Kong ganon wala na akong magagawa pa! Kong diyan ka masaya? Suportahan kita anak,..

Salamat pa kayo narin po ang bahalang mag sabi kay mama.

Ako na ang bahala sa mama mo, pero mag iingat kayo dito alagaan mo yan para gumaling agad. Ok lang ba sayo kayo lang dalawa dito sa bukid?

Oo papa mas mabuti na yong kami lang para makapag usap kami ng maayos kapag magising siya.

Anak, tandaan mo ang mga bilin ko sayo wag mong sisirain ang kinabukasan ng babaeng yan.

" Papa naman"!! mahal ko yan kaya diko gagawin ang makakasira ng tiwala niya sa akin.

Oh sige aalis na ako, bahala kana dito huh?!

WRONG MOVE part2 ( on-going) Where stories live. Discover now