♕CHAPTER 36♕

2.3K 70 2
                                    

LUCIA's POV

♕♕♕

"Madam, mag-iingat po kayo sa byahe at wag niyong kakalimutan na kumain sa oras at kumain ng masusustansyang pagkain," paalala ni Sasha at parang ayaw akong iwan, kinukulit niya pa nga ako na nais niyang sumama para may tiga bantay ako ngunit hindi pumayag si Samael dahil sa hindi pa rin namin alam kung sino ang ispiya sa Istvan.

"Oo lahat ng bilin niyo ay tatandaan ko, mag-iingat din kayo ah," paalala ko sa kaniya at nilahad ang braso ko para mayakap silang tatlo.

"Bakit ganito parang hindi ka na babalik madam huhu," reklamo ni Melinda habang naluluha pa kaya na tawa ako.

"Kaya nga eh, isang buwan lang naman ako mawawala," sagot ko pero sa katotohanan niyan ay hindi ko rin alam kung kailan ako makakabalik sa manor na 'to at muli silang makikita.

Kinakabahan din ako na baka hindi ko na sila makita pang muli kung sakaling lumaki ang gera at madamay ang mga sibilyan.

"Madam, oras na po para sumakay ng karwahe," sabi ni Hanes at bumitaw na ko sa kanila ng yakap.

Sumakay ako sa loob ng karwahe kasama si Sevius at sumunod naman si Hanes sa loob, si sir James naman ay may sariling kabayo para bantayan ang paglalakbay namin kasama ang iba pang black leopard knight ng Istvan.

"Mag-iingat kayo madam!" Bati ni Rosana habang kinakalma ang dalawa sa pag-iyak at kumaway na rin ako sa kanila mula sa bintana at habol tingin silang pinagmasdan hanggang sa mawala na sila sa aking paningin.

"Sir James, iikot ang karwahe papunta sa piyer hindi ba?" Tanong ni Hanes kay sir James na nasa gilid ng karwahe.

"Oo si Hanes at dadaan tayo sa masukal na gubat para walang makahalata sa'tin papuntang daungan at mula roon nag-iintay naman ang mga kawal ni Duke Marshall," sagot niya naman at tumango si Hanes.

Hinawakan ko ang kamay ni Sevius at ramdam ko sa mga ito ang panlalamig, maputla pa ang mukha ni Sevius at tila hindi pa rin siya tuluyan na gumagaling.

Ang tagal ng epekto ng lason na halos tumagal nang mahigit tatlong linggo, ni hindi ko na nakikita ang masiglang pangangatawan ng bata na 'to at ito ang inaalala ko.

"Ayos ka lang ba Sevius?" Tanong ko habang nakadantay ang ulo niya sa aking binti, hinaplos ko ang buhok niya at tumango naman siya sa'kin.

"Ayos lang ako Mom," sagot niya at patuloy kong nilaro ang buhok niya para makatulog siya habang bumabyahe kami.

Napuno nang katahimikan ang pagbyahe namin papunta sa isang shortcut na tinutukoy ni sir James patungo sa piyer.

Nakatulog na si Sevius sa binti ko habang pinag-uusapan naman namin ni Hanes ang mga nakaraang problema ng Istvan.

"Iyon pala ang nais mong sabihin sa'kin nung nakaraan Hanes?" Tanong ko sa kaniya at tumango naman siya.

Tinutukoy ko ay ang na udlot naming usapan dahil nung araw na 'yun ay may nais akong tanungin sa kaniya at siya rin naman ay may nais sabihin sa'kin nung oras na 'yun.

"Ngunit kung sinabi mo sa'kin ng maaga ang tungkol sa bagay na 'yun ay ikaw naman ang malalagot sa Duke," sabi ko sa kaniya at tumango ulit siya.

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Where stories live. Discover now