♕CHAPTER 22♕

3.2K 100 5
                                    

LUCIA's POV

♕♕♕

Parang ang tanging naririnig ko lamang sa loob ng silid na 'to ay ang pagtibok ng puso ko na nagwawala sa kinalalagyan ko ngayon.

Alam kong hindi ito ang unang gabi namin na magkasama ngunit ito naman ang unang gabi na matutulog kami nang magkatabi.

Walang alak, walang madilim na silid, walang kahit ano! Kabado ako na baka hindi ko maharap ang Duke dahil sa pagkabog nang malakas ng aking dibdib.

Baka mamaya ay madismaya ko siya dahil sa hindi ko ata kaya gawin ang bagay na 'to nang walang iniinum na alak.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya at napalingon ako sa kaniya habang siya ay naglalakad palapit sa'kin at kinukuskos ang buhok niya ng isang puting tuwalya.

Suot niya ang bathrobe na kulay itim at bagsak na bagsak naman ang kaniyang buhok dahil sa tubig, saglit akong napatulala sa kaniya dahil hindi talaga ako makapaniwala na asawa ko ang lalaking 'to.

"Lucia ayos ka lang ba?" Tanong niya sabay pitik ng kamay niya sa harapan ng mukha ko at doon na balik ako sa wisyo.

"Ah hahaha, oo ayos lang ako," kabado kong sagot sa kaniya at umayos nang upo dahil tumabi siya sa'kin.

"Kung hindi ka komportable ayos lang naman na matulog ka sa iyong silid, alam kong biglaan ang bagay na 'to at hindi na'tin maayos na napag-usapan kaya kung nais mong bumalik sa iyong silid ay tatawagin ko si Hanes," paliwanag niya at umiling naman ako.

Parte kasi ito ng kagustuhan kong mabuo ang pamilya na ito, kung hindi ko sasanayin ang sarili ko sa buhay mag-asawa ay pano ako maituturing ni Samael na asawa niya.

"Ayos lang ako saka gusto ko rin naman makasama ang Duke ngunit hindi ko maipapangako na hindi ako kakabahan sa tabi mo," paliwanag ko sa kaniya habang nakatingin sa mga mata niya at nilalaro ang mga daliri ko na nakapatong sa'king binti.

Napatitig siya sa'kin at tila ba na bigla sa aking sinabi, tumutulo ang ilang patak ng tubig sa kaniyang mukha kaya inagaw ko ang tuwalyang hawak niya at sinenyasan siyang tumungo sa harap ko.

"Akin na, ako na ang magpapatuyo sa buhok mo baka magkasipon ka pa," sabi ko sa kaniya at wala naman siyang nagawa kung hindi sundin ang pinag-uutos ko sa kaniya.

"Para kang 'yung kapatid kong panganay, lagi niya pinapatagal ang tubig sa kaniyang ulo kaya madalas sumakit ang ulo niya tuwing umaga," sermon ko sa kaniya at naalala ang kapatid kong si Lucas.

"Inaalagaan mo rin ba ang mga kapatid mo sa Sullen?" Tanong niya at bahagyang tumingin sa'kin sabay tumango ko.

"Oo naman, wala na rin kasing katulong sa manor namin noon dahil sa hirap na kami magpasahod kaya kadalasan ako ang nag-iintindi sa kanila at pag wala naman ako ay ang aking ina," paliwanag ko at hindi naman mapigilan magtanong sa isip kung ayos lang ba sila ngayon o kamusta naman kaya sila.

"Nais mo ba silang makita?" Tanong niya at tumango ulit ako.

"Kung papayagan niyo ko your grace," sagot ko at tumingin siya sa'kin nang galit kaya natawa ako.

"Hahaha este Samael," pabiro kong sagot sa kaniya at ito na naman ang lalaking 'to ngumingiti sa harap ko.

Hindi niya ba alam na bawal ang pagngiti niyang iyon ng walang paalam? Baka mamaya tumigil ang pagtibok ng puso ko dahil sa pagwawala nito.

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz