♕CHAPTER 16♕

3.4K 112 6
                                    

LUCIA's POV

♕♕♕

Ngayong araw na gaganapin ang kaarawan ng Crown Prince at halatang abala ang lahat sa pag-aayos ng kani-kanilang mga gawain.

Maiiwan kasi namin sila Hanes sa manor dahil halos buong dalawang araw daw gaganapin ang kasiyahan na 'yun. Pwede naman kami umuwi agad pero depende iyon kung papayagan kami ng Imperial Family.

"Madam, anong pabango po ang gagamitin niyo?" Tanong ni Sasha at tinuro ko naman ang paborito kong pabango na hindi matapang at amoy prutas lamang.

"Iyang nasa dilaw na lalagyan," turo ko sa kaniya at kinuha niya naman ito saka maingat na inamoy.

"Sigurado kayo rito madam? Hindi ata babagay ang amoy na 'to sa imahe niyo ngayon," tanong ni Sasha at nagtaka naman ako.

"Wala naman ibang aamoy sa'kin doon kaya ito na lang para hindi sumakit ang ulo ko sa amoy nang matapang na pabango," paliwanag ko naman sa kaniya at wala na siyang nagawa at nilagyan ako ng pabango sa likod at ilalim ng tenga ko pati na rin sa buhok at sa palapulsuhan ko.

"Iyan madam, sobrang ganda niyo na!" Tuwang-tuwa naman na sabi ni Melinda dahil siya ang nag-ayos ng buhok ko, inilugay nila ito at kinulot sabay pinalamutian ng mga perlas na naka-ikot sa'king ulo.

Ang damit ko naman ay naiayos na ng mananahi sa Central, hindi na ganung kita ang aking dibdib ngunit kitang kita pa rin ang aking balikat sa damit na 'to.

Pinagsuot nila ako ng gwantes sa kamay na abot lagpas hanggang siko, kulay itim ito katulad ng mga itim na bulaklak na nakaburda sa'king kasuotan.

"Madam, kung na iilang kayo sa inyong balikat pwede naman na'tin ilagay ang unting parte ng inyong buhok sa unahan para matakpan ang inyong balat," munkahi naman Rosana at inayos niya ang aking buhok saka nilagay sa unahan.

"Yan, mas gusto ko 'to para hindi ganoong lantad ang balat ko," sabi ko sa kaniya at sumagitsit naman si Sevius na kanina pa tapos ayusan ng kaniyang mga persoanl maid.

"Tsk, hawiin mo 'yan mamaya mom, dapat magmukha kang mataray sa harap nila at paboloso," sabi ni Sevius at natawa na lang ako sabay tango sa kaniya. Lumapit ako sa harap niya at inabot niya naman ang isang pamaypay na kulay ginto.

"Kamusta ang itsura ko? Ayos na ba sayo 'to?" Tanong ko sa kaniya sabay bukas ng pamaypay at takip sa'king bibig.

"Hehe, ayos na ayos na mom," sagot niya kaya na tawa na lang din ako at tumayo na siya para alalayan ako.

Naglakad na kami palabas ng silid at bumaba na rin sa labas ng manor dahil nag-iintay na raw doon ang Duke.

Pagbaba namin sa hagdan ay nakita namin si Samael na nakatayo sa harap ng karwahe at mukhang binibilinan si Hanes ng mga trabaho na kaniyang maiiwan.

Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw na tanaw ko kung gano kakisig ang Duke ng Istvan, sobrang bagay sa kaniya ang kaniyang kasuotan at nakahawi naman ang kaniyang buhok paitaas kaya kitang-kita ko ang makinis niyang noo at maaliwalas niyang mukha.

"Samael," tawag ni Sevius sa kaniya nang makarating kami sa harap niya at nanlaki naman ang mata ko sa pagtawag niya sa pangalan ng kaniyang ama.

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Where stories live. Discover now