♕CHAPTER 29♕

2.9K 82 4
                                    

LUCIA's POV

♕♕♕

Naglakad kami sa hardin habang nagku-kwentuhan tungkol sa mga nakaraan namin noong mga bata pa kami.

Sa aming apat na magkakapatid, si Lucas ang malapit sa edad ko at siya ang lagi kong kalaro noong mga bata pa kami, lagi siyang nakasunod sa'kin at umiiyak pag hindi ako katabi matulog.

Nung nagdalaga at binata kami siya naman ang lagi kong kabangayan at kaaway sa mga bagay na hindi namin na pagkakasunduan pero iyon naman ang humubog sa'ming dalawa para mas maging matibay ang pagiging magkapatid namin sa isa't isa.

"Tanda mo ate, rito ka na dapa tapos dumugo ang ilong mo hahaha," paalala niya at sumama ang tingin ko sa kaniya dahil panay siya tawa.

"Bakit ganiyan ka makatingin? Totoo naman eh hahaha," pang-aasar niya at inirapan ko lang siya at nag-unat ng katawan ko.

"Tanda ko rin dito ka parati nagsusumbong sa'kin noong lagi kayo nag-aaway ni Lorenzo sa iisang silid na meron kayo," pagbabalik tanaw ko at natawa na lang din siya.

"Na solo niya na naman ang silid na 'yun nung tumira ako sa dormitoryo ng Academy," sagot niya at tumango ako.

"Ang bilis ng panahon ano?" Tanong ko at tumango siya.

"Sobrang bilis ate, hindi ko inakala na ikakasal ka sa edad mo dahil sa totoo lang akala ko tatanda kang dalaga," sabi niya at napalingon ako sa kaniya, hindi ko alam kung biro ba ang bagay na 'yun pero hindi siya mukhang masaya sa mismong sinabi niya.

"Hindi mo ba gusto na makasal ako?" Tanong ko sa kaniya at umiling naman siya.

"Hindi naman sa ganun, pero siguro na sanay lang ako na nasa tabi ka namin na tumatayong pangalawang ina bukod kay mama," paliwanag niya at umupo kaming dalawa sa damuhan sa ilalim ng puno at tumingin sa bilog na buwan na pinaliligiran ng mga bituin

Umihip ang malakas na hangin at napayakap ako sa sarili ko, binalot ko ang balabal na dala ko sa buong balikat ko at tiniklop ang tuhod ko saka ito niyakap.

"Pasensya ka na Lucas kung hindi ako nakapagpaalam sa inyo ni Lorenzo nung araw na 'yun," sagot ko sa kaniya at umiling siya sabay lagay ng kaniyang mga kamay sa kaniyang ulo at humilata sa damuhan.

"Hindi naman iyon ang iniisip ko, ang tanong kasi rito ay kung mahal mo ba talaga ang tyrant na 'yun," sabi niya nang hindi man lang tumitingin sa direksyon ko at napatingala na lang din ako sa mga bituin.

"Mahal ko si Samael, at alam kong mahal niya rin ako. Hindi lang siya ang dahilan bakit ako nagtatagal sa Istvan kung hindi dahil din kay Sevius, sa mga katulong doon na katuwang ko sa pagiging Duchess ko na naging kaibigan ko na at syempre para sa inyo," paliwanag ko sa kaniya at napalingon naman siya sa direksyon ko.

"Ano naman kinalaman namin sa pagtatagal mo sa Istvan? Sinasabi ko na nga ba! Tinatakot ka ba ng tyrant na 'yun?" Tanong niya at natawa ako sabay iling.

"Hahaha ano ka ba, kaya ako naging Duchess doon at hindi inuurungan ang desisyon ko ay dahil dala-dala ko rin ang pangalan ng pamilya na'tin, isa akong Sullen, Lucas at ang isang Sullen ay hindi umuurong sa desisyon niya," sagot ko sa kaniya at napabuntong hininga lang siya sabay kalma at hilata ulit sa damuhan.

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Where stories live. Discover now